Chapter 11

1.2K 83 82
                                    

Tiningnan ni Alaric ang kanyang repleksiyon sa salamin, tiningnan niya ang suot niyang gray na shirt, bootleg jeans at cowboy boots. He looks presentable pero mukha naman hindi niya masyadong pinaghandaan ang sandali na iyun kahit pa isang oras niyang inisip kung ano ba ang dapat niyang isuot habang nag-didinner kasama ang isang bisita na babae. Hindi naman sa hirap siyang mag-isip ng damit na isusuot o hindi rin naman dahil sa wala siyang isusuot na maayos na damit,  kahit pa puro chambray shirt at t-shirts ang meron siya. Kahit pa sanay naman siya kahit papaano na may bisita sila sa kanilang bahay dahil sa mahilig magpa-party noon ang kanyang mommy ay kahit kailan ay hindi niya inisip man lang kung tama ba o sapat na ba ang kanyang suot na damit. Hindi naman sa gusto niyang magpa0inpress kay Cheyenne pero alam niya na sanay si Cheyenne sa mga pormahan na taga-Maynila na well-polished mula ulo hanggang paa na hindi niya nakasanayan.

Isang buntong-hininga ang pinakawalan niya, tama na ang kanyang suot para sa gabi na iyun ayaw niyang isipin ni Cheyenne na masyado siyang nag-effort. Sandaling lumingon ang kanyang mga mata sa maliit niyang side table kung saan nakapatong ang kakaunti o nag-iisang masasabing kolorete niya sa katawan at bukod sa kanyang relo ay ang nag-iisa niyang cologne na bihira niyang gamitin. Sapat na sa kanya ang maligo at magshampoo at magsabon ng katawan at ayos na sa kanya ang malinis na amoy na dulot nito sa kanyang katawan. Pero sa sandaling iyun ay humakbang siya palapit sa kanyang maliit na mesa at dinampot niya ang kulay asul na bote at saka niya inikot ang takip nitong kulay silver at saka niya nilagyan ng pabango ang kanyang palad at kinuskos niya ang ga-piso na dami ng likido sa kanyang dalawang palad saka niya tinapik-tapik ang kanyang mga palad sa kanyang panga, leeg at balikat. Sinuklay pa ng mga daliri niya sa kamay ang kanyang buhok that gave him that rugged look. Saka siya nagpakawala ng mahinang hininga sa kanyang bibig at saka niya dinampot ang susi ng kanyang motorsiklo at ang kanyang motorcycle jacket at lumabas na siya ng kanyang silid. Pero hindi siya agad dumiretso palabas, nagtungo muna siya sa kusina para i-tsek si manang Josepihine na naging abala sa hapon na iyun. Kitang-kita nga sa mukha nito ang saya dahil sa nagkaroon muli ng bisita ang kanilang malaking bahay at nakapagluto itong muli ng maraming ulam.

"Manang Josephine nakahanda na po ba ang mga ulam?" ang tanong ni Alaric sa katiwala nila sa bahay nang matagal na panahon, Maliit pa lamang sila ay ito na ang pinagkatiwalaan ng kaniyang lolo para mag-asikaso sa kanilang pagkain.

"Oo Alaric, nakahanda na iyan sa working table kapag nariyan na ang bisita ay saka ko ihahain sa dining table, nariyan na ba ang bisita ninyo?" ang tanong nito sa kanya. Pinasadahan niya ng tingin ang malaking working table sa kusina na gawa pa sa narra at sing edad na iyun ng kanyang lolo sa tuhod. Limang malalaking bowl na gawa  sa ceramic ang nakahain sa antigong mesa na handa nang ilatag sa kanilang dining table napansin din niya ang tray ng minatamis na specialty ni  mang Josephine ang bibingka sa latik na siya ring paborito niya.

"Uhm wala pa po susunduin ko pa lang po siya," ang sagot niya at nagpaalam na siya rito para lumabas mula sa pinto sa likod bahay kung saan may daan patungo sa barn kung saan naroon si Lace na kabayo ni Gabriella na ibinilin nito sa kanya. At doon din niya inilagay ang kanyang motorsiklo. Hindi siya agad sumakay sa kanyang motorsiklo at tiningnan niya muna ito, ang desenyo ni Seth na siya pa lamang ang nagmamay-ari ng ganung modelo, na tila ba isang panther na tumatakbo lalo na ang mga ilaw nito na tilaisang mata. At hindi lang dahil sa hitsura nito kaya niya tinititigan ang kanyang motorsiklo, kung dati ay iyun lamang ang dahilan ngunit mula nang dumating siya rancho mula sa Maynila ay hindi lang ang sleek design ng kanyng motor ang kanyang nakikita kundi na rin ang imahe ng babaeng nakaangkas sa kanyang likuran at ang pagkakayakap nito sa kanyang dibidb mula sa kanyang likuran. At hindi na naman niya maiwasan ang mag-init ang kanyang mga pisngi. Mahigpit na pumikit ang talukap ng kanyang mga mata at marahan siyang umiling para mawala ang imahe na iyun at ang pag-iinit ng kanyang mga pisngi.

Alaric Kirkland - Kirkland Series (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon