Chapter 45

1.2K 91 34
                                    

Kinakabahan na lumabas ng silid si Alaric at nasa kalagitnaan na siya ng hagdan nang maabutan niya si ate Josephine na isa-isa nang pinatapatay ang ilaw sa loob ng bahay at ang tanging natira na lamang na buhay na ilaw ay ang sa second floor landing at sa maindoor at ang mga dim lights sa salas.

"Ate si…si Cheyenne po napansin niyo po ba?" ang tanong niya kay ate Josephine. Lumingon ito sa kanya at hinintay siya nitong makababa ng hagdan at naglakad siya rito ng palapit na puno ng kaba ang kanyang dibdib.

"Uh oo, nagpaalam siya kanina na maghohotel na lang daw siya at para raw malapit siya sa Pedrosa, magpapaalam na lang daw siya sa inyo bukas kapag nagkausap na kayo," ang sagot ni ate Josephine sa kanya.

Nabuhayan siya ng loob kung sa Pedrosa lang tutuloy si Cheyenne ay nasa isang hotel lang naisip ni Alaric tutuloy sa Pedrosa. Ang hotel na tinuluyan nito dati na ilang hakbang din lang ang layo sa itinatayo niyang meat shop. Mas mabuti na rin na nasa hotel na ito, mas makakapag-usap sila ng maayos ni Cheyenne na hindi nila kailangan na magtago katulad ng sa bahay, pero mas gugustuhin pa rin niya na sabihin na nila ang totoo tungkol sa kanilang dalawa nang hindi na sila mapuno ng mga pagdududa.

''Ganun po ba, sige po salamat uhm magpahinga na po kayo, ako na po ang magsasara ng pinto at si Rauke ay nasa labas na naman," ang kanyang sagot. Isang ngiti naman at pag-iling ng ulo nito ang isinagot sa kanya ni ate Josephine kasabay ng pagbuntong-hininga, ang babaeng kaharap ang tanging umintindi sa kanila at nag-alala sa kanila sa tuwing ginagabi sila ng uwi noon.

"Ano bang bago kay Rauke?" ang tanong na sagot sa kanya ni ate Josephine, "titino lang iyan kapag may nakilala nang babaeng magpapatino sa lalaking iyun," ang dugtong pa nito. "O siya, mauna na akong matulog, magandang gabi."

Tumango siya at ngumiti at sinundan na lamang niya ng tingin si ate Josphine na nagtungo sa direksiyon ng kusina at alam niya na doon ito dadaan palabas ng bahay para magtungo sa maliit nitong bahay na tinutuluyan.

Napabuntong-hininga siya, at nanag tuluyan nang nawala sa kanyang paningin si ate Josephine ay dali-dali na siyang naglakad palabas ng main door at patakbo niyang binagtas ang bawat baitang ng batong hagdan hanggang sa maabot niya ang kanyang motorsiklo.  Nabigyan siya ng panibagong pag-asa na maayos nila ang hindi pagkakaintindihan nila ni Cheyenne. Makakapagpaliwanag siya rito ng husto at kukumbinsihin niya ito na aminin na nila ang kanilang relasyon. Alam niya ang pwedeng maging bunga ng mga gabi at sandaling pinagsaluhan nila at handa siyang panagutan si Cheyenne at gawin itong isang Kirkland. Gusto na niyang mangyari iyun at kailangan na lamang niya na makumbinsi siu Cheyenne. Alam niya na mahal nito ang trabaho na pagiging engineer ngunit kailangan na magkaroon na ng linaw ang lahat sa kanila para hindi na mangyari pa ang mga hindi pagkakaunawaan. Kung kinakailangan niyang kausapin ang may-ari ng Burke construction na ang namagitan sa kanila ni Cheyenne ay dahil sa palagian nilang magkasama at walang kinalaman ang proyekto.

Kinakabahan na may labis na pananabik siyang nadarama sa kanyang dibdib. Masosolo niyang muli si Cheyenne at sa pagkakataon na iyun ay umaasa siyang mapapayag niya ito. Kung pwede nga lang na paliparin niya ang kanyang motor na pinaandar niya ng mabilis ang kanyang motorsiklo ngunit alam niyang may mas ibibilis pa ang takbo nito ay hindi na niya ginawa pa. Gusto naman niyang mag-ingat at makarating kay Cheyenne ng maayos at buhay.

Ilang sandali pa ay narating na niya ang Pedrosa, medyo late na ang oras ngunit buhay pa rin ang siyudad. Marami pa ring tao na makikita sa daanan at ganun din ang mga sasakyan dahil sa iyun ay ang intersection nang mga karatig na probinsiya. Alalay ang takbo ay binagtas niya ang daan patungo sa hotel na tinuluyan noon ni Cheyenne. Dali-dali niyang tinungo ito at nang marating niya ang harapan ng hotel ay kumunot ang kanyang noo. Iilan lamang ang mga sasakyan na nakaparada sa labas na parking ng hotel at hindi niya napansin ang sasakyan ni Cheyenne na nakaparada sa harapan nito. Ipinarada niya ang kanyang motorsiklo at pinasadahan pa niya ng kanyang tingin ang mga iilang sasakyan na nakaparada ngunit wala talagang sasakyan si Cheyenne na naroon.

Alaric Kirkland - Kirkland Series (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon