Chapter 24

807 53 27
                                    


Magnus' POV

Habang nasa biyahe kami ni Ligaya ay nasabi niyang anak siya ng isang dating detective agent, katunayan ay may business sila at ang papa niya ang namamahala roon. Papunta umano siya sa Manila para bisitahin ito, nilakasan ko na ang loob ko para humingi ng tulong. I need her connections to locate Vanna right away.

Hindi ko matawagan si Peruv, siguro'y nasa isla na naman niya ito, walang signal doon at kung mamalasin, baka may trabaho na naman itong ginagawa.

"Oks na oks lang sa'kin, sir. Tutulungan kita, mura lang naman servicing fee ng papa ko," ngiti pa ni Ligaya habang nagmamaneho.

"How much?"

"Uh, siguro nasa ten kiyaw lang," pagpapatuloy pa niya.

"Ten thousand pesos o dollar?"

"Hoy grabe ka naman sir, pesos lang..."

"Alright, i'll pay right away," sabi ko pa na tinawanan lang niya.

"Naku, patawa ka talaga sir, agad-agad talaga? Siguro kahit hulugan na lang, kasi baka mamulubi ka, kailangan mo yata ng mga bagong gamit," nguso pa niya sa suot ko na nagkanda-butas butas at tila ni-rape sa kanto. Naka-paa lang din ako ngayon kaya siguro ayaw niyang maniwala na mababayaran ko siya agad.

Ngumiti ako. "Sige, maraming salamat."

"Dumaan muna tayo sa lugar mo, para makapagbihis ka, baka kasi kung tutuloy tayo ay papa, mabatukan ako n'on, kapag makita kang ganiyan ang hitsura, naku! grabe pa naman 'yon kapag nagtanong..." tawa pa nito sa akin.

Tumango lang ako saka nag-isip, tanaw ko ang bintana sa oras na 'yon, inaalala ko ang lahat, nasa isipan ko pa rin ang nag-aalalang mukha ni Vittos. Alam kong hindi niya kagustuhan ang nangyayari ngayon, wala siyang magawa para depensahan ako, dahil pamilya na niya ang kumokontrol sa kaniya.

I remain silent and sighed.

"Matanong ko nga sir, bakit ka po ba dinukot? May atraso po ba kayo? Hindi ho kasi ako naniniwala na na-hijack ka, siguro hindi ka nakapagbayad ng otang ano? O kaya may tinakbuhan kang matrona o sangkot ka sa gambling? Tama po ba?" humagikhik pa ito.

Honestly, I like how straight-forward she talks, bungisngis si Ligaya, masayahin at halatang matalino.

I shake my head. "Hindi, hindi ako masamang tao," pagdidiin ko pa.

"Hmm, okey, naniniwala naman ako, kaso ang labo ho kasi ng explaination mo, sabi ko na-hijack ka pero nasa sa'yo pa rin ang susi ng kotse mo," dinuro pa niya ang susing nakakalawit sa pantalon ko, hindi ko naisip na nandoon pa rin ang susi ng kotse ko, tama! Nasa sa akin pa rin iyon dahil madali nila akong dinukot sa loob ng kotse, kung saan hindi ko pa na-i-start ang kotse ko. Magaling si Ligaya, marunong itong magmasid.

I exhale again and shake my head. Oo na sige na nga, aamin na ako...

"Alright, i lied, tama ka, hindi ako na-hi-jack. Dinukot ako sa parking lot ng hotel, tapos sinilid nila ako sa maruming container van," pagpapaliwanag ko pa.

"Kaya ba maputik ang suot mo?"

"Oo," sagot ko. Tumango naman ito.

"Kung isinilid ka sa likuran ng container van, kaya ba hindi mo alam na doon ka papunta sa Pampanga kanina?"

"Yes." I added.

"Hmm, kung ganoon, dapat nakatakas ka na kanina pa, pwede ka namang tumakas mula sa likuran ah," she's thinking some possible things.

"I can't, nakatali ang kamay ko."

"Sa bagay, sige... naniniwala na ako." Pag-sang-ayon pa nito.

Napuno ang usapan namin ng plano, binigyan niya ako ng mga taong pwedeng i-hire sa pag-iimbistiga, ang sabi pa niya, dito sa pilipinas, pera ang nagpapagalaw ng lahat...kaya kung may pambayad ako para sa lagay at additional charges, mapapadali ang lahat.

Magnus My Mafia Boss HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon