Chapter 29

674 52 37
                                    


Magnus' POV

Matapos kaming kumain ni Ysay sa canteen ng hospital ay bumalik kami sa lounge at naghintay ng update sa doktor. Hindi pa rin kasi ito lumalabas mula sa Emergency Room. Ginapangan tuloy ako ng kaba sa mga oras na 'yon.
"Daddy, bakit hindi mo po tawagan sina tito Peruvian para may kasama ka po dito sa hospital..."
"Busy 'yon, baby."
"Uh, sina tito Austin na lang kaya at tito Vittos?"
Bumuntonghininga ako saglit saka umiling. "They're busy, anak."
"Hmmm...eh sina kuya Jay kaya o si kuya Alfred?" sa sinabi ni Ysay ay naisip kong tawagan si Jay, kung hindi pa ito nakakauwi sa Madrid, baka nandito pa rin ito sa pilipinas ngayon.
"Alright, tatawagan ko s'ya, baby. Para may kasama na tayo dito," i smiled to her and tap her head, pero hindi pa ako nakakatayo ay nakita kong lumabas ang doktor. Tumingin ito sa gawi ko.
"Excuse me, ikaw ba ang kasama ng pasyente?"
"Opo, doc." Tumango ako saka nakinig dito.
"Listen, sir, okey na ang pasyente, nakuha na namin ang bala pero kailangan nating salinan ng dugo ang asawa mo, maraming dugo ang nawala sa kaniya, and she's anemic, i'm afraid it could cause trouble to her system kapag hindi naagapan agad."
"Ano pong blood type ang kailangan, doc?"
"Blood type A."
Napakagat-labi ako sa oras na iyon, mahirap humanap ng ganoong dugo, blood type B ako. Napaisip ako saglit kung saan pwedeng makahingi ng donor.
"Sige doc, hahanapan ko siya ng donor."
"Sige, i'll wait within twenty-four hours, sana'y makahanap ka agad," sambit nito saka nagpaalam na at muling pumasok sa loob ng kwarto. Bumalik ako sa kinauupuan at nag-dial sa numero ni Jay. Sana'y sumagot ito agad. Katabi ko si Ysay na nakikiramdam lang sa akin. Kanina pa ito nag-oobserba sa mga kilos ko. Mabuti nga't hindi ito naging pasaway at umayon lang sa gusto ko.
"Hello?" narinig kong boses ni Jay sa kabilang linya.
"Where are you, Jay? I need you here, may nangyari kay Vanna."
"What? What happened?" nagulat ako sa reaksyon ni Jay. He seems to care for Vanna.
"She's been shot, may bumaril sa amin kanina."
"Damn! Nakilala mo ba, Magnus?"
"No, mabilis ang pangyayari, naka-motor sila," paliwanag ko pa.
"You should get a bodyguard, kung ba't kasi ayaw mo kong isama, hindi sana ganiyan." Sabi pa nito na parang senesermonan ako.
"Nasaan ka ba ngayon?" i insert.
"I'm now in Manila, pauwi na sana ako sa Madrid bukas, ikaw? Nasaan ba kayo?"
"We're also here, i'll send you my pin location," sabi ko pa sana nagsend ng link sa eksaktong lokasyon ko. Sinabi nitong maghintay lang daw ako ng ilang oras dahil bibyahe pa siya papunta sa hospital.
"Jay, anong blood type mo?" huling tanong ko rito bago ibaba ang phone.
"Blood type...A."
Napaawang ang bibig ko sa narinig at muling nagsalita. "Vanna needs you." Sabi ko pa bago ibinaba ang phone.
Nang makasandal sa upuan ay tahimik akong naghintay sa iba pang mga kailangan ni Vanna. Ysay just sit in that particular lounge while i'm buying the stuffs. Naglaro lang ito ng mobile phone. Nagpapasalamat na rin ako dahil kahit papaano, there's no trauma in her face lalo pa't sa mura nitong edad ay nagkaroon ng ganitong pangyayari.
Hindi rin nagtagal at dumating na si Jay, kasama nito si Jib at Jill. Magkakasabay pala sila sa Guam at nagbalik sa Manila.
"There he is!" narinig kong sambit nila na patakbong pumunta sa direksyon ko.
"Magnus! where's Vanna?" Jay draw his concerned face.
"Ano ba kasing nangyari?" magkasabay na sambit nila Jib at Jill.
"May engkwentro kanina, may dalawang riders na pinaulanan kami ng bala, mabuti nalang hindi napuruhan si Vanna. Nakaligtas naman kami ni Ysay.
Agad nilang nilingon si Ysay na masaya namang sumalubong sa kanila. Inisa-isa ni Ysay sila ng halik sa pisngi.
"I'm happy that your fine, baby girl!" si Jay.
"Daddy saved me." Ngiti pa nito sa Tito niya.
"Kamusta na si Vanna? Alam na ba ni Vittos 'to?" tanong naman ni Jill.
I shake my head. "I don't want them to know. Mas mabuting hindi ko na sabihin, I know they will be mad again, papunta na sana kami sa Madrid ngayon, tapos nangyari pa 'to."

"Anong sabi ng doktor?" Si Jib.

"Vanna needs blood," pagkasabi ko'y tumingin ako kay Jay.
"I'm ready, handa akong mag-donor." Sabi pa nito saka nagpasama papunta sa nurse station, kailangan na kasing masalinan si Vanna sa lalong madaling panahon. Naiwan naman sina Jill at Jeb para bantayan si Ysay sa lounge.

Nang makarating kami sa nurse station ay agad naman nila kaming pinapunta sa room, sumunod lang ako kay Jay. But, when I observed to that particular room, ay sinabihan na ako ng nurse na huwag na akong pumasok, for donor and patients lang kasi ang pwede doon.

Wala akong nagawa kung 'di maghintay. Umabot ng isang oras mahigit ang blood transfusion, ni hindi ko alam ang mga naging proseso dahil sarado ang pintuan na siyang kaharap ko. Honestly, tuliro ako the whole hour. Nakita ko na lang si Jay na lumabas sa kwarto at may hawak na bandage sa particular na kamay.

"Sinasabi ko sa'yo, Magnus. Hindi ko kakayaning tumingin sa'kin kanina, maraming dugo ang lumabas sa'kin. Ewan ko lang baka himatayin ka."

Ipinaalala niya sa akin na may phobia ako sa dugo. But, in that middle of panic situation, hindi ko na rin napansin na nadala ko sa hospital ni Vanna wearing her own blood in my hands.

"I guess, I need to conquer my fears," tipid na sambit ko rito.

"Let's go. I need to sit down, umiikot pa ang paningin ko," reklamo pa nito sa'kin kaya inalalayan ko siya papunta sa kalapit na upuan. Nandoon din ang dalawa na nakikipag-usap kay Ysay.
"Sinabi ko na noon sa'yo Magnus na kailangan mo ng porteksyon, hindi ka kasi nakikinig." Sermon ni Jay sa'kin. I just listen to him.

"Hindi magiging ganito kung nagsama ka ng bodyguards natin sa Mardrid, pwede mo naman akong tawagan, o si Jib o si Jill," dugtong pa nito.

"I get it, nagkataon lang naman..."

"No, Magnus. I guess, pinagplanohan na 'to ng kalaban natin. Hindi ka pa ba nadala sa paglusob nila sa kasal mo? Sa death threat nila sa'yo?"

"But..."

"You need to go back in Madrid, Magnus. Maraming gustong umagaw sa kompanya mo, at nang malaman nilang nasa pilipinas na, may gustong magpapatay sa'yo."

"Paano mo 'to nalaman, Jay?"

"From my source, don't ever trust anyone, Magnus." Natigilan ako sa sinabi niya. Tama naman si Jay. Hindi mabilang ang kaaway ko sa Madrid, kaya hindi rin kataka-taka na maghire sila ng papatay sa'kin dito sa pilipinas.
"Pagkatapos nito, kailangan na ninyong bumalik, Magnus. Makinig ka sa payo ko, para rin naman 'to sa ikabubuti ninyo, " sabi pa nito na mas pinagtuonan ko ng pansin.

"Alright, ipahanda mo ang eroplano, pagkatapos masalinan ni Vanna, pwede na tayong umalis, kahit doon na sa Madrid ang pagpapagaling niya." Utos ko rito.

"The plane is standing by to the port. Signal mo na lang ang kulang."

"Okey. Just wait for it." Sabi ko saka nag-isip. If I need an allied system for this, I need the connections of Collins and Robertsons, sila ang namamahala sa underground world. Kung may teritoryo man kami ni Vanna sa Madrid at Columbia, sila naman ang kumokontrol sa kabuoan ng negosasyon.

"Jill, can I have a favor?" nilingon ko si Jill na kinandong si Ysay.

"Yes, Magnus, what?"

"Please arrange a meeting with Mrs. Robertson and Mr. Collins."

"Right away, Magnus." Sabi nito saka nagpaalam sa amin.

Habang inaasikaso ng doktor si Vanna, naisipan kong puntahan ang mga importanteng tao sa negosasyon ng Mafia business. Umaayon na ako sa kanilang proposal na bigyan ako ng dekalidad na proteksyon laban sa mag kalaban ko.

---

Dalawang oras ang nakalipas ay nandito na ako sa matayog na building ng mga Robertson. Mabuti na lang at kusang nagpaubaya sina Jill at Jeb na bantayan si Ysay. Kailangan kong siguraduhin ang lahat. Tuloy-tuloy ako sa penthouse na nasa rooftop ng gusali. Kabado ako sa oras na iyon. Mabuti na lang at bakante ang mga ito.

Kasabay ko ngayon sa elevator ang staff ng building. Tahimik lang ito at tipid kung magsalita, nag-oobserba lang ito sa kilos ko. I know she is reading my body.
"We're here sir." Sabi nito kasunod ang pagbukas ng pintuan sa elevator.

"Thank you," sabi ko pa sabay pasok doon. Elegante ang mga nakikita Kong mwebles at palamuti doon, off white at maraming crystals ang nakasabit. Maraming libro, puting carpet at magandang chandelier sa gitna.

"Hello Magnus." Nabigla ako nang makita ang ginang na naka-upo sa table nito. Payak lang itong nakangiti at naghihintay sa akin.

"I'm happy to see you," napalingon naman ako sa lalaking lumapit sa akin habang hawak ang baso ng whisky.
"Take a drink." Nakita kong si Ginoong Collins iyon, ang tanyag na Ax Collins, na asawa ng Bogota Cartel Santo na si Glory.

"I'm happy to meet you," ngiti ko sa kanila at inisa-isang nilamano ang dalawa. Naupo ako sa gitna at noo'y nagsalita ng aking estado. Sa nangyari sa akin last time sa Maldives at ang pananambang sa akin dito sa pilipinas. Tahimik lang sila habang nakikinig sa gusto kong mangyari.
"The thing is, I need a hand to avoid scene like this. Gusto Kong manahimik, I need a full secured program."

"But, Mr. Daviro. Alam mo naman ang code of silence natin 'di ba? You need a valid reason to have this. Mabibigay namin ang proteksyong gusto mo, pero hindi namin masisiguradong aayon ang lahat ng nasa council, the rest of it will be penalize by our council, meaning...you need to convince them."

"I will."

"What is your deal then?" nangalumbaba si ginang Helena at nakinig sa akin.

"A compound warehouse and a gatepass from Ukraine to Russia." Sabi ko na sinang-ayonan naman nila.

"Mahirap pasukin ang Russia, mabuti at may access ka?" pagtatanong pa ni Ginoong Ax.

"I have my connections too, sir." Tipid na ngiti ko rito.

"That's good to hear, hindi lang middle east at Asia ang masasakop natin, kung 'di pati na rin ang Russians."

"They have a good quality of bombs." Dagdag ko pa sa kanila.

"Ganoon ba, mas matibay sa mga bakal ng Croatia?" si ginang Helena.
"Mas matibay at mas high powered." Sa sinabi ko ay napangiti ito. Alam kong may interest sila sa firearms kaya magagamit ko ang firearms na negosyo ni Vanna at ang koneksyon ko sa mga plantasyon ng polbora. Pwede kaming mag-supply sa kanila kapalit ang gusto kong proteksyon, laban sa mga kaaway ko.

"Alright, so I guess, it's a deal then." Ngiti ni Helena.
"It's a yes for me." Dugtong naman ni ginoong Ax na kinamayan ako.

"We're looking for further interactions with you, Daviro. Huwag ka munang gumamit ng code of silence, marami ka pang maitutulong sa amin." Sabi ni ginoong Ax.

"You tried to use code of silence, sir?" Curious ako sa code na ito.

"Yes. I tried. Tumiwalag ako sa pagiging mafia noon, becuase I am raising my family, but, the code of silence has a return price," mapait itong ngumiti.

"What is it?" tanong ko pa kay ginoong Ax.

"My youngest heir and only daughter will be the sole holder of this institution, kaya konektado kami ngayon ni Helena. Hindi pa naisisilang ang mga anak namin, iyon na ang kabayaran sa sistema ng underground world."

"Kung gan'on, mag-asawa na ang mga anak ninyo?" turo ko pa aa kanilang dalawa.

Marahang natawa si Helena. "We wish na ganiyan kadali, pero may mga isip ang mga anak namin, hindi namin sila masisisi, they're finding themselves, kaya hinayaan muna namin sila. Hindi pa totally nagbubuklod ang pamilya namin, hindi pa kasal ang anak ko at anak niya." Pagpapaliwanag naman si ginang Helena.

Tumango lang ako.

"Kaya pag-isipan mo muna, Magnus ang bawat desisyon mo kung ayaw mong masakripisyo ang anak mo sa hinaharap." Dagdag pa ni ginang Helena sa akin. Napaisip ako sa sinabi niya. Ayokong gawin iyon kay Ysay at sa mga magiging anak namin ni Vanna. I won't take the mandatory option for my child's happiness.

Magnus My Mafia Boss HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon