Chapter 18

1.1K 79 21
                                    

"Ate Josephine? Nakahanda na po ba ang silid ni Cheyenne?" ang tanong ni Alaric sa kanilang katiwala sa bahay. Humakbang siya papasok at naabutan niya itong pinapasadahan ng palad nito ang bedsheet ng kama para pakinisin. Ang silid na pinagamit niya kay Cheyenne ay ang silid dati ni Gabriella. Mayroon din itong sariling maliit na balkon at sigurado siyang magugustuhan iyun ni Cheyenne.

"Oo Alaric, malinis na ang lahat, ang banyo ay may toiletries na rin at mga bagong towels pero duda ko naman na gagamitin iyun ni Cheyenne at sigurado na may sariling dala ito," ang sagot ni ate Josephine sa kanya. Tumangu-tango siya pinasadahan niya ng tingin ang kabuuan ng silid. Puro kulay mapusyaw na rosas ang kulay ng ginamit na kobre kama, kumot at punda ng unan na may maliliit na bulaklak na rosas. Ang kurtina naman ay mahabang kulay puti na kurtina upang maging mas malamig sa mata at maluwang ang silid. Tiningnan niya ang oras, malapit nang magpananghali ang alam niya ay nasa Pedrosa na si Cheyenne ayon sa huling text na natanggap niya rito. Nagpaalam na muna siya na sa hapon na siya magtatrabaho sa rancho dahil sa aasikasuhin niya muna ang pagdating ni Cheyenne, he invited her na tumuloy sa kanilang bahay at dapat lang na naroon siya para salubungin ito.

"Ate pagkatapos po yung pananghalian paki asikaso na rin po, gusto ko po sana kayong tulungan kaso di po ako marunong magluto," ang paghingi niya ng paumanhin sa kanilang katiwala. Kahit kailan kasi ayaw niyang maging pabigat at kung kaya niyang gawin ay siya na ang kusang gumagawa, ganun ang pagpapalaki sa kanila ng kanilang lolo.

"Naku ikaw talaga Alaric, huwag mong intindihin iyun, kanina pa nakahanda ang ulam iinitin ko na lang pagkarating ni Cheyenne magpapahinga muna iyun sigurado at mahaba ang ibiniyahe." Ang sagot ni ate Josephine na nagspray na ng air freshener sa loob ng silid.

"Ayoko lang po kasi na maabala kayo," ang nahihiyang sagot niya at nagpalatak ang dila ni ate Josephine na sa kanilang pamilya na tumanda at hindi na rin nag-asawa.

''Naku naman Alaric wala ka talagang ipinagbago, hindi sa trabaho ko ang manilbihan sa inyo pero, gusto ko talaga ang pagaasikaso ko sa inyo, itinuring ko na kayong mga anak, kaya hindi mo kailangan na humingi ng paumanhin sa akin hmm?" ang malumanay na sabi nito sa kanya at isang ngiti ang gumuhit sa labi nito para sa kanya na may tamis.

"Salamat po ate," ang sinsero niyang sagot at natigilan ang pag-uusap nilang dalawa nang marinig niya mula sa ibaba ang malakas na boses ni Rauke mula sa nakabukas na pinto ng silid at narinig din niya ang isang pamilyar na boses na nagpabilis ng tibok ng kanyang puso.

"Halika Cheyenne! Alam mo bang inihanda ni Alaric ang silid mo? Hindi nga ito nagtrabaho muna sa rancho para asikasuhin ang pagdating mo," ang narining niyang pagkukwento ng mas batang kapatid. Kinagat ni Alaric ang ibabang labi niya nang marinig niya ang sinabi ng kapatid, ayaw niyang malaman ni Cheyenne na masyado siyang nag-abala sa paghahanda sa pagdating nito. Pero balewala at ibinuko na siya nang madaldal niyang kapatid na dinig na dinig niyang papalapit na sa silid kung saan naroon sila ni ate Josephine.

"And here is your room," ang masayang sabi ni Rauke sa asunod nitong si Cheyenne. Bitbit ng kapatid ang suitcase ni Cheyenne ay humakbang ito papasok, pero wala sa kanyang kapatid na abot tenga ang mga ngiti at panay ang salita nakatuon ang kanyang mga mata kundi sa babaeng nagpabilis ng tibok ng kanyang puso na naglalakad sa likuran nito na humakbang papasok sa bukana ng pintuan.

Agad na nawala ang pagod na nararamdaman ni Cheyenne sa mahabang pagdidrive na kanyang ginawa. Maaga pa lang ay umalis na siya sa kanilang bahay at iniwan niya ang excited niyang mga magulang na nagpadala pa ng pasalubong para kay Alaric ang bineyk ng kanyang mommy na brownies. Dalawang araw na mas maaga siya sa kanyang crew para na rin makapaghanda siya at makagawa ng site mapping kung saan nila itatayo ang abattoir at ang barracks ng workmen nila.

Alaric Kirkland - Kirkland Series (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon