Chapter 17

1K 86 43
                                    

''Dinner?" ang tanong ni Alaric sa kanya at tumangu-tango ang kanyang ulo na may ngiti sa kanyang labi habang nakatingin ang kanyang mga mata ng diretso kay Alaric na tila ba kinabahan sa kanyang sinabi. Was she being so annoying already? Baka hindi ito mahilig sa mga biglaan na lakad? Tanong ni Cheyenne sa kanyang sarili.

"Uh yeah dinner, I think it is my turn to invite you for dinner sa aming payak na tahanan," ang sagot niya. "Uhm hindi naman sa namimilit ako, gusto ko lang talaga na suklian ang hospitality na ipinakita ninyo sa akin sa Villacenso, kung tatanggihan mo ako ay, wala naman akong magagawa." Ang dugtong niya at nakadama siya ng lungkot nang maisip niya iyun.

Umiling ang ulo ni Alaric, "Hindi naman sa ayoko at tatanggi ako, kaya lang, hindi ba nakakahiya sa family mo, baka maabala sila?" ang tanong ni Alaric na may agam-agam sa tono ng boses nito.

Siya naman ang umiling at matipid na ngumiti bago siya nagsalita, "huwag ka sanang mahiya, saka hindi ka magiging isang abala sa amin, lalo pa at naikwento na kita sa mommy at daddy ko, kaming tatlo lang naman ang nasa bahay, nag-iisa kasi akong anak, sa totoo lang excited din silang makilala ka dahil sa napili ninyo ang unang major project ko."

"Pero kung ayaw"-

"No no no, gusto ko," ang mabilis na sagot nito sa kanya at isang malapad na ngiti ang gumuhit sa kanyang labi nang marinig ang sagot nito.

"Thank you! Uhm susunduin ba kita?" ang tanong niya at umiling naman ang ulo nito para sumagot.

"Hindi na uh pakibigay mo na lang ang address mo, mahahanap naman kita, I mean bahay! Mahahanap ko rin ang bahay ninyo," ang sagot nito sa kanya na may pamumula ng pisngi. Lumalabas na naman ang pagkamestiso nito, ang sabi ng kanyang isipan.

"Sure ka? I won't mind na sunduin kita, ako naman ang maghahatid at sundo sa iyo," ang sagot niya. Pero umiling si Alaric.

"Luma man ang jeep ko pero, kaya  naman nito na mahanap ang bahay ninyo," ang nakangiting sagot ni Alaric sa kanya at ipinakita nito ang cellphone nito sa kanya.

***

Tiningnan ni Cheyenne ang kanyang sarili sa salamin, hindi siya mahilig na magbihis o pumorma. She was laidback when it comes to her fashion or kung anong kumportable ay iyun ang isususot niya. Lalo na kapag nasa field siya at kasama siya sa mga naatasan na magcheck ng progress ng isang project. Kaya naman kakaunti lang ang kanyang damit na pangdinner dahil sa puro jeans at pants ang kanyang damit at nag-iisa lang ang kanyang dress na damit at iyun ang kanyang suot, isang kulay red wine na sleeveless turtle neck dress na may flouncing skirt na abot sa kanyang tuhod at tinernuhan niya ng nude doll shoes ang kanyang suot. Ayaw naman niyang mamili pa ng damit at wala na rin naman siyang oras para mamili dahil sa pagkalabas ng opisina ay nagmamadali siyang umuwi. At kahit na natawagan na niya ang kanyang mommy para sa dinner na plinano niya ay nasa panic mode pa rin ang kanyang mommy na nahirapan na mag-isip kung anong ihahanda sa dinner. She even offered her mom na umorder na lang pero isang mariin na "no way" ang isinagot nito sa kanya. At pagkauwi nga niya ay nakapamalengke na ito kasama ang kanyang daddy at nakasalang na ang niluto nitong ulam sa oven at stove at pagpasok nga niya ng bahay kanina ay masarap na amoy ng ulam ang sumalubong sa kanya.

She turned her head from from side to side para muling icheck ang kanyang hitsura, at sa pagkakataon na iyun ay hinayaan niyang nakalugay ang kanyang diretso at mahabang buhok at tanging lip balm na kulay pink ang nagbigay kulay sa kanyang mukha. Ayaw naman niyang magmukha kasing umeffort siya ng husto. 

Napabuntong-hininga siya, kahit noong sila pa ni Axel she didn’t bother on how she looks, maybe kaya siya iniwan nito, she looks boring, hindi katulad ni Graciel na nuknukan ng ganda. "Ugh," ang tanging sambit niya at tiningnan niya ang oras sa suot niyang relo at nakita niya ang oras at ilang minuto na lang bago ang napagusapan nilang oras ni Alaric at sa kanyang palagay ay on-time si Alaric kaya naman lumabas na siya ng kanyang silid para bumaba ng bahay at naabutan niya ang kanyang mommy at daddy na inaayos na ang lamesa sa kanilang dining area.

Alaric Kirkland - Kirkland Series (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon