Hindi inaasahan ni Alaric ang presensiya ni Presley sa kanilang rancho ng sandaling iyun. Ang kalimitan naman kasi na dahilan nito kung bakit ito dumadalaw sa kanilang rancho at si Gabriella na wala sa rancho ng panahon na iyun. Bumaba siya ng kanyang jeep pagkaparada niya nito sa tabi ng wooden fence kasama ng iba pang mga sasakyan at humakbang siya palapit kay Presley na naglakad na rin palapit sa kanya para salubungin siya. At nang magtagpo na sila ay humawak ito sa kanyang braso na litaw sa suot niyang muscle shirt kaya dama niya ang palad nito sa kanyang balat. Humawak ito sa kanya at tumikayad para idampi ang pisngi nito sa kanyang pisngi para batiin siya.
"Kamusta?" ang kanyang magiliw niyang batik ay Presley na hindi kumukupas ang ganda. Malapad siyang ngumiti habang nakaharap siya rito at naalala niya si Cheyenne na nasa jeep kaya naman lumingon siya para sulayapn ito at nakita niyang bumababa pa lang ito ng jeep.
"I'm good! How about you?" ang balik tanong nito sa kanya na may malapad na ngiti sa kulay rosas nitong mga labi.
"Mabuti, mabuti," ang kanyang sagot.
"Oh wow ha! may tattoo ka na?" ang gulat at patanong na sabi nito sa kanya nang makita nito ang kanyang tattoo at hinawakan pa nito ang kanyang braso para tingnan pa iyun ng mabuti. "Wow! Hindi ko alam na you're into tattoo akala ko si Rauke ang may potential na magpalagay ng tattoo."
Pinagmasdan ni Cheyenne kung paanong lumapit si Alaric para salubungin ang babaeng mukhang nanggaling sa Ford magazine ng pagiging expensive nito. She stayed inside the jeep for a while at mukhang importante nga ang babaeng iyun kay Alaric dahil sa mabilis itong bumaba ng jeep at iniwan siya nito. Pinanood niya kung paanong humawak ito sa braso ni Alaric para sumandig at inilapit nito ang pisngi sa pisngi ni Alaric para sa isang pagbeso ng pagbati at kung kanina ay nalusaw ang ngiti sa kanyang labi, nang sandali na iyun ay kumuyom na ang kanyang mga labi. Girlfriend niya ba ang babaeng ito? Ang tanong niya sa kanyang sarili, wait may girlfriend ba si Alaric? Kung meron man ano naman ang pakialam niya hindi ba? At doon ay inalis na niya ang kanyang mga mata sa dalawa at bumaba na siya ng sasakyan.
Pinakinggan at pinagmasdan niya kung paanong magiliw na binati ni Alaric ang babaeg excited nitong sinalubong habang nakatayo ito sa harapan nito at siya ay nanatiling nakatayo sa likuran ng jeep at pinagmamasdan niya ang dalawang nilalang na binayayaan ng ganda. At nang muli niyang napansin ang suot nitong damit ay mabilis niyang sinulayapan ang kanyang suot na damit. Yup she looks like she came from the front cover of a magazine ng mga trabahador, which was a no bother to her noon, pero ng sandaling iyun? Naalala niya tuloy si Graciel kung paanong laging nakaayos ito at babaeng-babae ang ayos, na sa palagay niya ay isa sa mga dahilan kung bakit nahulog si Axel sa ganda nito. Pati ba naman boses nito ubod ng ganda? Ang tanong niya sa sarili. At pinagmasdan niya ang malapad na ngiti ng maganda at kulay rosas nitong mga labi. At wala sa kanyang sarili na binasa niya ng kanyang dila ang kanyang labi na hindi man lang nakatikim ng lip balm ng ilang araw dahil sa wala siya sa opisina.
"Uh hindi naman permanente ang tattoo ko," ang narinig niyang sagot ni Alaric and she watched how the woman's pretty lips pouted because of disappointment. Ugh, ang sambit niya at hindi niya, at kumuyom na naman ang kanyang mga labi at nanulis iyun na mas matulis pa sa nguso ng magandang babae na sa tantiya niya ay mas matanda lang sa kanya ng ilang taon. She looks like at the same age as Rauke. She was so engrossed at staring at the woman's beautiful face na hindi niya napansin na binanggit na ni Alaric ang kanyang pangalan. Nakuha lang nito ang kanyang atensyon ng gumalaw ang babae para magpamewang ito.
"Cheyenne? Engineer Cheyenne?" ang mariin na pagbanggit ni Alaric sa kanyang pangalan at doon ay makailang beses na kumurap-kurap ang talukap ng kanyang mga mata at napaatras ang kanyang ulo nang mapagtanto niya na nakatuon sa kanya ang atensiyon ng dalawa.
BINABASA MO ANG
Alaric Kirkland - Kirkland Series (completed)
RomanceFor mature readers only 18 and up. Please be guided! Second Book of Kirkland Series, featuring the story of Alaric Kirkland. Alaric only wanted to prove that he is worthy of her sister's trust that he could handle the management of their family's r...