Chapter 53

1.4K 49 42
                                    


Magnus' POV

"Unbelievable! It's a great day today, hon!"
Bulalas pa ni Vanna este Mikaela pala, habang nasa daan kami. Ngiti lang ako ng ngiti sa oras na iyon, wala na akong mahihiling pa, kung 'di ang makitang masaya ang mahal ko.

Mayamaya ay narating ko na ang resort na napuntahan ko na noon dito sa Hawaii.

Sabay kaming bumaba ni Mikaela at hinawakan siya sa kamay. Tuloy-tuloy kaming naglakad sa loob hanggang narating namin ang reception area. Marami ang nakasuot ng pangkasal at mga nakasuot rin na gaya namin. Masayang nagbabatian at nag-uusap ang mga tao habang kami naman ay ginagayak ang gawi ng sentrong bahagi.
"What are we doing here?" Tanong ni Mikaela na halatang hindi alam kung ano ang sadya ko.

Nang makita ko ang hinahanap na tao ay pasimple ko itong tinapik sa likod.

"Hey man! Congratulations," sabi ko pa habang noo'y hinarap ako ng lalaking iyon.

Ang masayang mukha niya ang nabungaran ko lalo pa't nakilala niya ako at si Vanna slash Mikaela.

"Congrats man!" Sabi ko pa sa aking kaibigang si Ace. Kaibigan namin itong dalawa ni Peruvian. Wallace Monterossi is Peruvian's informer and one of his men working in the secret agency. Ngayon ang kasal nito sa nobyang si Jinky Elizabeth Pendelton.

"Anong ginagawa mo dito?" mahinahon ngunit nagtatakang tanong niya sa akin.

Ngumisi ako at nagsalita.
"Uhm, andito lang naman ako para maki-celebrate, gusto ko lang makita ang celebration mo, sorry if late kami. Nga pala, my wife..." pakilala ko kay Vanna.

Ace smile to us, mahina rin itong bumulong sa akin. "Nakapagpalit na ba kayo ng identity?"

Marahan lang akong rumesponde.

"Well, good to know," he stare at me as if he is waiting to my new name.

"Alfonso. Alfonso Corpuz."

"Oh, Nice to know you're here Alfonso and..."

"Mikaela Corpuz..."

"Yes, of course...Mikaela. Long time no see." Pagdadrama naman nito saka nakipagbeso-beso kay Vanna.

Dumating naman ang bride nito na siyang ipinakilala naman niya.

"Friends, this is my beautiful wife, Jinky." Sabi ni Ace na hawak ang kamay ng asawa.

"Hello, nice to meet you." Maganda ito, Asian beauty at may maputing balat, halatang anak mayaman at sopistikada.

Naramdaman kong hinapit ako ni Vanna sa braso at nagsalita.
"It's nice to be here, guys. Best wishes to the both of you," saad naman ni Vanna.

"Hon, let's go, tinatawag ka nila mama...please excuse us." Excuse naman ni Jinky sa amin habang hawak ang braso ni Ace.

"Maiwan ko muna kayo ha. Just stay as you pleased, enjoy lang kayo ha." Paalam naman ni Ace sa amin.

Sabay lang kaming tumango ni Vanna.

"Magnus," mahinang bulong ni Vanna sa akin. Kinakalabit niya ako sa kung saan.

"Let's check this out!" turo pa nito sa malawak na view sa area na iyon. Nakikita kasi doon ang magandang tanawin ng Hawaii.

Perfect na perfect ang view at ambiance doon lalo na kapag sunset at sunrise time.

Napahilig sa braso ko si Vanna saka magsalita.
"This is the best escape of my life, Magnus..."

I just smile while staring at the view. Totoo nga, maganda nga ang view doon. Hindi ko tuloy maiwasang mapaisip, how lucky i am to have like Vanna. She's so perfect for me.

Nakikain kami doon at literal na nag-gate crash wedding, pero may pabor naman kasi kilala ko si Ace even though we're not invited, at least naipasyal ko si Vanna sa isla.

Nang matapos kami doon ay nagpatuloy kami sa pagro-roadtrip doon patungo sa sa talampas. Nagpark kami saka tiningnan ang takipsilim.

Nakasandal lang si Vanna sa akin, staring silently in the ocean.

"Masaya siguro kung naisama din natin si Ysay no?" ani nito.

I smile at her, crossed my arms and speak. "Mas mabuting malaman niyang patay na ako," I replied.

Siguro'y hindi sang-ayon si Vanna sa sinabi ko kaya mahina niya akong sinapak. "She's your child, anong klaseng ama ka!"

I stop her. "Listen, hon. What I mean is, mas mabuting malayo siya sa akin, dahil ayokong masangkot siya sa gulo, I don't want to tell her that her father is a criminal, a mafia, a sinner, ayokong malaman niya na ganoon ang ama niya, and if I chose to let her know, mas mabuting malaman niyang patay na ako, at least in her memory, I am a good father, hindi ako nagkulang sa kaniya." Paliwanag ko rito.

"Magnus...tell me, totoo bang anak mo talaga si Ysay?" medyo curious na tanong ni Vanna sa akin.

He looked at me like she knew something.

"What are you saying, hon. I told you, she's my child."

"For sure?" sambit ni Vanna saka lumapit sa mukha ko.

Napabuntong-hininga ako sa sinabi niya. Mas mabuti na sigurong malaman niya ang totoo.

"Ysay is uncle's granddaughter. Anak ni tiyo sa ibang babae ang mama ni Ysay. Naanakan nito ang isang cabaret dancer sa barko, kaya nagbunga ito, iyon ang mama ni Ysay, kaya hindi maganda ang pakikitungo niya sa akin kasi galit siya sa tatay niya, and I don't know that she raised alone her daughter, Ysay. Hindi ko alam kung sino ang tatay, nabuntis din kasi ang nanay ni Ysay sa customer nito. And being an uncle, ayokong maging ganoon ang buhay ni Ysay, gusto kong masalba ang bata sa nakagisnang buhay ng Ina niya. Hindi ko man nagawang tulungan ang mama niya, at least kay Ysay ako bumabawi..." Paliwanag ko pa kay Vanna.

Nakita ko siyang natameme at nagulat sa sinabi ko about kay Ysay.

"I'm shocked, hon. Ang dami mo palang tinatago, I didn't expect about Ysay."

Ngumiti ako sa kaniya.

"I'm sorry for that, hon. Sana ay hindi ka kagaya sa akin, sana'y huwag kang magtago ng sekreto, i want to start over, hon. Let's start all over again..." Sinserong sambit ko rito.

Natahimik ito at halatang nag-isip sa sinabi ko.

---

Vanna's POV

Nakarating na kami ni Magnus sa aming bagong tirahan dito sa Hawaii. Isa itong simpleng bungalow na may isang kwarto, katamtamang sala at kusina. Malapit kami sa dagat, at natatabunan ng niyogan ang bahay namin. May mga halaman sa labas at purong buhangin ang mararamdaman mo sa lupa kapag nagyapak ka sa labas. Presko rin ang hangin at natural lamang ang tanawin na nakasentro sa dagat at mga taniman sa kabilang banda.

Pasado alas syete na ng gabi sa oras na iyon. Nasa balkonahe ako habang nag-iisip sa sinabi ni Magnus sa akin kanina. I left speechless last time. Hindi ko kasi masabi ang lahat ng nalalaman ko, wala rin akong lakas ng loob para ibunyag na isa rin akong agent at alam ko ang lahat ng sikreto niya simula pa noon.

Naramdaman kong may tao sa along likod, si Magnus 'yon. Dumaan ito papunta sa labasan.
"Saan ka papunta?" litanya ko kay Magnus habang noo'y nakatingin lang sa likod nito.

Tahimik lang itong tumingin sa akin habang ang dalawa nitong mga kamay ay nasa kanyang magkabilang bulsa. Wala itong emosyon at suot ang tamad na pagmumukha. Baka bored lang.

"D'yan lang sa tabi-tabi," wika pa nito habang noo'y pasimpleng um-exit sa aking harapan.

"Hoy! Hindi pa ako tapos! Teka lang!" Habol ko rito.

Nang makasunod sa kaniya ay pasimple ko siyang hinawakan sa palad. Naglakad-lakad kami sa buhanginan. Medyo malamig ang simoy ng hangin doon kaya tama lang na dalhin ko ang balabal ko, habang si Magnus naman ay naka jacket lang ng manipis at nakasuot ng jogger. Pareho lang kaming nakapaa na dalawa.

"Anong iniisip mo?" tanong ko pa rito.

Umiling ito.

"I am just thinking something."

"About what?"

"Our future." Tipid na sambit nito sa akin.

Tumingin ako sa mukha niya. Seryoso ito, at halatang malalim ang iniisip. Hindi ko tuloy maiwasang maguilty dahil hanggang ngayon ay hindi pa ako umaamin.

"Magnus..."

"Bakit?"

"May sasabihin sana ako," I bit my lower lip. Nagpatuloy lang kami sa paglalakad.

"I'm listening..."

"Hon, I am...a..."

Hindi ko naituloy ang sasabihin dahil may mga mangingisda ang nagsidatingan sa baybayin habang masayang bumungad sa amin saka dumaan. Masaya ang mga ito sa kanilang mga huli. Nakikita ko rin doon na may mga asawa ito na sinusundo sila. Hindi ko maiwasang maiingit.

Maging si Magnus ay napalingon din sa gawi ng mga ito.

"Mabuti pa sila no, kahit ganiyan lang, masaya sila, buo sila..." I realize that time.

Magnus eventually hold my hand.

"I'm here. We're complete." Ngiti nito saka muling napangitii. Kahit papaano ay nagkaroon ulit ako ng drive sa oras na iyon.

Magnus My Mafia Boss HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon