Chapter 35

1.3K 89 27
                                    

"Who did that to you?" ang tanong ni Cheyenne kay Alaric. They were already on her bed satiated from the hunger of their body at hindi na niya alam kung ilang ulit na nangusap ang kanilang katawan? Four, five, six? She wasn't sure but one thing is definitely sure na hindi pa natatapos ang lahat. Tila ba ang unang pagniniig nila ay pagpapakawala sa sexual side ni Alaric and he has a high sex drive. Even if he came already his manhood reamined stiff and hard and the sex continues hanggang sa tuluyan nang ang pagkalalaki nito ang sumuko na magtatagal lang ng ilang sandali bago muling magigising siya dahil sa mga haplos ni Alaric at muling manghihimasok ang pagkalalaki nito sa kanyang kalooban. She was not complaining though, his sex drive is high and he is a good lover.

Nakaunan siya sa braso ni Alaric habang ang kanyang dibdib ay nakadikit sa tagiliran nito at magkalingkis ang kanilang mga binti. Ang kamay naman ni Alaric ay hinahaplos ang ibabaw ng kanyang ulo habang nakaunan naman ang ulo nito sa isa nitong braso.

"Hmm? What do you mean who?" ang tanong ni Alaric sa kanya. She inhaled deeply at habang nakapikit ay inulit niya ang kanyang sinabi,

"Who did that to you? ang nagtanim ng pagdududa sa iyong puso? sa…iyong isipan?" ang tanong niya at naramdaman niya na bahgyang nanigas ang katawan ni Alaric na tila ba nagulat ito sa kanyang itinanong. She didn't mean to pry pero gusto niyang malaman ang taong nasa likod ng pagdududa ni Alaric sa sarili nito. "I'm sorry do you think na nanghihimasok na ako sa buhay mo?" ang tanong niya at dumilat ang kanyang inaantok na mga mata at tiningnan niya si Alaric.

Mabilis itong umiling at ang mga bisig nito ay umikot sa kanyang katawan at ikinulong siya ni Alaric sa init ng yakap nito. "No…hindi ka nanghihimasok, I think it is only right and time na sabihin ko sa iyo ang nakaraan ko at kung bakit ako ganito." Ang narinig niyang sambit ni Alaric. Sandali itong nanahimik at nang inilapat niya ang kanyang palad sa dibdib nito ay nadama niya ang mabilis na pagtibok ng puso nito, mukhang kinakabahan ito sa sasabihin nito sa kanya.

Nanatili munang tahimik si Alaric, alam niya na iyun na ang panahon na buksan niya ang kanyang sarili kay Cheyenne. Hindi lamang katawan ang kanilang pagsasaluhan ngunit ganun na rin ang laman ng kanilang puso at isipan.

"Ang mga nanay natin ang unang nagpapaulan sa atin ng pagmamahal at papuri sa sandaling iniluwal nila tayo dito sa mundo," ang kanyang paniwala. Iyun naman ang kanyang natutunan sa school at iyun naman ang kanyang nakita sa mga nanay ng mga kasabayan niyang lumaki sa rancho at nitong huli ay nasaksihan niya ito kay Gabriella.

Isang buntong-hininga ang pinakawalan niya at naramdaman niyang gumalaw ang ulo ni Cheyenne para tingnan siya nito sa mga mata at sinalubong niya ang mga mata nito at isang malungkot na ngiti ang kanyang iginawad kay Cheyenne.

"Pero sa pagkakataon sa aking buhay? Hindi ko iyun naramdaman," ang malungkot na sabi ni Alaric at isang malungkot na ngiti ang gumuhit sa mga labi niya. Naramdaman niyang muling gumalaw si Cheyenne at sa pagkakataon na iyun ay bumangon ito at naupo sa kanyang tabi at yumuko ito para tingnan siya sa kanyang mga mata at napansin niya ang pangingintab ng mga mata nito. Bumangon din siya at naupo siya sa tabi ni Cheyenne na ang mga kamay ay lumapat sa kanyang balikat at likod at ang baba nito ay nakapatong din sa kanyang balikat kung nasaan naroon ang isa nitong kamay.

"Hindi siya ang halos na nagpalaki sa akin, sa aking pagkakatanda ay si ate Josephine ang lagi kong nakakasama at nakikita at ang tumayong aking ina, habang ang aking mommy, ay nakaismid akong tinitingnan at iyun ay kung tatapunan niya ako ng tingin." Ang malungkot at puno ng hinanakit niyang sabi kay Cheyenne na hindi lamang tenga kundi puso rin nito ang nakikinig sa kanya. "Hanggang sa aking paglaki ay ganun ang trato sa akin ng aking mommy, kung may sasabihin man ito sa akin ay para pintasan ang aking kilos, gawa, o sa lahat ng pagkakataon ay hitsura, hindi ko inakala na mayroong ina na makukuhang pagtawanan at laiitin ang anak nito sa harapan ng maraming tao at madalas niya itong ginagawa sa tuwing may…pagdiriwang dito sa bahay na, halos linggo-linggo na may nagaganap."

Alaric Kirkland - Kirkland Series (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon