Chapter 42

1.1K 82 24
                                    

Pinagmasdan niya na sumakay sa jeep ang dalawa at maya-maya pa ay umandar na ito papalayo ng site. Isang buntong-hininga ang pinakawalan ni Cheyenne kasabay ng pagpikit ng kanyang mga mata. Nasasaktan siya, mas masakit pa ang kanyang nararamdaman sa pagkakataon na iyun dahil sa kabila nang pagkakaalam ni Alaric sa kanyang masakit na pinagdaanan ay nakuha pa rin siyang ipagpalit nito sa ibang babae. Katulad din lang ito ni Axel.

Sa kabila ng pagpapakita niya ng katatagan sa harapan ng mga ito ay kabaligtaran iyun ng kanyang nadarama sa kanyang kalooban. Mahina siya at nadudurog dahil sa ang katotohanan na sa isang iglap lamang ay ipinagpalit na rin siya ni Alaric. She was ready to settle down, to give-up her career at maging permanenteng parte ng buhay ni Alaric kung nanaisin  nito na maging parte siya ng buhay nito. Pero mas pinili ni Alaric ang kagustuhan ng kapatid ang babaeng sa paniniwala ng mga ito na makakatulong kay Alaric para sa pamamahala ng rancho.

Isang malalim na hininga ang muli niyang nilanghap at pinakawalan. Siguro nga, sino ba siya para kwestyunin ang pasya ni Alaric, kung sa tingin niya ay ang pasya nito ay makabubuti sa ikauunlad ng rancho at ang pag-abot ni Alaric sa pangarap nito. Hindi siya karapat-dapat pa na makialam.

Babalik na sana siya sa barracks para magbihis ng kanyang working clothes na coverall  nang marinig niyang tumunog ang kanyang telepono. Agad niyang dinukot ang kanyang telepono sa bulsa ng kanyang pantalon ay mula sa screen ay nabasa niya ang pangalan ni Engineer Cole Burke. Kumunot ang kanyang noo, hindi naman kasi araw-araw na tumatawag ito sa kaniya at twice a week lang para tanungin ang progress ng construction. Kakakausap pa lamang niya rito kahapon kaya naman di niya inaasahan ang kasunod na araw na pagtawag nito.

Dali-dali niyang pinindot ang answer, "Engineer Burke?" ang kanyang pagbati rito.

"Engineer Victorino, how's everything going?" tanong nito sa kanya na tila ba hindi nito alam na kakapag-report niya lang dito kahapon.

"Everything's on a fast pace sir, we're on our schedule," ang kanyang sagot at sinenyasan niya si Engineer Kit na may kausap siya sa telepono at susunod na lang siya.

"That's good to hear, uhm how many percent of the structure is finished?" ang tanong nito sa kanya at nakagawian na niyang tingnan ang structure para pagmasdan ito at i-assess.

"About seventy percent sir, we're on our eighty percent this coming weeks, then equipments will be placed inside and electicity and water supply," ang kanyang sagot at narinig niya ang sandaling katahimikan sa kabilang linya at na-imagine niya ang ekspresyon ng mukha nito sa tuwing kausap niya ito. Nagtaas ang dalawang kilay nito at tumatangu-tango.

"I called not because of the project, but because I wanted to inform you something," ang biglang sabi nito sa kanya pagakatapos ng ilang segundo nang katahimikan. Bigla siyang kinabahan, may alam na kaya ito tungkol sa kanila ni Alaric? Ang kinakabahan na tanong niya sa sarili.

"What is it sir?" ang malumanay niyang tanong kahit pa gusto nang lumuwa ng kanyang puso sa loob ng kanyang dibdib.

"There's this project, malaking project ito Cheyenne, it is a collaboration with a partner international construction firm abroad, and may ipapatayo na malaking mall abroad, I gave them some of your designs at nagustuhan nila ang designs mo, and they wanted to work with you, but first you have to undergo some training abroad maybe a couple of months then kukunin magsisimula ka ng magtrabaho with them, ikaw ang magiging kinatawan ng Burke Construction Firm," ang sabi nito sa kanya.

Parang tumigil sa pag-inog ang mundo ni Cheyenne, isang major project abroad? Totoo ba ang narinig niya? Napili siya ni Engineer Burke sa kabila ng maraming mas senior at junior engineers na nauna sa kanya sa firm? She must be dreaming.

Alaric Kirkland - Kirkland Series (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon