"Uh Gab," ang sambit niya at hindi niya inakala na ang kapatid niya ang kakatok sa silid niya. Hindi sa hindi nito ginagawa noon? Pero may babaeng mas inaasahan niyang kakatok sa labas ng kanyang pintuan. "Bakita?" ang tanong niya sa kapatid. Napansin niya ang pagkunot ng noon g kapatid at maya-maya pa ay nagtaas ang isang kilay nito sa kanya at umangat ang isang sulok ng labi nito para ngumiti, ngiting kapareho ng bunso nilang kapatid na si Rauke.
"Parang dismayado ka na ako ang kumatok sa pintuan ng kwarto mo ha? Alaric?" ang tanong ni Gabriella sa kanya na may maloko na ngiti sa labi nito.
Bahagyang umatras ang kanyang ulo at kumunot ang kanyang noo para pagtakpan ang katotohanan ng sinabi nito, pero alam niya na ibang babae ang nasa isipan ng kanyang kapatid kaysa sa babaeng nasa kanyang isipan na kakatok sa kanyang pintuan.
"Ikaw talaga, akala ko lang kasi tulog ka na at mahaba ang biyahe mo at uuwi ka na rin bukas, namiss ko na rin yung pamngkin ko," ang sabi niya sa kapatid na ngumiti ng malapad sa kanyang sinabi.
"Oo ako rin, ilang oras ko pa lang na hindi nakikita ang anak ko hinahanap ko na," ang sagot nito sa kanya. "Uhm, pwede ba kitang makausap?" ang tanong nito sa kanya.
Tumangu-tango ang kanyang ulo, "sure, matatanggihan ba kita? Namiss na kita ng husto," ang kanyang sagot at binuksan niya ng husto ang pinto para makapasok ang kapatid pero umiling ang ulo nito.
"Dun tayo sa kwadra, namiss ko na si Lace, ang tagal ko ng hindi siya nakikita, miss na miss ko na siya," ang sagot nito sa kanya. Isang ngiti ang isinagot niya at tumango ang kanyang ulo at kinuha niya ang kanyang sapatos at bitbit niya iyun saka siya humakbang palabas ng pintuan at bago niya isara ang pinto ay napasulyap siya sa nakasarang pinto ng kwarto ni Cheyenne. Napabuntong-hininga siya at naisip niya na susubukan niyang makausap si Cheyenne mamaya? O di kaya bukas ng umaga kapag nakakuha siya ng pagkakataon.
Lumabas sila ng bahay gamit ang likuran na pinto ng bahay at binagtas nila ang malawak na lupain kung saan hindi kalayuan sa malaking bahay ang mga kwadra, ang malaking garahe ng mga mamahaling sasakyan, at ang munting bahay na tinutuluyan ni ate Josephine na matagal nang bahay nito. Narating nila ang kwadra at dali-dali na binuksan iyun ni Gabriella at sabik na hinila nito ang malaking pintuan at dali-dali itong pumasok sa loob at nilapitan ang stall ni Lace na nagtatalon din sa loob ng stall nito at kapwa nanabik ang magkaibigan sa muling pagkikita ng dalawa.
"Oh Lace, Lace I miss you too," ang sabi ni Gabriella habang hinihimas nito ang gintong buhok ni Lace nang ilabas nito ang kaibigan na kabayo sa labas ng stall at ang ulo ni Lace ay sumampay sa balikat ni Gabriella.
"Iginagala ka ba ni Alaric? Sabihin mo kung hindi at bubugbugin natin yan at pinabayaan ka," ang sabi ni Gabriella sa matagal na nitong alaga na kabayo. And Lace whined as an answer, pinaningkitan siya ng mga mata ni Gabriella, na tila ba may ginawa siyang mali. "Nagsusumbong siya sa akin Alaric, pinabayaan mo raw siya," ang sabi nito sa kanya at isang mahinang tawa na lang ang kanyang isinagot. Pinagmasdan niya ang kanyang kapatid kung paanong pinakain nito ng extrang barley si Lace bilang pagbati nito at sinuklay nito ang mahabang buhok at buntot nito. Hinayaan niyang magbonding muna ang dalawa habang nakasandal ang isang balikat niya sa haligi at ang kanyang mga binti ay magka-ekis at ang kanyang mga braso ay magka-ekis din sa kanyang dibdib.
At unti-unti ay nabura sa kanyang mga paningin ang mukha ng kapatid at napalitan iyun ni Cheyenne. It was Cheyenne whi was brushing the hair of Lace at sa tingin niya ay babagay si Cheyenne sa rancho. And he wanted her to be a permanent part of The Highlands ranch and be Kirkland. Dito sa rancho ay itatayo nila ang kanilang pamilya kasabay ng kanyang mga pangarap, at isa na doon ang malaking pamilya nila ni Cheyenne. At hindi na iyun malabo na mangyari, sigurado siya na may dinadala na si Cheyenne sa sinapupunan, at isang malapad na ngiti ang gumuhit sa kanyang labi.
BINABASA MO ANG
Alaric Kirkland - Kirkland Series (completed)
Roman d'amourFor mature readers only 18 and up. Please be guided! Second Book of Kirkland Series, featuring the story of Alaric Kirkland. Alaric only wanted to prove that he is worthy of her sister's trust that he could handle the management of their family's r...