Chapter 34

1.3K 99 40
                                    

Nagpaalam na si Cheyenne kina Alaric at Rauke habang nasa dinig area pa ang mga ito at sa unang pagkakataon ay di siya nag-alok na tutulong na magligpit. Magiliw siyang nagpaalam kay Rauke.

"Goodnight Rauke saan ang gala mo ngayon?" ang tanong niya bago siya tuluyan na umalis ng dining area. Isang malapad na ngiti ang gumuhit sa pisngi ni Rauke sabay kindat nito sa kanya.

"Hoy anong kinikindat-kindat mo kay Cheyenne?"! ang biglang sabat ni Alaric at sabay na natuon ang mga mata nila ni Rauke kay Alaric na nakaupo pa rin sa silya nito.

"Ito ai Alaric masyadong madumi ang isip, hindi ko maintindihan kung inosente ba talaga ang utak mo o hindi, kumindat lang makatanong ka naman agad?" ang maktol ni Rauke sa kapatid na namula ang mga pisngi ng sandali na iyun. Lalo pa alam nilang Alaric na hindi na nga inosente ang isipan nito.

"Parang may binabalak ka kasi," ang mariin na sagot ni Alaric sa kapatid sa kabila ng pamumula ng mga pisngi nito. Hindi napigilan ni Cheyenne na hindi ngumiti, dati kasi ang akala niya lang ay pinoprotektahan siya nito iyun pala ay may gusto rin ito sa kanya.

"Sinabi na nga hindi ako nananalo ng kaibigan ang kulit," ang kunot noo na sagot ni Rauke, "si Canaan pa pwede."

"Sinasabi ko na nga ba eh wala talaga akong tiwala sa McLaury na yune eh," ang sagot ni Alaric.

"Tigilan niyo na nga iyan, akyat na ako, goodnight," ang sabi niya kay Rauke at isang matamis na ngiti at 'goodnight' din ang isinagot sa kanya ni Rauke habang nagtama naman ang kanilang mga mata ni Alaric at at saka siya tumalikod na rito at naglakad patungo sa itaas sa kanyang tinutuluyan na silid.

Ipininid niya ang pinto ngunit tulad ng kanyang sinabi kay Alaric sa site hindi niya nilock ang pinto. Agad siyang nagtungo sa loob ng banyo kahit pa naglinis na siya ng katawan bago magdinner ay hindi naman niya nalinisan ang kanyang buhok kaya naman nagshower siya ng mabilis habang nasa kanyang isipan ang pwedeng mangyari sa kanila ni Alaric sa gabing iyun. Kagabi ay simula pa lamang ng lahat at ang kanyang pag-imbita rito ay nangangahulugan lamang na nakahanda na siyang dugtungan ang kanilang nasimulan...at nakahanda na siya para roon. She was saving herself for Axel before dahil sa gusto rin nila na maikasal na muna bago ang kanilang unang pagsasalo ng katawan sa kanilang honymoon. Not realisng na may iba na rin pala itong putahe na tinikman at kinahumalingan at kaya naman nakuha siyang ipipagpalit nito. Kaya naman ano pa ba ang kailangan niyang pag-isipan. Mahal na niya si Alaric at sa pagkakataon na iyun ay handa na siyang gumawa ng hakbang na kaiba sa lahat at iyun ay ang ibigay niya ang kanyang sarli kay Alarci without even hearing him say that he loves her. Iba ang gusto sa mahal at kahit pa sinabi na ni Alaric na gusto siya nito iba pa rin ang sabihin nito na mahal siya nito at kahit naman siya ay hindi pa umaamin ng kanyang pagmamahal kay Alaric at hindi niya alam kung dapat ba niyang sabihin na rito ang kanyang tunay na nararamdaman. Baka kasi magbgao ang lahat at ayaw niyang masayang ang nasimulan nilang dalawa at para sa kanya ay iyun na muna ang importante, balewala ag mga salita at baka matulad lang sila noon kung paanong pinaulanan siya ng mga salita ng pagmamahal ni Axel na dulot sa kanya ay pag-ulan ng luha.

They will take their tme, habang masaya sila sa isa't isa iyun ang importante sa sandali na iyun kahit pa siya lang ang nagmamahal sa kanilang dalawa. Iba ang nararamdaman niya kay Alaric, kaiba noon kay Axel at sa palagay niya ay mas labis na niyang minahal ang lalaking may matinding pagdududa sa sarili nito at iyun ang gusto niyang matulungan na maialis kay Alaric marahil iyun ang isa sa dahilan kung bakit nahulog ang loob niya rito at kung bakit niya ito minahal dahil sa katulad niya ay nangangailangan din ito ng tulong. Kailangan nila ang isa't isa at iyun ang nagbalanse sa kanilang dalawa.

Pinatay niya ang shower at kinuha niya ang towel na nakasabit sa sill at nang humakbang siya palabas ng shower ay nagulat siya sa nakatayo sa kanyang harapan na naghihintay sa kanya.

Alaric Kirkland - Kirkland Series (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon