Chapter 48

1.6K 105 79
                                    

"Naguguluhan siya Cheyenne, he was torn between his duty sa rancho and something or someone else, and if I am not mistaken, ikaw yun," ang sabi ni Presley sa kanya. Nakaupo ito sa gilid ng kama habang siya ay nakaupo rin sa tabi nito.  Sumulyap siya sa bintana na natatakpan ng mahabang kulay puti na kurtina. Hindi nya alam na nagtungo roon si Alaric, nakatulugan na kasi niya ang kanyang pagluha kaya naman kinaumagahan ay agad siyang pinuntahan ni Presley para ibalita sa kanya ang naging usapan nila ni Alaric.

Nakaramdam siya ng kirot sa kanyang dibdib, ayaw niyang malaman na nahihirapan si Alaric. Si Alaric na tanging hinangad ay ang ikabubuti ng rancho at ng mga taong nagtatrabaho roon. His love for his men and the family of ranchers were genuine kaya naman ginagawa nito ang lahat para lamang mapaunlad ang rancho.

"He was trying to tell me something, peo hindi niya masabi nang tuluyan, I guess it was all about you, marahil iniisip ka niya at ang tago ninyong relasyon, he was in pain and I guess confuse," ang dugtong pa ni Presley.

Napabuntong-hininga siya, "mahirap na sa akin ang magtiwala Presley, tulad ng sinabi ko sa iyo, I was showered with so much love then and promises na ako lang, pero...ipinagpalit ako ni Axel sa babaeng na kayang ibigay dito ang hindi ko kayang maibigay." Ang matapat niyang sagot, nasasaktan man siya sa kanyang mga narinig ngunit, kailangan niyang isipin ang kanyang sarili na nasaktan na ng lubusan. Ayaw na niyang maulit pa iyung muli ang ipagpalit nang dahil sa hindi niya maibigay ang pangangailangan ng lalaking minamahal. She has to protect herself this time and her baby.

At sa sandaling iyun, siya na ang magpapaubaya na muli dahil a mahal na mahal niya si Alaric. Siya na ang magbibigay daan lalo pa at nahihirapan na ito sa dalawang duty nito sa buhay. Siya ang magbibigay daan para makamit ni Alaric ang pangarap nito. Ang ikauunlad ni Alaric ay kanyang kasiyahan at ikasisiya at ipagbubunyi niya ang pag-unlad nito kahit nasa malayo siya.

Gusto niyang makita o malaman na mula sa pagiging lalaking walang tiwala sa sarili ay matupad nito ang mga pangarap sa rancho at kahit pa sa tulong ng iba.

"Mahal ko siya Presley, mahal na mahal, at dahil doon ay ayoko na mahirapan siya, hindi niya kailangan pa na mahati sa dalawa dahil ako na ang magpapaubaya," ang kanyang sagot kay Presley at habang nakapako ang kanilang mga mata ay isang malungkot na ngiti ang ibinigay niya rito.

"Cheyenne," ang sambit ni Presley at hinawakan ng kamay nito ang kanyang mga kamay na marahan nitong pinisil.

Ngumiti siyang muli nang pilit at malungkot, "Hindi ko kayang ibigay ang kaalaman sa negosyong gugustuhin niya, isa lang akong engineer na ang alam ay magtayo ng mga istruktura at ng pangarap, pero wala akong alam sa pangangasiwa nito, ayokong hilahin si Alaric pababa, ang gusto ko ay umangat siya at nanaisin ko iyun para sa kanya at idadalangin, kahit pa hindi ako ang makapagbibigay niyun sa kanya at sa ibang babae niya iyun mahahanap. I want him to succeed at ngayon pa lang ay makikita na, na si Dakota ang may kakayahan, ngayon pa lamang ay natutulungan na siya nito sa mga dapat nitong gawin, matagal nang pinangarap ito ni Alaric para sa rancho at tama si Gabriella, Dakota will be of great help para kay Alaric, they will compliment each other, kaya...para sa pangarap niya ay magpapaubaya na ako."  Ang kanyang sabi at pilit niyang ngumiti kay Presley. Hinayaan niya na ang ikasisiya ni Alaric ang maghari sa kanyang puso para mabawasan kahit papaano ang nadarama niyang lungkot.

"Pero paano ka Cheyenne? masasaktan ka?" ang malumanay at may pag-aalala na tanong sa kanya ni Presley. Isang pilit muli na ngiti ang kanyang isinagot at saka tumango ang kanyang ulo.

"Oo malulungkot ako at hindi ko itatanggi na masasaktan pero, may...may ala-ala niya na dadalhin ko habang ako ay nabubuhay, " ang kanyang sagot at nangusap ang kanilang mga mata. Napansin pa niyang kumunot ang noo nito bago unti-unting namilog ang mga mata nito sa kanya.

Alaric Kirkland - Kirkland Series (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon