"Anong gagawin natin diyan ngayon?" ang tanong ni Lucas sa kanilang tatlo habang pinagmamasdan nila si Alaric na tulog na tulog sa upuan at wala nang pang-itaas na damit. Kaya naman Cheyenne has a good view of his wide chest with a dust of golden hair. At habang tinititigan ay may pumasok sa kanyang isipan kung gaano kalambot iyun sa kanyang palad o nakakakiliti ba iyun?
"Nagpakabayani kasi masyado eh lahat ng shot ni Cheyenne tinungga lahat eh ikukuha naman natin si Cheyenne ng beer, pabibo rin eh." Ang Nakapamewang na reklamo ni Rauke habang nakatingin sa kapatid na tulog na tuulog. Nakaramdam tuloy ng awa si Cheyenne dahil sa pagiging sobrang maginoo nito at sa iniisip nito ang kanyang kalagayan ay nalasing ito ng husto.
"May lakad pa naman tayo pagkatapos nito," ang sabi ni Carlos, "ipagyayabang ko ang bago kong tattoo grabe an gang ganda parang professional ikaw na lang kaya ang magtattoo sa amin Cheyenne?"
"Naku hindi ah, hindi ako marunong gumamit ng pangtattoo noh!" ang mabilis niyang pagtanggi at pag-iling ng kanyang ulo.
"Pero mas maganda ang gawa mo, kapag free time mo na lang sige naaah bibi?" ang paglalambing ni Lucas sa kanya na may pag-akbay pa. Hindi siya naaasiwa sa mga pag-akbay sa kanya nina Rauke, Lucas o Carlos, dahil sa walang malisya ang mga touchy-touchy nito sa kanya na ang trato sa kanya ay mas nakababatang kapatid o barkada at alam niyang belong na siya sa mga kalokohan ng mga ito lalo na sa ginawa nila kanina lang. "Pleasseeeee."
Bumagsak na lang ang kanyang mga balikat at pumikit ang kanyang mga mata saka niya tiningnan si Lucas na parang pusang nakuha ang isda sa pagkakalapad ng ngiti nito. "Okey! Basta kapag wala akong trabaho ayokong iistorbuhin niyo ako habang nasa kalagitnaan ako ng trabaho dahil electric drill ang ipang tatattoo ko sa mga balat ninyo!" Ang kanyang sagot at sabay-sabay na umatras ang ulo ng tatlong lalaki sa kanyang sinabi.
"Whoah! Parang Alaric ah," ang sambit ni Rauke na mugalat ang mga mata na nakatingin sa kanya at hindi maiwasan ni Cheyenne ang matawa. She really like these boys kahit pa may kapilyuhan but they were real and it was breather to her parang sariwang hangin ng Villacenso.
"OO Alaric lang, na tulog na tulog hanggang ngayon iuwi na natin ang kapatid mo Rauke, nahihirapan na siya sa pagkakaupo niya, tapos." Ang sabi niya at napangiwi siya bago niya kinagat ang kanyang pang-ibabang labi habang nakatingin siya sa nakaupong si Alaric na walang kamuwang-muwang sa sandaling iyun. Nakatayo sila sa kanilang lamesa habang nakaharap kay Alaric nang may matandang lalaki na lumapit sa kanila.
"Oh bakit knock-out na yang si Alaric?" ang tanong nito sa kanila at napunta ang mga mata nito sa kanya at tila ba kinikilala siya.
"Napasobra ng inom tatay, iuuwi na nga namin eh," ang sagot ni Rauke sa matandang lalaki.
"Hindi niyo naman kailangan ng tulong ng tatlo na kayong malalaki ang katawan, aba, may bisita yata kayo?" ang sagot nito sa sinabi ni Rauke. Tumangu-tango si Rauke at magiliw siyang ipinakilala nito at doon niya na nalaman na iyun pala ang sinasabi ng mga ito na may-ari ng maliit na pub na si Mang Simon.
"Safe ka naman sa mga ito iha huwag kang mag-alala lalo na yang si Alaric," ang nakangiting sabi nito sa kanya.
"Alam ko naman po yun," ang magalang na sagot ni Cheyenne at nagpaalam na ito sa kanilang apat. Muli silang nagpalitan ng mga tingin at si Rauke ang unang kumilos, nilapitan na nito si Aalric at bahagyang yumukod ito para kunin ang isang braso ni Alaric at isinampay iyun sa balikat nito at mabilis naman na sinalo ni Lucas ang isa pang braso ni Alaric na isinampay rin nito sa sariling balikat. Siya naman ay mabilis na dinampot ang t-shirt ni Aalric at naglakad kasunod ng mga ito.
"Ughh," ang sambit ni Alaric at nagtawanan ang tatlo sa lumabas na ungol sa labi ni Alaric habang naglalakad na sila palabas ng maliit na pub at nakasunod siya sa apat na nauunang maglakad sa kanya.
BINABASA MO ANG
Alaric Kirkland - Kirkland Series (completed)
RomanceFor mature readers only 18 and up. Please be guided! Second Book of Kirkland Series, featuring the story of Alaric Kirkland. Alaric only wanted to prove that he is worthy of her sister's trust that he could handle the management of their family's r...