"Ang lamig ng kamay mo," ang sabi ni Presley kay Alaric habang nasa ibaba sila ng stage at nasa likuran na bahagi. Nagsimula na kanina pa ang programa at nagbibigay na ng speech ang Mayor ng Pedrosa. Katatapos lang din na magbigay ng paunang salita ang gobernador ng lalawigan. Isang intermisyon pa ang magaganap bago sila ipakikilala sa halos dagat ng mga tao na nanunuod ng gabing iyun na nagmula pa sa iba't ibang bayan at munisipalidad ng lalawigan ng Pilar.
Tiningnan ni Alaric ang kamay ni Presley na humawak sa kanyang palad, kanina pa kasi siya nananahimik na nakaupo sa mga plastic na upuan na inihanda para sa kanila. Nasa kanyang tabi si Presley at hinawakan nito ang kanyang kamay para yakagin na siya papalapit sa hagdan ng entablado.
"Uh pasensiya na, hindi kasi ako sanay sa ganitong mga bagay," ang nahihiyang sagot niya kay Presley na naka-modernong estilo ng saya. Ang kulay pula na kulay ng makintab na tela ay nagbigay ng tingkad sa maputi nitong balat. Ngunit mas gusto niya ang kulay ni Cheyenne na hindi ganun ang kaputian, ang sabi ng kanyang isipan. Narito na kaya sila? Tanong niya sa sarili dahil hindi siya nakatanggap ng text o tawag sa mga ito kung nagtungo na rin ba ang mga ito sa Pedrosa.
"Hindi mo kailangan na humingi ng pasensiya, laking pasalamat ko nga at pumayag ka eh." Sagot ni Presley sa kanya at ang kulay pulang mga labi nito ay ngumiti ng malapad sa kanya at kitang-kita ang ganda nito. Isang ngiti ang isinagot din niya kay Presley bago siya tumayo nang maunang tumayo na si Presley at marahan siyang hinila nito para igiya siya palapit sa hagdan ng stage at naroon ang coordinator ng programa na nakatayo sa paanan ng hagdan at may hawak na papel para sa pagkakasunud-sunod ng programa.
"Next na kayo okey? May intermission dance lang then ipapakilala na kayo, uhm kayo attorney ang nasa hulihan ng pila kasi kayo ang host city," ang sabi ng coordinator sa kanila. Tumangu-tango sila at pumwesto sila sa hulihan ng pila na medyo malayo na sa dami ng bayan at munisipalidad na sumali. At doon ay matiyaga na naghintay silang dalawa at nang marinig na ni Alaric ang malakas na palakpakan ng mga manunuod nang matapos na ang intermission dance at bumilis ang pintig ng kanyang puso sa labis na kaba. Paano kung pagtawanan siya? Ang kinakatakot niyang sabi sa kanyang sarili. Nasaan na kaya si Cheyenne?
Pinagmasdan ni Alaric ang magkakapareha na nauna sa kanilang pila at isa-isa nang tinawag ang nirepresentang lugar ng mga ito at mga pangalan ng mga representante pagkaayat ng mga ito sa entablado. Nasa paanan na sila ng hagdan at inilagay ni Presley ang kamay nito sa kanyang braso kaya naman nag-abresiete siya para maayos na nakahawak si Presley sa kanyang bisig. Inalalayan niya itong umakyat ng hagdan hanggang sa maabot nila ang stage at nanatili muna silang nakatayo sa itaas ng stage ngumit sa gilid pa lang sila at hinihintay ang pagpapakilala ng host ng programa at nang tingnan ni Alaric ang dagat ng mga tao ay parang nalunod siya at hindi na siya makahinga sa kaba.
"At mula sa ating host city ng Perdrosa, Miss Presley Sevilla and Mister Alaric!" ang narinig nilang sabi ng host. Mabuti na lamang at alam ni presley ang kanyang nadarama dahil sa hinawakan nito ng isa pa nitong kamay ang kanyang braso at naramdaman niya na marahan na tinapik nito ang kanyang bisig. Tila ba sinasabi nito sa kanya na magrelax lang siya at ito ang bahala sa kanya dahil sa ito ang gumiya sa kanya sa kanilang paglalakad patungo sa gitna ng stage at maririnig ang malakas na palakpakan ng mga manonood. At nang maglakbay ang kanyang mga mata sa dagat ng mukha ay hindi niya nakita ang mukha na kanyang hinahanap. Hindi nagpunta si Cheyenne? May nangyari kaya rito? sinabi nito na kakausapin nito ang crew sa site, mayroon kayang naging problema? Kaya pati ang kanyang kapatid ay hindi nakapunta ng Pedrosa? Ang kanyang maraming tanong sa sarili kaya naman kaya naman hindi niya masyadong naintindihan ang sinabi ng host ng sandaling iyun at ang nakakuha na lamang ng kanyang atensiyon ay nang marinig niyang iyun ang twist ng programa sa gabing iyun.
BINABASA MO ANG
Alaric Kirkland - Kirkland Series (completed)
RomanceFor mature readers only 18 and up. Please be guided! Second Book of Kirkland Series, featuring the story of Alaric Kirkland. Alaric only wanted to prove that he is worthy of her sister's trust that he could handle the management of their family's r...