Chapter 26

1.1K 78 91
                                    

Iminulat niya ang kanyang mga mata ng may ngiti sa kanyang mga labi, pumihit ang kanyang katawan at humarap siya sa direksiyon kung nasaan ang veranda na lagi niyang iniiwan na bukas. Hindi na kasi niya pinapaandar pa ang electirc fan at hinahayaan na lamang niya ang malamig na hangin na pumasok sa loob ng kanyang silid at hayaan ang natural na lamig ng hangin na bigyan siya ng ginhawa sa kanyang pagtulog.

Isang buntong-hininga ang kanyang pinakawalan habang ang ngiti sa kanyang mga labi ay nanatiling nakaukit sa kanyang pisngi. Hinikit niya ang kumot hanggang sa kanyang baba habang pinagmamasdan niya ang liwanang na sumusungaw mula sa nakabukas na pinto ng veranda. Mas magaan ang tulog niya kagabi at dahil iyun kay Alaric. Kinagat ng kanyang ngipin ang kanyang pang-ibabang labi nang muling sumagi sa kanyang isipan ang mga nangyari kagabi, hindi niya akalain na ang kanyang misteryosong motorcycle cowboy at si Alaric ay iisa.

Bumangon siya mula sa kanyang pagkakahiga at kinuha niya ang jacket nitong nasa kanyang tabi. Naupo siyang nakabaluktot ang kanyang mga tuhod at magkaekis ang mga binti na parang Indian at sa kanyang mga hita habang hawak ng kanyang mga kamay ay ang jacket ni Alaric. Iyun ang unang jacket na pinahiram nito sa kanya, ibinalik niya rito ang pinahiram nitong jacket kagabi. Naalala niya nang ihatid siya nito kagabi sa harapan ng pintuan ng kanyang kwarto at kung paanong nakangiti silang nagbigay ng kanilang pamamaalam sa isa't isa. There was something that night, she felt the difference hindi niya mapangalanan kung ano iyun pero may kakaibang sigla ang kanyang pakiramdam mula pa kagabi.

Iyun pala ang rason kung bakit pamilyar ang pakiramdam niya kay Alaric, noong una niya palang ito na makita bilang kanyang future client ay magaan na ang kanyang pakiramdam dito. Kaya naman pala iyun ay dahil sa nakilala na niya ito at tinulungan pa siya nito na gumawa ng isang bagay na alam niyang kanyang pagsisisihan sa huli. Muling lumapad ang ngiti sa kanyang mga labi at hindi na niya kailangan pa na gumamit ng orasan dahil sa ilang araw pa lang niyang nag-stay sa rancho ay tila gamay na niya ang oras sa pagtingin pa lamang ng liwanag ng araw at sa sandaling iyun ay mukhang tinanghali na siya ng gising. Mabilis niyang ibinaba ang kanyang mga paa sa sahig para tumayo at nakayapak siyang naglakad patungo sa pintuan palabas ng veranda. Sinalubong niya ang liwanag ng araw hindi pa tirik ito ngunit dama niya ang init nito sa kanyang balat. Tumingin siya sa ibabang bahagi ng bahay kung saan nakaparada ang ilan pang mga sasakyan sa rancho, kagabi ay doon din ipinarada ni Alaric ang kakaibang motorsiklo nito, at sa sandaling iyun ay napansin niyang wala ang motorsiklo nito. At isang ngiti ang gumuhit sa mga labi niya dahil sa mukhang hindi na itinago ni Alaric ang motorsiklo nito at ginamit na nito sa pagpunta sa barns para umpisahan ang pagpapakain nito ng mga alagang baka.

Muli siyang pumasok sa loob ng kanyang silid para naman maghanda na ng kanyang sarili sa araw na iyun. Naligo na siya at nagsuot ng mas komportable na damit na nakaugalian na niya kapag nasa bahay lamang siya at araw ng pahinga. Maluwag na shirt at shorts at tinernuhan nya ng sneakers. Ipinusod nyang muli ang kanyang buhok sa tuktok ng kanyang ulo at saka siya dali-daling lumabas ng kanyang silid. Nakakabingi na ang katahimikan sa loob ng malaking bahay. Nakapinid ang lahat ng pinto sa taas ng bahay at hindi niya alam kung si Rauke ay natutulog pa sa oras na iyun pero dahil sa araw ng Linggo iyun din ang araw na pahinga nito mula sa mga escapades nito tuwing gabi. Pero ang alam niya ay nasa labas na si Alaric at abala na ito sa trabaho nito sa rancho.

Hmm, siguro dapat ay tulungan na rin niya ito, tutal wala naman siyang ginagawa sa araw ng Linggo, ang sabi niya sa sarili habang binabagtas niya ang hagdan pababa at bumungad sa kanya ang malawak na salas ng bahay. Nagpaling-linga siya, at mukhang siya lang ang nag-iisa sa salas. At kanyang pinagmasdan ang mga nakasabit na portrait sa batong pader ng bahay. Sa ilang araw ng kanyang inilagi sa bahay na iyun ay hindi niya pa nakuha ang pagkakataon na tingnan ang mga naglalakihan na mga litratong nakasabit sa pader. Kaya naman sa sandaling iyun ay kinuha na niya ang pagkakataon na sandaling pagmasdan ang malaking living area na halos singlaki na ng kanilang bahay.

Alaric Kirkland - Kirkland Series (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon