Chapter 30

1.2K 78 55
                                    

Isinara ni Alaric ang pinto ng kanyang silid kasabay ng paghubad niya ng suot niyang sapatos, pagkatapos ay ipinatong niya ang hawak niyang napanalunan na tropeo sa ibabaw ng kanyang lamesa ksabay ng isang buntong-hininga. Hindi niya alam kung bakit ganun na lang kainterisado si Cheyenne na malaman kung ano nga ba ang nararamdaman niya para kay Presley. Maganda si Presley, matalino at mabuting tao ngunit wala siyang nararamdaman para rito. Paghanga dahil sa pagkatao nito? hmm oo, at iyun lamang iyun. At bakit ba niya inisip iyun? Alam naman niya na hindi magkakagusto sa kanya si Presley sa kadahilanan kung bakit hindi magkakagusto ang kung sinuman na babae sa kanya. Walang babae ang magkakagusto sa kanya iyun ang katotohan. Ang sabi niya sa kanyang sarili at hinila niya ang suot niyang camisa de chino sa pataas sa kanyang ulo para hubarin ito. At pagkahila niya ng puting damit sa kanyang braso ay napalingon siya sa pintuan ng kanang silid nang may marahan na kumatok sa labas nito.

Kumunot ang kanyang noo at isinampay niya ang shirt sa kanyang kaliwang balikat at naglakad siya palapit sa pintuan at hindi na niya inisip o tinanong pa kung sino ang kumakatok sa labas dahil sa sila lang naman ang nakatira sa malaking bahay nilang iyun.

Hinila niya ang pinto at nagitla siya nang makita niya si Cheyenne sa harapan ng kanyang pintuan at sa ayos nito ay mukhang hindi pa ito pumasok sa loob ng sarili nitong silid. "Cheyenne uh may"- at hindi na niya naituloy pa ang kanyang sasabihin dahil sa nagulat siya sa ginawa nito. Humakbang ito papasok at tumikayad ang mga paa nito kasabay ng pagpulupot ng mga bisig nito sa kanyang leeg para selyuhan ng mga labi nito ang kanyang labi. Ramdam niya ang malambot na labi nito sa kanyang mga labi at parang dumagundong ang kanyang tenga sa sandali na iyun. Hinahalikan siya ni Cheyenne, pero bakita? ang biglang tanong ng kanyang isipan at dahil sa nar in sa gulat at kalituhan ng pangyayari ay hinawakan niya sa mga braso nito si Cheyenne at kanyang itinulak ito.

Tumayo si Cheyenne sandali sa labas ng pintuan ng silid ni Alaric. Alam niyang may gusto siya kay Alaric iyun ang dahilan kung bakit siya naroon sa sandaling iyun sa harapan ng pintuan nito, ang giit niya sa kanyang sarili. Pero nang kumatok siya sa nakapinid na pinto at bumukas iyun at ang mukha ni Alaric ang bumati sa kanya? Alam niyang hindi lang siya may gusto kay Alaric. Hindi titibok ng ganun kabilis ang kanyang puso kung simpleng pagkakagusto lamang ang kanyang nararamdaman. Hindi siya masasaktan para rito nang marinig niya ang hinanakit sa boses nito. Hindi siya naroon sa harapan ng pintuan at gagawin iyun dahil sa may gusto lamang siya rito. Naroon siya dahil sa mahal niya ito.

Oo mahal niya si Alaric, kung bakit ganun kabilis? ay hindi niya alam ang tanging alam niya ay laman na ito ng kanyang puso at isipan mula pa noong tinulungan siya nito sa Manila, noong isang misteryosong motorcycle rider na naka-cowboy boots pa lamang ito sa kanyang isipan ay batid niya na may pagtingin na siya rito dahil sa walang araw na hindi ito sumasagi sa kanyang isipan at umaasa na balang araw ay makita niya itong muli at magkaroon ng mukha ang lalaki sa likod ng helmet na kulay itim. At nang makilala niya si Alaric ay panandalian na naisantabi ang misteryosong lalaki at sinakop na ni Alaric ang kanyang isipan at unti-unti ang kanyang puso at sa huli ay nalaman niya na ang lalaking nakamotorsiklo at si Alaric ay iisa kaya naman mas yumabong pa ang kanyang nararamdaman. OO mahal niya si Alaric at sa pagkakataon na iyun ay hindi man niya ito maamin ay handa naman siyang ipakita na rito kung gaano niya ito kamahal. Words will be useless right? Ilang beses ba silang nagpalitan ng mga salita ng pagmamahal ni Axel ngunit nakuha pa rin siya nitong ipagpalit sa babaeng handang ipakita at iparamdam ang pagmamahal dito, na noon ay hindi niya ginawa.

At nang marinig niya ang hinanakit sa boses ni Alaric kanina ay hindi na siya nagdalawang isip pa na patunayan kay Alaric na nagkakamali ito. She will help Alaric realised that he was wrong and she wanted to help him walked out of those bars of insecurity and by doing that ay tutulungan din niya ang kanyang sarili na makawala sa rehas ng nakaraan at ipadarama niya kay Alaric ang kanyang lihim na pagmamahal dito, hindi na sa salita na wala namang patutunguhan kundi sa gawa. Maybe Alaric will help her washed away her sorrows while she will help him washed away his insecurities.

Alaric Kirkland - Kirkland Series (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon