Chapter 43

1.1K 89 26
                                    

Nakaramdam ng kaba si Cheyenne nang marinig niya ang katok sa labas ng pinto. Biglang pumasok sa kanyang isipan si Alaric, lalo pa at nakiusap ito sa kanya na makipag-usap siya rito. Pero kumunot ang kanyang noo, ilang sandali pa lamang ang nakalipas mula nang makaalis sina Alaric at Dakota, kaya naman hindi maaring si Alaric ang nasa labas ng kanyang silid.

Kunot noo siyang tumayo at humakbang palapit sa pintuan at mula sa likod ay inilapit niya ang kanyang bibig sa kahoy na pinto at saka siya nagsalita.

"Sino yan?" ang kanyang tanong.

"Cheyenne? Si Rauke," ang sagot mula sa labas at isang buntong-hininga ang kanyang pinakawalan at hindi niya mapigilan na ang ngumiti, Si Rauke ay isa sa nagpapagaan ng kanyang nararamdaman. Agad niyang hinila ang pinto para bumukas iyun at isang bagong paligo at nakangiting Rauke ang bumati sa kanya.

"Hi Cheyenne," ang bati nito sa kanya, "sorry tulog ka na ba?" ang paghingi nito sa kanya ng paumanhin at ang ngiti sa labi nito ay mabilis na nabura nang mapagtanto nito na baka nga naistorbo nito ang kanyang pagtulog.

Umiling ang kanyang ulo na maya ngiti sa kanyang labi, "hindi pa ako natutulog," ang kanyang sagot at bumagsak ang mga balikat ni Rauke na tila ba naginahawaan ito.

"Sabi ko na nga eh, nakita ko kasi na maliwanag pa ang silid mo...I mean may ilaw pa na nakikita sa slits sa ibaba ng pinto, kaya akala ko na gising ka pa," ang sagot nito sa kanya.

"Bakit mo pala ako ginambala?" ang kanyang tanong kay Rauke na may pagkunot sa kanyang noo na tila ba naiinis siya rito.

"Labas tayo, ang tagal mo ng hindi sumasama sa amin," ang pagyaya ni Rauke sa kanya. Nagtaas siya ng kanyang mga kilay dito at nanulis ang kanyang nguso. "Sige na, maaga pa naman eight pa lang, wala na kasi si Gab na nakakasama namin sa inuman may jowa na kasi ay asawa pala. Katulad ni Alaric, may jowa na rin kaya may mga ibang lakad na rin iyun at hindi na rin namin mayayaya, saka nami-miss ka na namin nina Carlos at Lucas, magsama-sama tayong mga single," ang dugtong pa ni Rauke at parang tumama sa kanyang mukha ang sinabi nito. Yup, mukhang kailangan rin niya na mag-unwind na muna at sandaling makalimot sa mga gumugulo sa kanyang isipan. At magsasama-sama silang mga single.

Isang buntong-hininga ang kanyang pinakawalan at nagpamewang siya rito, at isang ngiti na abot sa magkabilang tenga ang ibinigay sa kanya ni Rauke.

"Sandali, magpapalit lang ako ng damit," ang kanyang sagot at lumapad ang ngiti ni Rauke nang marinig ang kanyang sagot.

"Yes!" ang excited na sabi nito, "hinatayin kita sa baba ha?" ang sabi nito at tumango na lang siya bago niya isinara ang pinto para magpalit ng kanyang damit at magsuot ng sapatos. Pagkatapos ay lumabas na siya at naabutan na nga niya si Rauke na naghihintay sa kanya sa may paanan ng mga batong hagdan.

"Tara, angkas ka ba sa motor?" tanong nito sa kanya pero umiling ang kanyang ulo, "magdadrive ako ng sarili, baka mamaya may mga iba pa kayong lakad uuwi ako na mag-isa," ang kanyang sagot dito.

"Ihahatid naman kita," ang giit ni Rauke sa kanya pero nakangiti na umiling ang kanyang ulo.

"Hindi na, maistorbo pa kita," ang sagot niya at humaba ang nguso ni Rauke sa kanyang sagot. "Nguso mo uy, ganyan ka ba humalik ng babae?" ang natatawang tanong niya at umatras ang ulo ni Rauke at isang pilyo na ngiti ang gumuhit sa lanbi nito.

"Hindi ako ganito ngumiti noh, mababaliw ang babae sa halik ko pa lang," ang mayabang na sagot nito sa kanya at isang mahinang tawa na may pag-iling ang kanyang isinagot.

"Owkey, sabi mo eh, sge na convoy tayo, ikaw ang hawi boy ko, kunwari importanteng tao ako security kita," ang biro niya kay Rauke na malakas na tumawa. Sumakay na siya sa kanyang sasakyan at bumusina siya kay Rauke na naunang umalis sakay ng motorsiklo nito kasunod ang kanyang sasakyan at hinayaan niyang nakabukas ang bintana ng kanyang sasakyan para pumasok ang malamig at sariwang hangin. At habang nagmamaneho ay naalala niya ang gabing inihatid siya ni Alaric sa Pedrosa at ang sandaling huminto sila para ibigay nito ang suot na jacket. Ang jacket nito na hanggang sa mga sandali na iyun ay nasa ilalim pa rin ng kanyang unan at katabi niya sa kanyang ang pagtulog.

Alaric Kirkland - Kirkland Series (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon