Kumuha si Rauke ng mug mula sa cupboard at saka siya humakbang palapit sa kitchen counter kung saan naroon ang thermos na alam niyang laging may laman na bagong kulo na kape. Hindi kailanman nalilimutan ni ate Josephine na lagyan ng laman ang thermos na iyun. Sinalinan niya ang kanyang mug at saka siya naglakad palapit sa malapad na lamesa sa kusina. Hindi na siya nagpunta pa sa dining area dahil sa magkakape lang naman siya.
Hinayaan niyang mainitan ang kanyang mukha ng usok na mula sa mainit na kape bago niya nilanghap ang mabangong amoy ng nilagang kape at saka niya hinigop iyun. Pagkatapos ay binalot niya ng kanyang mga palad ang mainit na katawan ng kanyang mug.
"Oh bakit ang aga mo?" ang tanong ni ate Josephine sa kanya. Lumingon siya at nakita niya si ate Josephine na naglalakad palapit sa kanya, galing ito sa may sala at malamang ay tiningnan na nito ang kabuuan ng bahay kung nasa ayos bago ito tuluyan na magpahinga para sa gabing iyun.
"Uh ate kape po tayo," ang kanyang alok dito. Ngumiti at umiling ang ulo nito sa kanya at sandaling inayos nito ang mga naiwan na plato na pinatutuyo nito sa dish drainer.
"Tapos na ba ang kasiyahan sa rancho?" ang tanong nito sa kanya. inilapag niya ang mug sa lamesa pagkatapos niyang humigop muli ng kape.
"Opo ate, alam mo naman, bukas ang araw ng pagsisimula ng abattoir at meat shop ni Alaric, kaya excited ang lahat at alam naman na madadagdagan ang kaabalahan sa rancho," ang kanyang paliwanag.
Tumango naman si ate Josephine, "Wala ka bang lakad ngayon?" ang tanong ni ate Josephine sa kanya. Umiling ang kanyang ulo at ngumiti ng matipid.
"Uh wala ate, nakakahiya naman kasi kay Alaric kung hindi ko ipapakita ang suporta ko sa kanya," ang kanyang sagot dito.
Mula sa pagkakatalikod sa kanya ni ate Josephine ay humarap ito sa kanya, at tila ba hindi ito makapaniwala sa narinig na lumabas na salita sa kanyang bibig. "Totoo ba ang narinig ko? Hindi ka na maggagala sa gabi?" ang di makapaniwala na tanong ni ate Josephine sa kanya.
Isang malakas na tawa ang kanyang pinakawalan, "ha ha ha! ate naman, ngayon lang ito...hindi naman ibig sabihin na tutulong ako kay Alaric ay mawawala na ang pag-akyat...este paglilibot namin nina Lucas at Carlos," ang kanyang sagot na may pilyong ngiti sa kanyang labi.
Napailing na lamang si ate Josephine sa kanyang sinabi at saka naghalukipkip ang mga braso nito sa dibdib, "Rauke, kailan ka ba mapipirme dito sa bahay? Huh kailan ka kaya magtitino?"
"Matino ako ate!" ang angal niyang sagot na may kahalong tawa. Napailing naman si ate Josephine na pagtutol sa kanyang isinagot.
"May babae rin na magpapatino sa iyo," ang sagot nito sa kanya na may pagtaas ng mga kilay nito at gumalaw-galaw pa ang hintuturo nito, na tila ba binabalaan siya.
"Matagal pa iyun mangyayari, mag-eenjoy muna ako sa buhay ko," ang sagot ni Rauke kay ate Josephine na bukod sa kanyang kapatid na babae na si Gab ay si ate Josephine ay tumayo na ate at nanay nilang magkakapatid.
"Magpapahinga na ako, ikaw na ang bahalang maghugas ng mug na ginamit mo ha? ayokong makikita iyan bukas ng umaga na nasa lababo o di kaya nariyan sa lamesa," ang bilin ni ate Josephine sa kanya.
Ngumiti ng matamis at malapad si Rauke, "yes ate," ang kanyang sagot at tumango siya rito para magpaalam at sinundan na lamang niya ng tingin ito hanggang sa tuluyan na itong lumabas ng back door sa kusina.
Umiling ang kanyang ulo, hindi pa sa ngayon, kahit pa masaya siya para sa mga kapatid at nagkaroon na ang mga ito ng seryosong relasyon? wala pa sa isipan niya ang ganun na bagay. He still wanted to enjoy his single life hanging around with his friends.
"Matagal ka bago mapako ang aking mga paa sa iisang kwarto lang," ang kanyang bulong sa sarili na may ngiti sa kanyang labi.
***
Binagtas ni Josephine ang daan pabalik sa kanyang maliit na tinutuluyan na bahay. Binuksan niya ang pinto at tumambad sa kanya ang maliit na salas kusina at kainan at isang silid na kanyang tulugan. Ipinatayo ng matandang si Don Alano para sa kanya ang maliit na bahay na iyun at doon na siya lumaki at nagpalipas ng taon ng kanyang buhay bilang katiwala ng Kirkland.
Isinara niya ang pinto at inihanda na niya ang sarili para magpahinga at matulog. Hinayaan niyang nakalugay ang kanyang mahabang buhok na kanyang sinuklay habang nakaupo siya sa kanyang kama. Pagkatapos ay inilapag niya ang suklay sa maliit na mesa sa tabi ng kanyang kama at katulad ng nakagawian bago matulog siya ay nanalangin. Para sa kanyang sarili, sa tatlong Kirkland na kanyang inalagaan kasama na ng mga kabiyak at anak ng mga ito maliban kay Rauke na lagi niyang ipinapanalangin ang kaligtasan nito lalo pa at lagi itong nasa kung saan na lugar gabi-gabi. At ang huling panalangin niya ay para sa lalaking hanggang sa sandaling iyun ay namumuhay sa loob ng kanyang puso. Pinagdasal din niya ang kasiyahan nito.
Pagkatapos na manalangin ay may isa pang nakagawian si Josephine at iyun ay ang kunin ang litrato na kanyang itinabi mula sa pagkakatapon nito sa basurahan. Itinabi niya ang parte na kailangan lamang niya. Muli niyang hinaplos ang mukha ng lalaking nasa larawan at saka niya inilapag iyun sa ibabaw ng kanyang mesa at kasunod naman ay binuksan niya ang lumang kahon ng sapatos. Iniangat niya ang takip at dinukot niya ang isang nakatiklop na papel at saka nya binuklat iyun at muli ay binasa niya ang matatamis na salita na roon ay nakatala. At isang malungkot na ngiti ang gumuhit sa kanyang mga labi nang makita niya huling mga salita na nakasulat doon.
"Ikaw lamang ang babaeng aking mamahalin Josephine, ang araw na nagbibigay ng liwanag sa aking umaga at tala naman bago ako matulog sa gabi, at sa aking panaginip, tanging mukha mo lamang ang aking nakikita, ikaw ang laman ng aking puso at isipan. Hindi na ako makapaghintay na muling makita at mahagkan na muli ang iyong mga labi. Hihintayin kita sa ating tagpuan.
Nagmamahal,
Gaston K.
BINABASA MO ANG
Alaric Kirkland - Kirkland Series (completed)
RomanceFor mature readers only 18 and up. Please be guided! Second Book of Kirkland Series, featuring the story of Alaric Kirkland. Alaric only wanted to prove that he is worthy of her sister's trust that he could handle the management of their family's r...