Chapter 35

670 45 22
                                    


Vanna's POV

Hindi ko maigalaw ang buong katawan ko sa oras na iyon. Nagising na lang ako sa malamig na hampas ng tubig. Nagising ako sa isang dalampasigan. Para akong itinapon sa kung saan at heto't hindi ko alam kung nasaan ako. I am shocked to my bare skin, puno iyon ng pasa, galos at sugat. Dumudugo rin ang gilid ng labi ko.

Dahan-dahan kong nilinga ang paligid at nakitang nasa isang baybayin ko. Hindi ko alam kung ilang oras o araw akong nagpalutang-lutang sa dagat. Matapos ang nangyari sa akin ng mga walang hiyang lalaking 'yon ay naalala ko na ihinagis nila ako mula sa sinasakyang yate.

"Magnus..." tawag ko sa kawalan.

Walang katao-tao doon, kinabahan ako.

"T-tulong..." usal ko pa habang pinag-iigihan na gumapang at umahon.

Mayamaya pa ay nakita ko ang isang bata. May dala itong bola. Hindi ko maintindihan ang lengguahe nito.

"Help," sabi ko sabay taas ng aking kamay. Madali naman itong tumakbo, sa palagay ko'y tinawag niya ang iba para tulungan ako.

Hindi nagtagal ay nakita ko ang kalalakihang agad akong binuhat at kinarga at dinala sa isang malaking bahay. Nasa gilid iyon ng dagat.

Nang makapasok doon ay nakita ko ang mga mukha nito, halatang alalang-alala sa akin. May lumapit sa akin, isang silbedora, Asian ang mukha nito, nagsalita siya ng wikang ingles.

"Hello maam, how are you? What happened to you. Where you from?"

"Tulong... Please tulungan mo ako."

Namilog ang mata nito. Halatang nagulat sa'kin.

"Isa kang pinay?"

"Oo, tulungan mo ako, dinukot ako...at ginahasa..."

Sa sinabi ko sa kaniya ay natutop nito ang sariling bibig. Halatang hindi makapaniwala sa narinig.

"Santa Maria..." Ani nito saka kinausap ang ibang kasamahan. Narinig kong tinatawag nila ang salitang "señor" doktor daw ito. Tatawagin daw nila.

Tulong-tulong sila para mabuhat ako papunta sa kwarto.

Kasunod n'on ay ang lalaking tiningnan ako mula sa aking ulo papunta sa aking kalunos-lunos na katawan. Asian ang figure nito, at tantya ko'y magkapareho lang kami ng edad at hindi nalalayo.

"Stay still. Don't be afraid. I will help you." Sabi pa ng lalaki saka tumabi sa akin at kinapa ang mga ugat ko at dinama ang pintig ng aking heartbeat. Tapos n'on ay may pinakuha siyang vial at karayom saka nilapatan ako ng mga medikasyon. Sa palagay ko'y ito mismo ang sinasabi nilang doktor.

Nasa gilid lang naman ang babaeng silbidora na hindi pa rin mawaglit ang nag-aalalang mukha.

"Siya ang amo namin." Mahinang sambit nito sa akin habang tanaw ang lalaking nasa aking harapan. Nakahiga ako sa oras na iyon habang tanaw ang pigura nito.

Asyano ang mukha nito, ingles ang gamit na wika, matangkad, maganda ang katawan at halatang alagang-alaga dahil bukod sa maskulado ay halatang gwapo rin ito, thailander ang uri ng kaniyang tono sa pananalita.

"I am Kenneth Morris dela Vega." Pagpapakilala pa nito sa akin.

Gayon na lang ang paglaki ng mata ko nang mapagsino ito. Hindi ko malilimutan ang pangalan ng dating nobyo ni Roxane. Ipinahanap ko ito noon para makatulong sa problema namin ni Magnus. Ayon sa nakalap kong files ay isa na itong simpleng volunteer sa baranggay ngunit hindi ko akalain na doktor pala ito, at bakit kaya ito napunta sa bansang Spain?

"Why?" Tanong nito sa akin. Halatang nagulat sa reaksyon ko.

"I know you." Mahinang sambit ko sa kaniya.

"Who are you?" takang tanong nito sa akin.

Ilang minuto muna ang katahimikan saka ako nagsalita.

"I know Roxane, she is your ex-girlfriend right?"

Natigilan ito saka umayos. Matapos niya along turukan ng gamot ay nakita ko ang pagbuntung-hininga niya saka seryosong tumingin sa akin. Nagsalita ito ng Tagalog.

"Oo, siya ang nobya ko." Sa pagkakabigla ko'y napaawang ang labi ko. Hindi ko inaasahan ang pagkukrus ng landas namin sa oras na iyon.

And I didn't expect na marunong siyang magsalita ng Tagalog.

"We part our ways and never looked back, hindi ko na siya nakita muli," mapait na sambit nito.

"Bakit?"

He round his fist and said, "dahil sa bwesit na Magnus na 'yon, namumuhi ako sa kaniya. I wish him to die!" galit na sambit nito.

Napalunok ako ng laway sa oras na iyon. Kung hindi ako nagkakamali, nasusuklam siya sa mismong asawa ko ngayon, ang mismong tinutukoy nito ay si Magnus.

"I will kill him! I will kill his wife and his entire family!" sambit pa nito sa akin. Ginapangan ako ng takot sa sinabi niya. Kung gayon nasa peligro pala ako, nandito ako sa kaaway ni Magnus.

Hindi ko alam ang dapat na gawin.

"Who are you? Where are you from? How you knew Roxane?"

"Uh, uhm...i am her friend." Sabi ko pa saka lumunok ng sariling laway.

"What's your name?"

Tila namanhid ang buong katawan ko sa oras na iyon. Hindi nagfa-function ang utak ko.

"I am...Ivana Del...Delgado." Sabi ko pa saka pinanindigan ang sinabing pangalan.

"Ivana Delgado?"

Marahan akong tumango.

"You can stay here as long as you want, Ivana. Dito ka lang muna habang nagpapagaling ka..."

"Maraming salamat...Ken."

"Kilala mo ba ang gumawa sa'yo nito?" Balik niyang tanong sa nangyari sa akin.

Umiling ako. Mas mabuting hindi ko na sabihin ang detalye dahil baka ikapahamak ko pa kapag nakilala niya ako bilang si Vanna Shaw, ang asawa ni Magnus.

Ngumiti ito sa akin at hinawi ang buhok na tumatabing sa mukha ko.

"You can rest now, Van." Sabi nito. Napakislot pa ako sa sinabi niya dahil nagtunog Magnus siya sa pagtawag ng nickname ko.

Tumayo ito saka muling kinumutan ako.

"They will help you dress up, babalik ako mamaya." Sabi nito saka dahan-dahang umalis sa kinatatayuan.

Nang maisarado na ang pintuan ay agad namang nagsilapitan ang mga alipores nito at tinulungan akong makapagbihis.

"Naku, maam Ivana, ngayon ko lang nakitang ngumiti si sir ng ganoon, matagal na 'yong hindi ngumingiti, alam mo ba." Sabi pa ni manang sa akin habang inaayosan ako.

"Mag-isa lang po ba siya?"

"Naku, maam, sila nalang ng kapatid niyang lalaki. Kanina, 'yong batang nakakita sa'yo sa dagat, kapatid niya 'yon. Paminsan-minsan kasi nagbabakasyon sila dito sa Spain, pero madalas sa Pinas po talaga sila naglalagi, philanthropist po kasi si sir doon sa pinas, marami siyang charity at madalas nagvo-volunteer po 'yan sa kahit saang rehiyon." Sabi pa nito sa akin.

Kahit papaano ay naibsan ang kaba ko kay Kenneth, mabait naman pala itong tao. Nakaramdam tuloy ako ng awa sa kaniya, pareho pala kaming wala nang mga magulang, pero buti pa siya kasi kasama niya ang kapatid niya, samantalang ako...nakilala ko nga ang kapatid ko na si Jay, pero hindi naman kami pwedeng magsama, dahil malalaman ni Magnus na kapatid ko ito.

"Ayan, tapos na po." Sabi nito sakin saka pinahiga ako ulit. Tiningnan nila ang unan ko at nilagyan na rin ng komportableng kumot.

"Sige po, maam. Aalis na po kami, pindutin n'yo lang po ang button kung may gusto po kayo." Turo pa nito sa akin sa bandang itaas ng headrest ko.

Isang mahinang tango naman ang ginawa ko bilang pagresponde.

Nang mapag-isa sa oras na iyon ay napatingin ako sa kabuoan ng silid. Nandoon ang mga detalyeng marangya talaga si Kenneth, dahil halos ang palamuti nito'y kulay ginto at ang mag vase at adorno nito sa pader ay mga antique.

Nilinga ko ang silid, gusto kong tawagan si kuya Jay, gusto kong ipaalam na buhay ako, at kung nasaan ako ngayon.

Nakita ko ang remote ng TV at agad na pinindot iyon sa flat screen na nasa haligi. Tinungo ko ang balita, upang malaman ang petsa ngayon, at kung nasaan ako banda...

Laking gulat ko nang malaman ang araw, tatlong araw na pala mula noong nadukot ako. And shit! Nasa Cartagena, Spain ako, malayo ito sa Madrid, nasa pinakasulok ako ng bansa, at nasa tabi ng dagat.

"Lord, help me please..." usal ko saka mariing umusal ng dasal. 

Magnus My Mafia Boss HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon