Chapter 11

1K 69 29
                                    

Magnus' POV


Nang makarating sa Manila ay agad kong kinatagpo si Jay. Sumunod ito sa pilipinas dahil sa hinihingi kong pabor. Siya muna ang mangangasiwa sa transaksyon ko papuntang Guam. Katunayan, medyo naiinis ako sa nangyari dahil palpak na naman ang naging hatian sa grupo namin at ng kasosyo namin sa Guam.
Nang makababa sa isang tagong abandonadong gusali na lokasyon ni Jay ay nakita ko ito kasama ng ilang tauhan namin.
"What's the matter?" bungad kong sambit. Kasama ko rin ang ilang private civilian bodyguards na kasakasama ko simula pa nang lumapag kami ni Vanna dito. Hindi ko sinabi kay Vanna, pero nag-undercover sila para sa gusto ko, since gusto ni Vanna na walang bodyguards dito sa pilipinas.
"Magnus. I suggest we need to negotiate the officials in Guam."
Nang makalapit ako kay Jay ay halos gadangkal na lang ang distansya ko sa mukha niya. Alam niyang galit ako sa kaniya. Tinitigan ko siya ng mata sa mata.
"Give me some reason why should I trust you...again, Jay."
I saw how he gulped, and clear his voice. "Because you need to, Magnus. Kilala mo ako."
Medyo kumalma ako. Nasa gilid ko lang ang baril ko, sa oras na iyon ay gusto kong mamaril ng isang tao dahil sa inis. Matapos ang nangyari kay Joe, wala akong maisip na rason kung tatraydorin ako ni Jay, siguro'y nagkataon lang siguro na dehado ang porsyento ng kalakalan sa Guam.
"Don't worry, Magnus. Inaasikaso ko na ang lahat." Dagdag pa ni Jay na noo'y inaayos ang suot na suit.
I just tapped his shoulders. "I will send Jill and Jeb with you..."
"But I can..."
"That's my order!" Putol ko sa pagsasalita niya.
"Fine. Okey." Walang nagawa si Jay kung 'di umayon sa gusto ko.
"I won't take any longer, I gotta go now. Marami pa akong aasikasuhin." Tinalikuran ko pa ito, ngunit sa hindi pa ako nakakalayo ay nilingon ko ulit siya.
"Jay..."
Agad naman itong umayos.
"Kailan ka pa nakarating dito?"
Hindi muna siya naimik. Tila iniisip ang isasagot.
"Two days ago." Tipid na sagot niya. Tumango lang ako saka tumalikod ulit.
Mas maaga ito kaysa sa inaasahan kong araw. Siguro'y napaaga lang ito sa byahe.
Nang makabalik sa sasakyan ay tiningnan ko ang aking cellphone. Mayroon akong tiningnan doon, isang tracking device.
Kanina, nang mahawakan ko ang balikat ni Jay ay mabilis kong nilagay ang chip sa kaniyang manggas. It sets smoothly, kung hindi ako nagkakamali, Austin sent these stuffs to track his allied, his trusted ones and enemies. Ginagamit din ito ni Peruvian na siyang locator ko.
Speaking of my friend, Austin, dapat ay katatagpuin ko ito sa Boracay dahil sa isang mahalagang bagay. Pero, inuna ko muna si Jay dahil kailangan na nitong pumunta sa Guam. I gave him his allowance and his access card for the transaction. Hindi basta-basta ang ipinapagawa ko sa kaniya sa underground world, kailangan namin ng approval sa pinakamataas na leader, ang tinatawag naming ultima santo. Hindi ko pa ito nakikita, ang sabi nila'y kinakatakutan ito ng lahat. May nagsasabi naman na isa itong babae.
The fact na siya ang may pinakamataas na katungkulan, we must obey the rules.
Nang makasandal sa sasakyan, at mairelax ang sarili, napatingin ako sa convoy namin, napansin ko kasing may sumusunod sa amin na dalawang nakamotor na kulay itim.
Kinutuban ako.
"Dapa!" sigaw ko pa ng mapansing hinugot nito ang baril at pinaulanan kami. Mabilis akong nadapa at hinablot ang aking baril, nakipagbarilan ako sa kanila, pati na rin ang mga kasama kong bodyguards.
Natamaan ang driver namin, mabuti na lang at agad nitong naapakan ang brake ng sasakyan. Mabilis kong binuksan ang kaliwang pintuan sa likuran at dumaos-os sa sahig at pinagbabaril ang motor ng mga riding in tandem, nasapol ko ang mga gulong nila. Saktong nasa kalagitnaan sila ng tulay, kaya nawalan ang mga ito ng kontrol at mabilis na tumalsik sa tulay. Agad ko itong tinakbo, kasama ang mga bodyguards ko. Naglikha kami ng komosyon, maraming mga sasakyan ang nagsitigil, kasabay ng paglapit ko sa siwang ng tulay kung saan tumilapon ang mga riding in tandem ay nakita ko ang isang pamilyar na bagay.
Isang lighter.
Nakita ko na ito dati, hindi ko lang matandaan.
Pagmamay-ari ito ng nahulog na sinuman sa tulay.
"Boss, are you alright?" mabilis na kinuha ako ng tatlo kong tauhan.
"We must leave now." Dagdag pa nila. Nakatingin ang mga tao sa amin, mabuti na lang at suot ko ang sombrero at salaming itim.
I must hide my identity.
"Let's go." Sabi ko sabay sakay sa sasakyan. Mabilis kaming lumayo sa eksena. Pupuntahan ko muna si Peruvian, sasamantalahin ko munang humingi ng pabor sa kaniya, habang naririto pa ako sa Manila. Kailangan kong ipa-track ang exact location ni Jay. Tiyak na may koneksyon ang pananambang sa akin ng dalawang riding in tandem.
I called him. Siya lang din ang may background ng panggagamot. Ipapalinis ko ang tama ng driver ko.
"Hello!?" bungad nito sa kabilang linya.
"Fuego, nasa Manila ako."
"Oh, nasaan ka?"
"Papunta sa unit mo."
"Alright, meet me there, may tinatapos lang din akong misyon, may pinapagawa ang isang kakilala ko."
"Bilisan mo, may tama ang driver ko."
"What? Anong nangyari?"
"Just go. Mamaya ko na sasabihin." Agad ko na itong pinutol. Apat sa bodyguards ko ang kasama ko. Panglima ang driver ko na sugatan, at kasalukuyang nakasandal sa passenger's seat.
"Damn it!" Iniisip ko kung sino ang may balak na kalabanin ako bukod sa mga Shaw. Vitto recently messaged me that I must be vigilant, kahit Shaw ito, ay nasa panig ko pa rin ang kaibigan kong iyon. Wala naman siyang sinabing gaya nito, and maybe it's not Shaw's group.
Nakita kong may missed call si Jay. Kinabahan ako dahil baka tinambangan din sila papuntang Guam.
Nang makita ang mensahe ni Jay ay napabulalas ako ng mga iritableng litanya. Jay knew the incident, may warning message siya sa akin, pero hindi ko nabasa. Hindi ko ma-sink in sa utak ko kung paano niya nalaman ang pananambang.
Tinawagan ko ito, pero out of battery na ang phone ko. And it makes my head freaked out, hindi ko na rin kasi makita ang location ni Jay sa locator ko.
Nang makarating sa unit ni Peruvian ay agad kaming pumanaog sa kaniyang underground parking lot. Peruvian Fuego has the weirdest unit here in the Philippines dahil nasa underground ang unit niya. Ang sabi nga niya, proteksyon niya ito para hindi siya malocate habang ginagamit niya ang website na nagawa niya para mag-locate ng kung anuanong bagay, illegal sites at hacking locator. Techy rin kasi ito aside sa medicine degree niya.
Nakita naming nandoon na si Peruvian, mabilis niyang inasikaso ang driver ko. Pumasok kami sa operating room niya at doon nagsagawa ng operation upang matanggal ang bala na nasa balikat ng driver ko.
I saw how Peruvian wear his gloves and eyeglass. Nilagyan niya ng anestisya ang driver ko, that makes him at ease and numb. Maraming dugo ang nawala rito, kaya hindi ko maiwasang mag-alala. Magaling na driver ko si Syc, mabilis ito magpatakbo at marami nang gateaway incident ang nalusutan niya, ngayon lang talaga siya napuruhan.
"Do everything, bud!" singhal ko kay Peruvian.
"I'm trying!" singhal naman pabalik ni Peruvian.
Nang unti-unting mailabas ni Peruvian ang bala sa balikat ni Syc ay napalitanya ako ng kung anuano. Medyo nanginginig ang kalamnan ko dahil naaamoy ko ang dugo.
I have hemophobia. I don't know but I like killing people but afraid to see blood. Kaya nga madalas akong magpunas agad ng dugo, dahil nanghihina ako. Isa na sa halimbawa ay noong tumalsik sa mukha ko ang dugo ni Joe.
Fuck it!
Naalala ko ang mukha niya.
Nang matapos masaksihan ang pangyayari ay minabuti kong lumabas muna. Hinayaan kong makalanghap muna ng sariwang hangin.
Naalala ko si Vanna, at si Ysay. Kailangan kong magmadali. Kailangan kong masigurado na nasa mabuti silang kalagayan, even I left some of my bodyguards there, hindi pa rin ako makampante.
Nakatayo ako sa labas ng maramdaman ko ang mabigat na kamay sa aking likuran, agad ko itong hinablot pabaliktad at sinunggaban para mapaliyad pahiga sa sahig. Natutunan ko 'yon as my self-defense.
"Bwesit ka Daviro! Papatayin mo ba ako?" napansin kong si Peruv pala ito. Even he sound slang, but the fact na napaimpit ito dahil sa ginawa ko.
Kakamot-kamot ako sa sariling ulo.
"Damn it, Fuego. I'm sorry."
"You need to pay me triple, Daviro!"
"Kahit kailan talaga, mukha ka talagang pera!" singhal ko pa.
"Of course, I don't have billions, Daviro, nagpapayaman pa ako." Ngisi pa nito, sabay tayo. Inalalayan ko pa ito. Ang kagandahan sa pagiging kaibigan kay Peruvian, he is a real person. Wala itong tinatago sa akin. From being assassin, being a medicine freak and techy expertise, alam ko talagang sa aming lima, si Peruvian ang may pinakamahirap at mapait na sitwasyon. He was sold to the organization, and he is still doing to pay it until now.
"Bakit ka ba nandito?" singhal nito sa akin.
"I have units going to Guam. I need to settle."
"Hmm, then why the heck is this? Who did this?"
Hindi ako umimik, isang malalim na hininga ang pinakawalan ko. Hindi ko naman talaga alam kung sino ang nagpa-ambush sa akin. Iisa lang ang motibo nito, gusto nilang patayin ako.
Hawak-hawak ko ang lighter na nakita sa tulay, kulay silver iyon at may logo na araw.
I am thinking if who the fuck will do this to me, sending some rabbit, luring me and failing to aim a gun in my head.
Tiyak na wala pang experience ang sinuhulan ng sinumang iyon.
"Cellphone mo ba ang nakacharge sa sala?" sambit ni Peruv. Agad akong tumalima.
Naririnig ko kasing tumutunog iyon. It's a call from Vanna. Napangiti ako at agad na sinagot.
"Yes, hello? Did you miss me already?"
Pero imbes matuwa sa oras na iyon, napalitan ang timpla ng mukha ko ng marinig ang tila nanginginig na boses ni Vanna. Seems she's crying.
"Hey? What happened?" naghintay ako sa response niya.
"Magnus..."
"Oo, bakit?"
"Si Ysay..."
"Oh, what about Ysay?"
"Magnus...she's not here. Nawawala si Ysay!"
Naibagsak ko ang mobile phone sa narinig. Papaano nangyari iyon, how did it happened if I rent the whole resort already, walang bakasyonista ang nandoon. Hindi mawawala si Ysay kung walang kumuha dito.
Damn it!
Sino naman kaya ang kukuha sa anak ko kung wala namang nakakaalam na may anak ako.
Except to my buds, si Peruvian, si Austin, si Vittos at si Aries.
Yes, speaking of Austin, he's in the resort right now I guess, I need to call him right away!
Nakitawag ako sa phone ni Peruvian, mabuti na lang at agad namang sumagot ito.
Nakisuyo ako ipahanap ang anak ko.
"She's eight, medyo kulot ang buhok, bilugan ang katawan, maputi, energetic, madaldal..." I am freaking nervous describing my daughter to my friend.
Pero, imbes na rumesponde ay isang halakhak lang ang narinig ko kay Austin.
"Relax, Magnus. Para kang sabog e," sambit pa nito sa akin.
Kumunot ang noo ko sa narinig.
"Austin, please focus, I need you to find my..."
"Shut up, kasama ko ang anak mo! Ang takaw-takaw nga e, heto, nakatulog sa sasakyan ko, inubos ang pizza na pinabili niya sa labas ng resort." Paliwanag pa nito.
Nawalan ako ng salita sa oras na iyon. Vanna on the other hand is freaking tensed and freaking looking for my daughter. I need to call her. Nang matawagan si Vanna ay sinabi kong huwag nang mag-alala. I said she needs to relax, that Ysay is in good hands.
"Pero, Magnus...ako ang nakawala kay Ysay, I think she's upset to me."
"Listen, Vanna. She's with my friend."
Hindi ito agad umimik. I think she's waiting if I'm telling the truth or lying.
"She's with my friend," ulit ko pa.
"What is your friend's name?" Vanna asked me. Ramdam kong medyo sumeryoso ito.
"He's Austin. Austin Monticillo."
"Austin, I met him in the bar last time, ikaw ba ang sinasabi niyang kaibigan?"
I clear my voice. Hindi dapat sana malaman ni Vanna ang pag-me-meet up namin ni Austin.
"Yes."
"Ano ba kasi ang pag-uusapan n'yo? Pwede naman sigurong gumamit kayo ng viber or whatsapp, ano?"
"We are arranging our wedding. Austin will give us access to Maldives. That is my wedding suprise to you, but, I guess, it will not be a suprise anymore..." after I said that, I can see to my vision how Vanna left speechless with her hands covering her wide mouth. Damn it, I am missing her already!

Magnus My Mafia Boss HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon