Chapter 2

1.6K 91 28
                                    

Parang pinipiga ang puso ni Cheyenne sa bawat araw na lumipas sa kanyang buhay buhat ng bumalik siya sa Pinas at malaman niya na ang kanyang nobyo ng ilang taon at ang kanyang best friend ay nagkaroon ng relasyon habang siya ay nagtatrabaho sa ibang bansa.

Bumangon si Cheyenne mula sa kanyang pagkakahiga sa kanyang kama at hinawi niya sa kanyang mukha ang kanyang nakalugay na buhok at muli siyang suminghot mula sa kanyang pagluha. Gabi-gabi na lamang siyang lumuluha mula nang malaman niya sa di kaaya-ayang pagkakataon na matagal na pala siyang niloloko ni Axel.

"Huh, ginawa ka nilang katatawanan," ang sambit ni Cheyenne sa kanyang sarili at kumuyom ang kanyang palad sa kumot na nakabalot sa kanyang bewang nang maalala niya kung paano niyang nalaman ang panloloko ng katipan.

Gusto niya itong surpresahin kaya naman di niya sinabi rito na uuwi na siya galing sa kanyang trabaho, ang trabaho na sinuportahan pa siya noon nito dahil hakbang ito sa pagkamit niya ng kanyang ikauunlad at ng kanyang pangarap. Ngunit ito rin pala ang magiging dahilan ng kanyang kabiguan.

Lihim niya itong pinuntahan sa bahay nito at doon pagkabukas niya ng pinto ay siya ang nasorpresa. Nang makita niya ang kanyang nobyo na si Axel na handa na mag-propose ng kasal, ngunit hindi para sa kanya kundi para sa kaibigan.

"So much for my long distance love affair," ang masakit niyang sabi sa kanyang sarili at gamit ang kanyang dalawang kamay ay sinuklay ng kanyang mga daliri ang kanyang buhok ay isang buntong-hininga ang kanyang pinakawalan. Tiningnan niya ang oras at oras na naman para bumangon siya at mag-ayos para pumasok sa kanyangtrabaho. Sa trabaho na lang niya ibinubuhos ang kanyang oras sa mga panahon na iyun. Sa trabaho siya naghahanap ng panahon na makalimot at maikubli ang sakit na kanyang nararamdaman.

Hinawi niya ang kumot na nakabalot sa kanyang bewang at saka niya ibinaba ang kanyang mga paa sa sahig ng kanyang silid at itinulak niya ang kanyang sarili para makatayo at pilit niyang nilagyan ng buhay ang kanyang mga hakbang patungo sa kanyang banyo.

Pagbaba niya ng bahay ay tulad ng kanyang inaasahan ay naroon na naghihintay sa kanya ang kanyang mommy at daddy sa dining area at nakahain na ang kanilang almusal.

"Good morning anak," ang masayang bati sa kanya ng kanyang mommy at alam niyang mas dinagdagan pa nito ng excitement ang boses nito sa normal nitong boses.

"Good morning po mommy, daddy," ang sambit niya at isang matamis na ngiti ang iginawad niya sa kanyang mga magulang na alam niyang labis na nag-aalala sa kanya. At laking pasalamat niya sa kanyang pamilya na naging support system niya sa mga sandaling iyun.

"Anak oh kumain ka na, as usual paborito mo ang niluto ko, may iba ka pa bang request mamaya for dinner?" ang tanong ng kanyang mommy sa kanya.

"Or better yet kumain na lang tayo sa labas? sa paborito nating Italian restaurant? o kaya dun sa Diaz?" ang suhesiyon naman ng kanyang daddy. Isang matipid na ngiti ang gumuhit sa mga labi ni Cheyenne, alam niyang ginagawa ng kanyang mga magulang ang lahat para lang mawala ang kanyang isipan sa naalapit na kasal ng kanyang dating nobyo na si Axel.

"Uhm sige po daddy half day lang naman po ako ngayon then he rest of the week full na naman po ang sched ko," ang sagot niya sa kanyang mga magulang na nagkapalitan ng mga tingin at alam ni Cheyenne na alam ng mga magulang ang kanyang ginagawa, ang lunurin niya ang kanyang sarili sa trabaho hanggang sa makalimot na siya.

"Susunduin ka ba namin? Tapos convo na tayo? magshopping na rin kaya tayo? sale ngayon sa fave mall natin anak, I miss shopping with you, ano?" ang sabat naman ng kanyang mommy at tumangu-tango na lang siya. Yes, she needed this, kailangan niya nang ibang pagkakaabalahan sa kanyang buhay para matakpan ang kanyang isipan na bumalik na naman sa sakit na nangyari sa kanya.

Alaric Kirkland - Kirkland Series (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon