Chapter 41

1.1K 87 30
                                    

"Good morning!" ang masayang bati ni Gabriella kay Alaric. Tulad ng nakagawian nito noon ito ang naunang naabutan nila sa may dining area at may hawak na, na isang mug ng mainit na kape.

"Good morning ang aga ah?" ang kanyang bati sa kapatid at sinenyasan siya nito na maupo at saka nito dinampot ang thermos at ipinagsalin siya nito ng bagong laga na kape. Humakbang siya palapit dito at naupo sa silya na nasa tabi ng kapatid at isang mahinang 'salamat' ang ibinigay niya kay gab bago niya dinampot ang mug at hinigop ang mainit na kape.

"Maaga akong gumising. Alam mo naman na pauwi na ako ng Manila at kinailangn ko munang ipasyal si Lace," ang sagot nito sa kanya.

"Uwi? Mukhang sa Manila ka na talag mamamalagi?" ang kanyang sagot na tanong kay Gab at isang matipid na ngiti ang isinagot nito sa kanya.

"Kung nasaan ang pamilya ko, doon ang bahay ko Alaric, kapag nandito kami? Dito ang aming tahanan, hindi naman lugar ang isang tahanan Alaric kundi ang taong minamahal mo," ang sagot nito sa kanya. Napatungo siya sa hawak niyang mug at saka siya ngumiti at tumangu-tango.

''Good morning!" ang bati naman sa kanila ni Dakota. As always she looks beautiful pero nag-iisa lamang ang babaeng nagmamay-ari ng tunay na kagandahan sa kanyang mga mata at mukhang hindi pa ito bumababa para mag-almusal which was unusual para kay Cheyenne.

"Good morning!" ang magiliw na bati naman nila rito at hinintay nila na makaupo ito sa isa sa mga silya. Being a gentleman ay ipinagsalin niya iyo ng kape at isang matamis na ngiti at thank you ang isinagot nito sa kanya at isang pagtango naman ang kanyang isinagot.

"Ngayon na ba ang balik mo sa Manila?" ang tanong ni Dakota kay Gabriella. Tumango ito at inilapag ang mug sa ibabaw ng lamesa.

"Oo, I have to go back, namimiss ko na ang anak ko," ang sabi nito.

"Baka naman si Seth ang namimiss mo," ang sabi ng boses na nagmula sa entryway ng dining area at mula roon ay naglakad palapit sa kanila si Rauke. Hunalik ito sa pisngi ni Gabriella na napaismid sa hitsura ng kapatid na walang pang-itaas na damit.

"Ugh Rauke, may bisita tayo," ang pagpapaalala ni Gabriella kay Rauke. At tulad ng inaasahan wala itong pakialam at nagkibit lang ng mga balikat at naupo ito sa silya sa tabi ng kapatid.

"Sasamahan mo ba ako ngayon na mag-ikot sa ranch?" ang tanong ni Dakota sa kanya at nang tingnan niya ito s amga mata ay nakita niya na umaasa ito sa kanya. Napasulyap siya kay Gab na humihigop ng kape nito ngunit alam niyang naghihintay ito ng kanyang isasagot.

"Oo naman, kung hindi ka maiinip na maghintay muna sandali kasi kailangan na magpakain kami ng mga baka at ilabas sila sa koral," ang kanyang sagot kay Dakota. Lumapad ang ngiti nito at tumangu-tango sa kanya.

"Oo naman, I really wanted to see kung paano ang operasyon ninyo dito sa rancho," ang sagot ni Dakota sa kanya. Tumango siyang muli rito at saka niya inalis ang mga mata kay Dakota at napasulyap siya sa mga labas ng enrtyway ng dining at hinihintay niya na humakbang mula roon si Cheyenne. What's taking her so long? Hindi naman ito nalilate sa breakfast table.

Napansin niyang tumayo na si Gabriella, "excuse lang tutulungan ko lang si ate Josephine na ihanda ang almusal," ang sabi nito at kumunot ang kanyang noo. Wala pa si Cheyenne.

"Uhm Gab, wala pa si Cheyenne," ang kanyang pagpapaalala rito at nakita niyang napaigtad ito na tila ba may pumasok sa isipan nito.

"Oo nga pala nakalimutan ko na sabihin, nauna na si Cheyenne, nakasabay ko siya kanina, maaga pala siyang gumigising, nagpaalam na siya na sasabay ng breakfast with the crew and nagbilin na rin siya aky ate Josephine na sa barracks na rin mag-lunch at dinner," ang sagot ni Gabriella sa kanya at nang marinig niya iyun ay bumagsak na naman ang kanyang mga balikat. What's going on? Mukhang may tampo na naman sa kanya si Cheyenne, kailangan niya talaga na makausap na ito, ang sabi niya sa kanyang sarili.

Alaric Kirkland - Kirkland Series (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon