Chapter 17

889 58 48
                                    



Vanna's POV
Matapos ang kasalan ay agad kaming nagtungo sa venue kung saan nakalatag ang sampung round tables na pinaglagyan ng magagandang sapin at bulaklak na dekorasyon. Kulay ginto ang mga upuan, na siyang nagpapaganda sa arrangement ng area. Open air ito at may magandang angle sa karagatan.

Hawak ako ni Magnus sa oras na 'yon, kanina pa niya ako hindi binibitawan, parang takot na mawala ang nabiling pag-aaring gaya ko.

Nakasunod lang ako sa kaniya.

As of now, they are starting the program with a nice intermission dance, presented by my friends. Sina Paris, Romary, Georgina at Raquel na hataw na hataw sumayaw ng kanta ni Beyonce, ang 'Who run the world', hinila pa nila ako para sumama. Sakto namang alam ko ang dance steps kasi ito madalas ang sinasayaw namin kapag nasa club kami.

Pinaupo naman si Magnus sa isang upuan saka pinalibutan nila Aries, kuys Vittos, Peruvian at Austin.

Nakatingin lang sila sa aming lima habang sumasayaw ng daring moves, halos lumuwa ang mga mata nila ng makitang magsplit si Paris, nagbending naman si Georgina, nag-raise naman kami ng legs ni Romary at nag back thumbling naman si Raquel.

"Woooo! Go girls!" narinig naming sipol ng grupo ni Magnus.

Nakita ko naman sa isang banda sina mommy at papa na nag-sign of the cross. Ngayon lang kasi nila nalaman ang side ko na ito. They see me as a firm lady, pero ang 'di nila alam, kayang-kaya kong magbasagan ng legs sa dancefloor.

"Yeah! Break a leg, Vanna!" cheer naman ni kuya Vittos na siyang may alam sa talent ko.

"God damn it! Is that my wife?" Turo pa ni Magnus sa akin. Pansin kong gulat na gulat ito.

"Aha, she is!" ngisi ng mga kagrupo niya.

Nag-concentrate pa kaming lima at sabay-sabay na nagroutine twerk habang nakatalikod sa mga guys.

"Holy mercy!" Narinig ko kay Magnus.

Ang panghuling routine namin ay kukunin ko si Magnus at pasasayawin.

Umiiling ito dahil hindi raw siya marunog sumayaw.
"Goodness, Van. I cannot dance."

"You can, just hold me." Sabi ko pa.

"Damn it, parehong kaliwa ang paa ko." Sabi pa nito.

"No, I will hold you." Sa sinabi ko ay agad siyang humapit sa beywang ko. Kumendeng-kendeng pa si Magnus sabay kampay ng mga balikat sa ere.

Nagmukha itong nagho-hola-hoop since kasing tigas nito ang bato kung kumendeng. Narinig pa naming sinipolan siya ng mga barkada niya.

"Woooah! Yeah, dance Magnus! Balahurang gastador, shake it! Shake it!" nagkantyawan pa ang apat na itlog sa harapan namin.

Magnus just shake his head while twerking our moves. Kinuha ko pa ang sinturon nito at sinayaw-sayawan papalibot. Kinuha ko pa ang braso niya at ginapos iyon gamit ang sinturon. Nang oras na iyon ay nagsimulang magchange ang music, it's now the famous tiktok sound na 'Itaktak mo', from our way ay nagtwerk ng ubod bilis sina Georgina, Paris, Raquel at Romary na noo'y naghubad ng kanilang sleeves ng damit, nakikita ngayon ang kanilang whole legs na may suot na black stockings na may style na ripped strips.

Kapansin-panskn ang mga mukha ng barkada ni Magnus na noo'y tulo-laway sa amin habang sumasayaw. Lalo na si Austin na tutok na tutok kay Romary, halos lumuwa na ang mata nito dahil sa pagsayaw ni Romary.

Ganoon din ang manyak na si Aries na takam na takam kay Georgina at Raquel.

Tahimik lang naman si kuya Vittos dahil nandoon kasi sa gilid sina mommy at papa.

The whole dance scene was perfect. Inggit na inggit ang apat na itlog dahil pinalibutan namin si Magnus, kaming lima ay sinanday ang apat naming legs sa binti niya. Ako namay nakaluhod at yakap-yakap ang sentrong bahagi ng kaniyang central heating point.

"Yeaaah! A round of applause!" Awat naman ng emcee na si Roxane.

Nagsibalikan sila sa upuan, kami rin ni Magnus na noo'y manghang-mangha sa ginawa ko.

Naka-tigerlook naman sina papa at mommy, they saw how i disobey them, but, for now...i don't care at all. Nagawa ko na ang gusto nilang pagpapakasal, siguro'y hindi naman sigurong magsaya ako sa araw ng kasal ko!

Nang magstart na ang main event. Magpapalipad na ako ng boquet, agad akong nagpunta sa gitna para gawin ang cue ng emcee. Nakatayo naman ang mga kaibigan ko sa likuran, pati na rin ang iba pang bisita na kakilala nila mommy at papa.

"Okey, ready ba ba kayo?" nilingon ko sila sa likuran. Nakita kong handang-handa nang makipagdumog si Georgina at Paris sa gitna. Chill na chill naman si Romary sa likuran, palibhasa, matangkad ito kaya abot niya kung gaano ko man ito ihagis.

Si Raquel naman ay parang susuwag ng kalabaw dahil nakapaa na ito sa harapan, dinaig oa yatang magbabasketball para lang maka-jump out sa boquet.

Nailing nalang ako sa apat na friends ko, magpapatayan yata sa bulaklak ko.

"Okey, on my count!" signal ni Roxane.

"Three."

"Two."

"One!"

Nang maihagis ko sa likuran ay agad ko itong nilingon, tila nagslowmotion ang lahat dahil tanaw na tanaw ko kung paano nagbanggaan sina Raquel, Georgina, at Paris, but in the end, kay Romary ito napunta. Effortless lang nitong sinungkit ang bulaklak gamit ang kaniyang mahabang kamay, dinaig pa yata nito si lastikman dahil sa liksi. Nang makuha nito ang boquet ay parang naglaro sila ng rugby dahil itinakbo agad ito ni Romary papalayo sa apat na bruha.

Tawang-tawa naman ako sa mga inasal nila.

Nagpalakpakan ang lahat, dumagdag pa ang apat na itlog na panay sipol kay Romary.

"Oh, ano na, ready na ba ang mga boys?" sambit ulit ni Roxane. Sila na naman kasi ang mag-aagawan para sa garter.

Pumwesto si Magnus sa gitna habang hawak-hawak ang garter. Nilingon pa nito ang mga kaibigan.

"Oh, walang gamitan ng baril ha, suntukan lang..." Biro pa nito sa apat na arisgadong tumayo sa gitna. May ilang lalaki din naman ang tumayo kasama nila, pati na rin ang iba kong kuya na sina Vlad, Viel, at Vance. Pero agaw pansin sina Austin at Peruvian na naghubad ng suit, at itinira na lang ang panloob na polo.

"Mine! Mine!" palatak ni Austin na parang naglalaro lang ng volleyball.

"Asus! Huwag kang madamot, lampa!" sita naman ni Peruvian.

"Karatehen kita, gusto mo?" singhal naman ni Austin.

"On your marks!" paunang signal ni Roxane as she starts the time.

"Ready, set, go!" sa sinabi nito'y agad itinapon ni Magnus ang garter sa ere. Parang mga basketbol player ang mga ito dahil daig pa nito ang rebound jump ni Michael Jordan, isama pa ang matangkad na height ni Austin laban kay Peruvian.

Nang mabingwit na ang garter ay laking gulat ang lahat ng naging dalawa ang garter sa oras na iyon, nila nahati ito dahil sa malakas na impact kanina. Ikaw ba naman kasi ang pag-agawan ng mga malalakas na barako.

"Oh, well I guess... It's now a tie!" sambit naman ni Roxane.

"Let's have a tie breaker!" sigaw ni Magnus. Nasa gilid lang niya ako habang tawang-tawa sa pangyayari. Grabe ang tawa ko sa mga kalokohan nila.

"Sige, may naisip na akong tie breaker!" agap ni Roxane saka may kinuhang papel at pentelpen.

Lumapit ito sa dalawa at pinaghila ng dalawang upuan. Kasunod n'on ay magkaharap silang naupo sa isa't-isa.

"Ang lalaruin natin ay penoy henyo version one point one milk, ang matatalo sa jak en poy, siya ang lalagyan ng papel, okey?" paliwanag pa nito.

"Ang isasagot lang ng magpapaliwanag ay oo, hindi or maybe, okey ba 'yon?"

"Okey." Sabay na sambit ng dalawa. Nakatingin lang kami kina Peruvian at Austin sa oras na 'yon.

Nagjak en poy na sila, at natalo si Peruvian, kaya sa kaniya ilalagay ang papel na sinulatan ni Roxane.

Nang mailagay na ito sa noo ni Peruvian ay umugong ang tawanan nang mabasa ang nakasulat.

—Pekpek—

Maging si Austin ay tila mamamatay sa kakatawa sa harap nito.

"Fuck you! Ano na naman ba 'to? Damn it!" maktol pa nito.

"Okey, timer starts three minutes. On your marks, go!" sabi pa ni Roxane na agad nag-bilang sa relo ng minuto.

"Bagay? Ah Tao?" Panimulang tanong ni Peruvian.

"Oo." Sagot naman ni Austin.

"Malaki ba 'to?" Sa sinabi nito'y nagtawanan ang lahat.

"Oo." Austin replied.

"Mabango?"

"Shit! Oo, depende...maybe."

"Ah, kulay itim?"

"Maybe." Pigil-tawang sagot ni Austin.

"Kinakain ba 'to?"

"Yes!" nag-hands in the air pa ang animal!

"Shit! Malapit na ako! Ah, kuwan...adobo?"

"No!"

"Basta nakakain 'to ha?"

"Oo nga sabi!"

"Tahong?"

"Oo! Oo!" Ngisi pa ni Austin.

Tawang-tawa naman kami ni Magnus.

Halos maiyak ako sa kakatawa sa pinagsasabi ni Peruvian.

"Ah, alam ko 'to eh. Kinakamay ba 'to?"

"Oo! Oo!" si Austin.

"Ah alam ko na! Kanin!?" Naka-wide open pa ang mata nito, as if alam na alam ang answer.

"Hindi!"

"Sixty seconds left!" agap ni Roxane, malapit na ang time.

"Ah, kinakamay, kinakain, mabango, minsan itim, masarap... Ano nga ba? Ahh inihaw! Inihaw na nasunog? Barbeque ba?" huling answer ni Peruvian saka nag-stop ang oras.

Nakahawak naman sa tiyan si Austin habang tawang-tawa sa pinagsasabi ni Peruvian, ang layo-layo kasi ng pinagsasabi nito.

Nang matanggal na niya ang papel sa noo niya ay ganoon na lamang ang pag-iling ni Peruvian.

"Gago ka talaga, lampa! Ulol!" ngisi nito saka pinagnabatukan si Austin.

Moving on the laughters, ay agad na kinuha na ni Austin ang garter, as if nanalo ito sa lotto dahil abot-batok ang ngisi nito papunta kay Romary na panay irap naman, at halatang disgusto sa kaniya.

Alam naming may LQ pa rin ang mga ito ngayon.

Papalapit na si Austin kay Romary na noo'y nakaupo sa isang chair. Nakatingin lang ito sa suot ni Romary na pa-mermaid satin style dress, lutang pa naman ang magandang hulma ng kaniyang dibdib dahil sa mga laces at crystals na nandoon. Panay lunok ito habang nag-iiwas ng tingin.

Nakita namin kung paano isuot ni Austin ang garter sa legs ni Romary, as if alam na alam nito ang bawat hulma ng katawan ni Romary.

"Isagad mo ha," narinig namin kay Romary, as if tinutudyo si Austin na noo'y nanginginig na ang kamay.

"Look at my friend, black belter 'yan pero tingnan mo, tiklop sa amazona mong kaibigan!" bulong pa ni Magnus sa taenga ko.

Napatango pa ako, tama nga naman, para kasing asong sisinghot-singhot si Austin habang nakatingin kay Romary.

"Ipasok mo ha, huwag mong ilalabas!" Narinig pa naming sambit ni Romary kay Austin.

Nagkaroon ako ng double meaning sa sinabi niya, alam ko pa naman 'yan si Romary 'pag hindi napagbigyan, kinakaldagan ang mga afam!

"Oo na! Oo na! Heto na pinapasok na." Maktol naman ni Austin sabay diin sa legs ni Romary.

Nang matapos ang paglagay ng garter ay pinasayaw ang dalawa ng shake it off, saktong may stop dance twist pala ito, at dapat kargahin nito si Romary.

Nakihalubilo na rin kami ni Magnus sa oras na 'yon, gayundin ang iba pang amazona girls at mga kolokoy boys ni Magnus. Nang mag-stop dance ang music ay sabay-sabay kaming kinarga ng mga kalalakihan.

But, what we didn't expect, is Romary and Austin who left in the floor, dahil nadapa ito, saktong nakadipa si Austin at nasa itaas naman si Romary na tila nakaupo ng mahabang upo.

Hindi sila makagalaw.

Parang may sarili silang stop-dance version.

"Eliminated na kayo!" Saway ni Roxane kina Austin. Hindi na namin namalayan, nawala na lang sila sa venue.

Naiwan kaming tinatapos ang sayawan, at hindi mabilang na presentations. Talbog pa yata ang school affair miting de avance ang kasal namin ni Magnus sa dami ng pakulo ng mga presentors namin.

Matapos ang kulitan ay nagsimula nang ihain sa amin ang masasarap na pagkain. The wedding has also prosperity dance kung saan lalagyan ng pera ang mga damit namin. Nang magsimula ang sayaw ay hindi namin akalain na lalagyan kami ng banig na pera na pinagdugtong-dugtong nila para maging kapa.

Puro one hundred US dollars ang nandoon.

May pa-slice the cake at drink a wine pa kaming ginawa ni Magnus, all of a sudden, naging mas komportable ako sa oras na iyon. I act naturally, hindi ko na inaalala ang tingin nila papa at mommy sa akin, hindi na nga sila lumapit para batiin ako. Ang gusto lang naman nilang mangyari ay matiyak na nagpakasal talaga ako kay Magnus.

"Cheers!" napansin ko si Magnus while tossing his glass. Ganoon din ako na nakisabay na rin sa pag-toss at paglagok ng isahan sa laman ng baso.

Matapos n'on ay napangiti ako sa pangyayari. We just made it. I am now Vanna Shaw-Daviro. We are now legally husband and wife!

Magnus My Mafia Boss HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon