"Magkape?" ang pag-uulit niyang tanong sa sinabi ni Cheyenne na nakatayo sa kanyang harapan na may malapad na ngiti. She was looking up to him na may matamis na ngiti sa mga labi nito. At sa sandaling magkaharap sila ay agad niyang nasipat ang suot nito. Hindi ito ganun, kapormal katulad nang suot nito noong nakipagkita ito sa unang pagkakataon sa kaniya sa rancho.
She was wearing a black sleeveless na parang leeg ng pagong na tinernuhan nito ng malapad na pants na kulay ng red wine at sa mga paa nito ay laced sneakers na kulay itim. At ang mahaba nitong buhok ay nakapusod sa tuktok ng ulo nito. At ang best asset nito ay ang simple nitong ganda at ang genuine nitong ngiti.
"Uhm gusto ko iyun kaso pwede ka na bang lumabas?" ang nag-aalangan niyang tanong kay Cheyenne lalo pa at oras pa ng trabaho. Nagpalinga-linga ito sandali at saka ito mahinang nagsalita.
"Ako nang bahala roon," ang mahinang sabi nito sa kanya sabay kindat nito na kanyang ikinabigla para kasing kiniliti ang kanyang dibdib nang kindatan siya nito. Tumango ito na tila ba sinenyasan siyang sumunod na siya rito, at ganun naman ang kanyang ginawa at hindi na naman niya napigilan na ngumiti. May pagkapilya din pala itong si Cheyenne, ang sabi niya sa kanyang sarili.
Sumakay sila sa elevator at tatlong palapag pababa ay muli silang lumabas, at hindi siya nagtanong kay Cheyenne kung saan sila papunta nanatili lang siyang nakasunod dito habang binabagtas nila ang mahabang pasilyo at saka ito huminto sa harapan ng isang pintuan.
"Pwede po bang hintayin niyo muna ako rito sandali? kukunin ko lang po ang bag ko," ang sabi nito sa kanya. Tumango siya bilang sagot at napansin na naman niya ang paggamit nito ng po sa kanya, kanina rin ay muling bumalik sa sir ang pagtawag nito. Mukhang balik na naman sa pagiging pormal ang lahat sa kanila, ang sabi niya sa kanyang sarili. Pinagmasdan niya ang ilang mga empleyado na naglalabas-masok sa mga silid at naglalakad sa mga pasilyo. Hindi man nakabusiness attire ang mga ito, ay mahahalata pa rin ang pagiging esmarte ng mga ito sa pananamit lalo na ang mga kalalakihan. Ang magagandang tabas ng mga pantalon nito na akala mo ba ay inihulma sa mga binti nito, ang mga sapatos nitong tila hindi nakatikim ng putik, at ang mga bisig ng mga ito na may mga makabagong mga relo. At napansin din niya ang mga buhok ng mga itong ayos na ayos na tila ba hindi kayang itumba kahit ng malakas na hangin sa Villacenso.
Pasimple niyang tiningnan ang kanyang sarili, ang t-shirt niyang kulay gray na mas maayos lang ng kaunti sa work clothes niya, ang pantalon niyang nakafit naman sa kanyang bewang, hita at mga binti ngunit may kupas na mababakas rito at kaunting punit sa laylayan. Ang kanyang boots na lunud na lunod sa putikan na kanyang nilinisan para sa pagkakataon na iyun. Ang nasa kanyang bisig? tiningnan niya suot na kulya itim na relo, ang nag-iisa niyang relo na regalo pa sa kanya ng kanyang lolo na hindi niya mabigkas ang pangalan na Patek Philippe? ang tanong ng isipan niya, hindi niya alam ang brand na iyun basta ang alam niya na sabi ng kanyang lolo na isa yung galing sa koleksiyon at sa Europe pa nga nito nabili. Iyun lang ang kanyang alam sa suot na relo na matagal na niyang inaalagaan. Napabuntong-hininga siya, at napunta ang kanyang kamay sa kanyang buhok na hindi yata nakatikim ni gapatak na gel at alam niya sa sandaling iyun ay nagtatayuan na naman na tila ba nakakita siya ng multo. Yup! Wala talaga siya sa kalingkingan ng mga city boy.
Napabuntong-hininga siya at maya-maya pa ay lumabas na si Cheyenne mula sa pintuan ng opisina nito at dala na nito ang maliit nitong canvass bag.
"Tara na Alaric," ang nakangiti na pagyaya nito sa kanya. At napansin na naman niya ang hindi nito paggamit ng sir o ng po kaya naman napangiti siya rito.
"Mabuti naman," ang sambit niya na nagpakunot ng noo ni Cheyenne bago ito nagtanong sa kanya at nakatayo sila sa harapan ng opisina nito.
"Mabuti? Ang alin?" ang tanong nito na may pagtataka sa tono ng boses nito.
BINABASA MO ANG
Alaric Kirkland - Kirkland Series (completed)
RomansaFor mature readers only 18 and up. Please be guided! Second Book of Kirkland Series, featuring the story of Alaric Kirkland. Alaric only wanted to prove that he is worthy of her sister's trust that he could handle the management of their family's r...