Chapter 18

845 57 46
                                    


Vanna's POV

Kinabukasan. Nagising ako dahil sa maalinsangang hangin. Tulog na tulog pa si Magnus dahil sa nagdaang gabi. Masayang-masaya kami sa isla lalo pa't naging maganda ang kalabasan ng island shotgun wedding namin ni Magnus.

Lumabas ako sa villa saka naglakad-lakad sa labas. Wala akong saplot sa paa. Suot ko rin ang roba para may pantakip sa aking silk night dress.

Hindi ko namalayang nandoon na pala ako sa may tabing-dagat. Medyo madilim pa dahil mag-a-alas singko pa lang sa oras na 'yon, sa 'di kalayuan ay nakita ako ang pamilyar na lalaki, nakaupo ito sa dalampasigan habang maagang umiinom ng canned beer.

It was one of Magnus' employee.

"Uh, excuse me. Uhm, good morning..." nabigla ito sa presensya ko.

If I am not mistaken, ito ang kanang kamay ni Magnus, si Jay. Gaya ni kuya Vittos, medyo may katangkarang tao ito, medyo Moreno ang kulay at may magagandang mata, gwapo din ito at kung 'di ko lang alam na empleyado 'to ni Magnus, pagkakamalan ko itong model.

"Good morning, ma'am." Maginoong sambit niya. Napangiti ako. Even though he talks slang, nagpatuloy pa rin siya sa pagsasalita.

"Maaga po kayong nagising?"

"Oo, ang init kasi sa villa." Sagot ko pa.

Naupo ako sa tabi niya saka tumingin sa karagatan. Payapa ito at kalmado. Naisip kong makipagkwentuhan muna, gusto kong makilala AI Magnus sa pamamagitan ni Jay.

"If you don't mind, pwede ba akong magtanong?" Sabi ko pa saka ngumiti.

"Oo naman, ano po ba?"

"Uh, it's about my husband. Si Magnus. Ano bang negosyo ninyo?"

Sa tanong ko'y tila nag-isip muna ito bago nagsalita. Halatang may nililihim siya sa akin.
"A shipping line company, we ship different stocks of linens, fabrics and other textiles."

"Ah, gan'on ba? Eh para saan ang maraming hotels, resorts at private markets ninyo if textile ang nature ng business ninyo?"

"Ah, may bsuiness din po kasi si sir Magnus na stocks shares," he replied.

"Oh, so marami din siyang casino? 'Di ba may casino ang mga hotels niya?"

"Opo."

"Gan'on pala..." Inaalala ko ang sinabi niya sa'kin dati, he is worrying about his billions. I know may pinupunto itong bagay, hindi lang ito ang negosyo ni Magnus.

"Does Magnus owns cartel?"

Nabigla si Jay saka bumuga ng hangin at mabilis na umiling. He even clear his voice.

"H-hindi po, nako, wala pong gan'on na business si sir."

"Sigurado ka?"

"Yes."

"Well, if gan'on...wala pala akong dapat ikabahala, he's not a treat to my own territorial group, ayokong may kaagaw, even my husband." Ngisi ko pa kay Jay.

Hindi na ito nagtagal, at nagpaalam na aalis muna dahil may kailangan lang daw siyang gawin, but, deep inside, he is just avoiding my questions. Alam kong may tinatago siya.

Nanatili ako sa pwesto ko hanggang maramdaman kong may tao sa aking likuran. It's Magnus. Hawak niya ang dalawang mug, and I assumed na kape iyon.

"Take." Ani nito, agad ko namang kinuha. I was right. It's a black coffee.

"Kanina ka pa gising?" He sit with me.

"Yes."

"Bakit hindi mo ako ginising?"

"Ang sarap kasi ng tulog mo e, ayokong maudlot ang dreams mo, if I know, pinagpapantasyahan mo pa rin ako sa panaginip mo," tudyo ko pa saka ngumiti.

"Unbelievable." Usal nito saka umiling. Humigop ito ng kape niya saka naubo.

Nanlaki ang mga mata nito nang may sinisipat ito sa dagat.

"Come on, Vanna! Let's go! Halika na. Bumalik tayo sa Villa. We need to leave here now!" Nagsitilapon ang kape na hawak-hawak ko.

"Ano ba kasi?"

"Let's go! They're here!" Agad niya akong hinila papasok sa villa at niradyohan ang mga tauhan niya. Nagsilabasan din sina kuya Vittos, Peruvian, Aries at Austin. Nalilito ako sa nangyayari.

Nang makapasok ako sa villa ay agad na tinipon ni Magnus ang mga babae, sina Roxane na kasama si Ysay, sina Paris, Georgina, Romary at Raquel na noo'y mabilisang nagsipagbihis at kinuha ang mga kagamitan.

"What's happening!" Sabay-sabay na sambit namin.

"We must leave! Natunton tayo ng mga kalaban ko!" sa sinabi ni Magnus ay agad kaming nagsilikas. Mabuti na lang at wala na sina mommy at papa sa isla dahil umuwi na sila kagabi, kasama ang tatlong kuya ko.

Mabilis kaming tumakbo papunta likurang bahagi ng isla at sumakay sa yateng naka-posting. Nandoon ang kapitan ng yati na tila naalerto na rin ni Magnus.

Sabay kaming lahat na nagsiksikan sa yate. Kasunod ng pagpasok namin sa yate ay narinig na namin ang putukan sa isla.

"Daddy! Natatakot po ako!" iyak ni Ysay na noo'y pinapatahan nina Roxane at Paris.

"Shhh, don't worry baby, nandito kami." Niyakap ko rin ito.

"Mauna na kayo, dapat ay makaalis kayo rito!" Magnus said as he help the vehicle to move away.

"Magnus! Please be safe!" Sigaw ko pa rito.

Nakita ko lang na ngumiti si Magnus saka mabilis na bumalik sa isla. Papalayo na ang yate sa oras na iyon, at dahil madaling umaga pa ay may kakaunting hamog ang karagatan, kasunod ng paglayo namin ay ang pagtabon ng isla, hindi ko na makita si Magnus sa oras na 'yon.

"Ano bang nangyayari, girl? Bakit may putukan at ambush na nangyayari? Nakakatakot naman...sa mismong araw pa talaga matapos kayong ikasal ha?" si Paris ang nagsalita.

"Baka mga kalaban sa negosyo ni Magnus..." sambit naman ni Georgina. Naiiyak ito dahil sa kaba.

"Ano ba kasi ang business ng amo mo Roxane, magsalita ka nga!" Sigaw ni Romary sa sekretarya ni Magnus na noo'y naiiyak na rin. Yakap nito si Ysay.

"Hey, tell us...ano ba ang trabaho mo kay Magnus?" Kibit-balikat ni Raquel.

Roxane swallowed hard and wipe her tears away.

"Alright, sasabihin ko na...aamin na ako. Magnus owns a...cartel." Sa sinabi ni Roxane ay natutop ko ang sariling bibig. Sinasabi ko na nga ba. May kutob akong hindi maganda. Walang magbabalak na patayin ang isang simpleng negosyante lamang, alam kung mga kalaban niya ito, mga opponent group o 'di kaya ay mga kaagaw sa negosyo.

"Sino ang mga 'yon?" turo ni Paris sa islang nilisan namin kanina lang.

Sumagot naman ulit si Roxane. "Mga pirata 'yon, natunton nila ang venue ng kasal ni Magnus. Mga kalaban niya 'yon, dahil hindi sila nagkaayos sa hatian sa Guam. Gusto nilang sirain ang kasal ni Magnus, but I guess, nahuli lang sila ng oras. They want you dead, Vanna. Dahil alam nilang ikaw ang kahinaan ni Magnus." Sa sinabi ni Roxane ay nahilo akong bigla, agad akong naupo sa bench at inisip ang pangyayari.

"Shit! Do you mean...Magnus is in danger because of me?" Natutop ko ang sariling bibig.

---
Magnus' POV

NANG MAKABALIK ako sa villa ay nagpapalitan pa rin ng putok sina Jeb, Jill at Jay. Gayundin ang mga kaibigan ko na nakapwesto sa mga bintana. Nakakainis lang kasi hindi pa namin makita ang mismong direksyon nila dahil sa hamog. Mabuti na lang at nakita ko kaagad ang barko nila.

"Let's fire!" Sigaw ni Aries na siyang nanguna sa pagbaril. Magaling ito sa pag-snipe ng kalaban. Nasa ground naman sina Austin at Peruvian na kataka-takang naging tandem, eh kagabi lang ay halos magsuntukan ito dahil kay Romary, it seems they more value their friendship rather than anything else.

"Fire!!" Pinaulanan namin ang mga ito ng putok. Nakita naming sumugod ang mga tauhan ng pirata, mga halos benteng katao ang nagsitakbuhan pasulong sa amin.

Jeb and Jill throw a hand grenade to their direction, magkasunod itong pumutok, kasunod ang pagsabog sa dalampasigan. Nagmukhang war zone ang isla sa oras na iyon. Mabuti na lang at nakaalis na ang mga babae. Sila ang dapat naming ipriority dahil sila ang gustong puntiryahin ng mga bwesit na mandaragat na 'to!

Muli kong nilagyan ng magazine ang baril at pinagbabaril ang pababang tauhan ng mga pirata. Mangilan-ngilan din silang nagpapaputok ng baril, rason upang kamuntikan akong tamaan sa taenga. Bumulusok lang ito sa pader na nasa likuran ko.

"Damn it!" Muntik na! Kung di lang sa makapal na kurtina sa aking harapan ay baka tumagos na talaga iyon ng tuluyan sa'kin.

"Stay down, Magnus! Ano ka ba! Ang laki mong tao! Baka nakakalimutan mo!" sigaw ni Aries na nasa main hitting ground. Nakasalampak ito sa dalampasigan gamit ang sniper rifle. Sunod-sunod ang pagtapon ni Austin sa Granada rason upang magsitalsikan ang mga buhangin sa amin.

"Gago! Wala na akong makita!" Singhal ni Aries, ganoon din si Peruvian at Vittos.

"Back off, umiikot sila!" sigaw nila Jeb at Jill na nasa mataas na bahagi.

"Shit! Kailangan na nating umalis. Marami sila! Kaunti lang tayo!" Sigaw ni Aries.

"Naduduwag ka na naman ba?" puna ni Peruvian.

"Shut up! kung gusto n'yong magpakamatay! Fine! I don't want to die virgin!" singhal pa nito.

Kahit nasa gitna na ng putukan ay nagawa pa talagang magtawanan ang mga ulol.

"Mga tarantado, Tara na! Kailangan na nating sumakay ng helicopter!" sambit ko pa.

"Damn it! Tara!" Agad na sinanday Nina Peruvian ang mga baril sa balikat nito saka madaling nagbaklasan. Gan'on din sina Jill na pumanaog para makalusot sa underground passage ng villa.

Karugtonf nito ang lagusan papunta sa helipad na naka-stand by sa likuran ng isla.

"I hope hindi nila nakita ang helipad natin!" sigaw ni Vittos na naunang tumakbo. Siya ang magpapalipad ng helicopter.

"Impossible, hindi niya matutunton 'yon!" Aries replied. Kasunod ng pagtakbo namin palabas sa lagusan ay narinig namin ang sabay-sabay na pagsabog sa Villa.

"What's going on there?" nilingon ni Vittos ang dalawang Austin at Peruvian. Nakanguso ang mga ito.

"Is that a landmine bomb?" sambit ko pa.

Tumango lang ang dalawa.

"Nag-iwan kami sa ground para naman makatikim sila ng bomba del diablo!" Nag-fist bump pa ang mga ito. Well, kung sa mga bomba lang naman ang majority na pag-uusapan, matalino ang dalawang gong-gong na sina Austin at Peruvian. It's their favorite skills.

Nang makitang safe ang helicopter ay agad kaming pumasok. Mabuti naman at sumakto lang kaming walo doon. Ako, si Peruvian, Aries, Vittos, Jeb, Jill, at si Jay.

Tahimik lang ang tatlong tauhan ko sa oras na 'yon, gaya kanina, medyo nasisindak ito sa pangyayari.

Vittos starts to turn the engine on. Madali niyang pinaandar ang helicopter na noo'y papalipad na.

The armed pirates are still confused out there, hindi nila alam na nakalayo na kami sa isla. Hindi nila alam na ilang minuto lang ay sasabog na ang whole island.

"Austin, paano ba pasabugin ang isla mo?" Tanong ko pa rito. The island who he gave us is just a decoy. Ito ang rason kung bakit binili iyon ni Austin, to make us secure na walang ambush ang mamaganap, alam na namin ang mangyayari, dahil nasabi na ni Jay ang tangka nila sa amin, since pumunta ito sa Guam noong nagdaang araw.

"Just call the landline in the villa. Sasabog 'yon, kapag ito ang ginamit mo." Binigay niya ang phone na siyang disseminator ng bomba.

Hinawakan ko ang mismong phone at huminga muna ng malalim. Nakatingin kang sila sa akin, naghihintay na tatawagan ko na ang landline sa villa.

Then, I called it.

A pin diffuser sound sorrounds the backtone at kasunod n'on ay ang pag-ugong ng matinis na ingay sa islang iyon. Isang malakas na pagsabog ang nangyari.

Leaving nothing but a trace of memory, where me and Vanna exchange our vows.

Nakatingin kaming lahat sa ibaba, habang tumatabon ang usok sa himpapawid. Kahit hindi na namin makita ang isla dahil sa hamog at ulap, ay nanariwa pa rin ang mga memoryang naiwan doon.

"I will miss the fucking suite I fuck up with Romary," mahinang usal ni Austin.

"You're gross! Austin! Nakipag-one night stand ka na naman kay Romary?" Sita ko pa.

Napakamot ito ng sariling ulo.

"Eh, ang hirap iwasan eh, nandoon na eh, hindi ko na lang namalayan e." Paliwanag pa nito.

"Don't talk me like that Austin Monticillo, para kang teenager, we all knew na mahal mo pa rin ang ex mo, kaya nga walang babaeng nagtatagal sa'yo e, kasi nga inlab ka pa rin sa dati mo..." Agap ni Vittos.

"Alright. Fine! Damn it, oo na!" Sabi pa nito saka nasandal sa kinauupuan. I also find myself missing the place of island, where we, Vanna, shared our first night together as a couple.

Napabuntung-hininga ako.

"I guess we need to pay securities now." Sabi ko sa kanila.

"Don't worry Magnus, maghire ka na lang sa'min para may discount ka na, full custody security pa!" si Peruvian na halatang sugapa basta pera na ang pag-uusapan.

"Tumigil ka Fuego, mamumulubi ako 'pag ikaw ang security guard ko, ang lakas mong lumamon! Wala namang ambag!" reklamo ko pa, rason para magtawanan ang mga bwesit.

Magnus My Mafia Boss HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon