Chapter 5

1.4K 83 48
                                    

"How was it?" ang excited na tanong ni Gabriella sa kanya habang kausap niya ito sa kabilang linya. Halata ang excitement sa boses ng kanyang kapatid na malaman kung anong nangyari sa unang convention na kanyang pinuntahan. At kung bakit ang pumasok sa kanyang isipan ay hindi ang convention kundi ang nangyari nang papauwi na siya. Ilang araw na ang lumipas ngunit sariwa pa rin sa kanyang isipan ang nangyaring iyun at ang babaeng iniwan nya sa ilalim ng puno sa harapan ng simbahan.

Inalog niya ang kanyang ulo para mabura ang imahe sa kanyang isipan, ang sabi pa naman niya sa kanyang kapatid na magpo-focus siya sa rancho kaya naman hindi niya dapat haluan ng kung ano pang isipin ang kanyang isipan. Maaring nakaramdam lamang siya ng awa sa babaeng iyun at dahil sa nakita niya noon ang paghihirap ng kanyang kapatid sa buhay pag-ibig nito ay nakadama siya ng pakikidalamhati rito.

"Pasensiya na kung nagyon lang ako nakatawag para balitaan kita," ang sabi niya rito at isang buntong-hininga ang narinig niya sa kabilang linya.

"Ano ka ba, okey lang iyun, kung tutuusin hindi mo na kailangan na mag-report pa sa akin with regards to the ranch nakasalalay na sa iyo ang rancho at naniniwala ako sa iyo, ang maibibigay ko lang sa iyo ay advice at iyun ay kung kilangan mo lang o kung kailangan mo lang nang may makikinig sa iyo," ang sagot ni Gabriella sa kanya.

Alam niya na pagkakatiwalaan siya ni Gabriella pero para sa kanya na kailangan pang may patunayan hindi lang sa kapatid kundi na rin sa mga manggagawa ng Highlands Ranch. Napatunayan na ni Gabriella sa mga ito ang kakayahan nito, at siya ay nagsisimula pa lang. Kaya naman kailangan pa rin niya kahit papaano ang approval ng kapatid.

"Uhm maganda yung convention Gab napakaswerte ko at nakadalo ako sa ganun kalaking convention, ang dami kong natutunan para sa improvement ng rancho," ang sagot niya rito habang nakatayo siya sa bintana ng kanyang silid. Gabi na iyun at nagpapahinga na ang lahat, maliban sa kanyan kapatid na si Rauke na kasama na naman ang mga kaibigan nito.

"Wow, that's good then at ikaw ang uma-attend," ang masayang sabi ni Gabriella sa kanya. Tumango siya sa kabila ng hindi nakikita ng kapatid ang kanyang pagtango. Pero hindi sa convention ang dahilan ng kanyang pagtawag sa kapatid, isa iyung plano niya noon pa man sa Highlands na gusto niya sanang isakatuparan sa panahon ng kanyang pamumuno sa rancho.

At mukhang kilala na talaga siya ni Gabriella at napansin nito na may pag-aalangan siya at mayron siyang gustong sabihin dito. Kahit pa open sila sa isa't isa sa sandaling iyun ay nakaramdam ng pag-aalinlangan si Alaric at dahil na rin iyun sa ginawang panliliit ng kanyang daddy noon sa kanyang bawat ginagawa para sa rancho.

"Alaric? may gustong sabihin?" ang tanong ni Gabriella sa kanya mula sa kabilang linya.

Isinandal ni Alaric ang kanyang bewang sa bintana at isang malalim na hininga ang kanyang hinagap at saka niya iyun mabagal na pinakawalan.

"Alaric?" ang muling patanong na pagbanggit nito sa kanyang pangalan nang hindi pa siya ulit sumagot.

"Uhm Gab may...may gusto kasi sana ako na ipropose sa iyo patungkol sana sa rancho, uhm matagal ko na kasi itong balak sana para sa Highlands kaya lang hindi ako nabigyan ng pagkakataon noon at ngayon lang." Ang sagot niiya kay Gabriella at muli siyang tumanaw sa malawak na lupain ng kanilang rancho na itinayo pa ng kanilang mga lolo, ang ninuno ng mga Kirkland.

"Sure ano iyun?" ang tanong sa kanya ni Gabriella, "don't hesitate to tell me anything Alaric alam ko na para sa ikauunlad lang ng rancho ang nasa isipan mo, ano iyun?"

"Uhm gusto ko sana na magtayo ng ng small scale na slaughter house sa rancho Gab, at isang market sa Pedrosa na Highlands ang magmamay-ari, lahat ng products ng Highlands pwede natin dun na ilagay pwede tayong maglagay ng fresh cow's milk and even cheeses." Ang panimula niya at napapikit ng mahigpit ang talukap ng kanyang mga mata habang hinihintay niya ang sasabihin ng kanyang kapatid hindi niya alam kung magagalit o matatawa ito sa kanyang sinabi.

Alaric Kirkland - Kirkland Series (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon