It was Saturday at half day lang ang trabaho sa construction. Sa loob ng isang linggo ay hindi akalain na halos nakalahati na ang structure ng abattoir pati ang sewerage system ay kasabay na ginagawa ng mga ito. Labis talaga siyang humanga sa mga crew ng Burke Construction at lalo na kay Cheyenne. Pinagmasdan niya ito habang umiinom ng kape at kumakain ng niluto ni ate Josephine na sapin-sapin, katatapos lang ng kanilang hapunan at umiinom na sila ng kape habang nagkukwentuhan. Pero nanatili lang siyang tahimik at hinayaan niyang mamayani ang boses nina Cheyenne at Rauke. Nakikinig ito sa mga kwento ng kapatid at paminsan-minsan na tumatawa ito ng malakas. It was an unlady like laugh so to speak, it was hearty and it was music to his ears. Gustong-gusto niya ang halakhak ni Cheyenne.
Pasimple niya itong pinagmasdan habang kalahating tenga lamang ang kanyang pakikinig sa mga anecdote ng kanyang kapatid. Ang mga pagkakataon na iyun ay kanyang nilulubos-lubos lalo na sa mga panahon na iyun na halos hindi niya nakikita si Cheyenne sa buong araw dahil sa pareho na silang abala sa kani-kanilang mga trabaho sa rancho. May mga pagkakataon na dumadalaw siya pero hindi siya nagtatagal dahil sa ayaw niyang makaistorbo sa mga ginagawa nito at siya naman ay abala sa pangangasiwa sa kanilang rancho lalo pa at malapit na naman ang round-up.
Muli niyang ibinalik ang kanyang atensiyon kay Cheyenne, nakapagpalit na ito ng damit. Naalala niya ang work clothes nito, isang overall at steeltoe boots at may hardhat ito. Halos lahat ng crew ay ganun ang suot at humanga siya kung paanong pangalagaan ng kumpanya na pinagtatrabahuan ni Cheyenne ang safety ng manggagawa ng mga ito.
Pinagmasdan niya ang ganda nitong walang kolorete, at pumasok sa kanyang isipan si Presley. Maganda si Presley walang duda, may kulay man o wala ang mukha nito, pero para sa kanya, kakaiba ang ganda ni Cheyenne. Maganda, matalino, at masipag si Cheyenne. Kaya naman napaisip si Alaric kung ano ba ang naging problema sa pagitan ng nobyo nito at ni Cheyenne? Anong nagawa ni Cheyenne kung bakit nakuha itong ipagpalit at magpakasal sa ibang babae? O baka naman gago lang talaga ang lalaking iyun! Ang sabi ni Alaric sa kanyang sarili.
"Alaric huy! Ano na lumilipad na naman ang isipan mo?" ang pambubuska sa kanya ni Rauke nang hindi siya agad tumugon sa pagtawag nito sa kanya. Okupado nga kasi ang kanyang isipan kaya hindi na niya narinig pa ang pinag-uusapan ng mga ito.
"Lumilipad ka diyan! Ano ba yun?" ang kunwaring inis niyang tanong kay Rauke para maitago niya na hindi nga talaga siya nakikinig.
"Hindi ba bukas na yung pageant?" ang tanong ni Rauke sa kanya at sandaling pumikit ang talukap ng kanyang mga mata at pagdilat niya ay sumulyap siya kay Cheyenne na nakatungo at tinitingnan nito ang mug na nasa harapan nito.
"Hindi iyun pageant, charity event lang yun es-" sandali siyang tumigil dahil naalala niya ang nangyari noon nang dahil sa escort, at kung hindi lang dahil sa sanitary pads ay hindi siya kakausapin ni Cheyenne. Napabuntong-hininga siya, "hindi yun pageant."
"Same rarampa ka pa rin sa stage, bukas na iyun hindi ba? May isusuot ka na ba? Huwag mong sabihin na nakachambray shirt ka lang?" ang tanong ni Rauke sa kanya na may mahina pang tawa. Kumunot lang ang noo niya sa kapatid at napasulyap siya kay Cheyenne na sa pagkakataon na iyun ay nakatingin na sa kanya. Walang emosyon ang mukha nito pero masasabi niyang hinihintay din nito ang kanyang sagot.
"Uh wala pa, kailangan ko na pumunta sa Pedrosa ngayong gabi para kunin ang isusuot ko kina… Presley," ang sagot niya at nag-alangan pa siyang banggitin ang pangalan ng kaibigan na abugado.
"Uhm mukhang magiging abala na kayong dalawa ngayong gabi, magpapaalam na rin ako at maagang matutulog," ang sabi ni Cheyenne at tumayo na ito mula sa kinauupuan nito. Kukunin na sana nito ang kanilang mga pinagkainan na nakaugalian na nito, hinayaan na nilang gawin iyun ni Cheyenne dahil sa pagpupumilit nito. Pero sa sandaling iyun ay pinigilan niya ito. Halata kasi ang pagod sa kilos nito dahil sa walang sigla ang kilos nito.
BINABASA MO ANG
Alaric Kirkland - Kirkland Series (completed)
RomanceFor mature readers only 18 and up. Please be guided! Second Book of Kirkland Series, featuring the story of Alaric Kirkland. Alaric only wanted to prove that he is worthy of her sister's trust that he could handle the management of their family's r...