Iminulat ni Cheyenne ang talukap ng kanyang mga mata at isang buntong-hininga ang kanyang pinakawalan. Pumihit ang kanyang katawan para tumagilid mula sa kanyang pagkakahiga at muli niyang pinagmasdan ang liwanang na lumulusot mula sa siwang na likha ng kulay puti niyang kurtina na nakatabing sa bintana. Muli siyang nagpakawala ng buntong-hininga at kinapa niya ang kanyang tabi at nang mahawakan niya ang makinis na kulay itim na tela ay isang ngiti ang gumuhit sa kanyang pisngi. Inilapit niya iyun sa kanyang ilong at sininghot ang natitirang amoy ng cologne nito. Hindi niya alam kung bakit niya iyun ginagawa pero, ang amuyin ang jacket na pinahiram sa kanya ni Alaric sa tuwing gigising siya sa umaga at bago naman siya matulog. There was something comforting sa amoy ng pabango nito that relaxes her and puts her to sleep nang hindi sumasagi sa isipan niya si Axel.
Bumangon siya para maupo at isang inis na buntong-hininga ang pinakawalan niya nang maisip na naman niya ang pangalan ni Axel. It has been weeks since she tried to stop the wedding at alam niya na naroon pa rin ang kirot sa kanyang dibdib. She needed this job sa rancho ng mga Kirkland, dahil sa nang makalayo siya at makasama sina Alaric at kapatid nito at ganun na rin ang kaibigan nila ay gumaan kahit papaano ang kanyang nararamdaman.
Muli nyang kinuha ang leather na jacket, at isang ngiti na muli ang gumuhit sa labi niya habang tinitingnan iyun, hindi niya sinasadya na maiuwi ang jacket hanggang sa Manila, o sinadya niyang iuwi ito sa Manila pero hindi niya sinasadya na hindi iyun ibalik kay Alaric.
Nasa loob na siya nang kanyang hotel room nang maalala niya na suot pa rin niya ang jacket ni Alaric. Napakagat siya sa ibabang labi niya at napangiwi siya nang maalala niyang suot pa rin niya ang jacket nito. Mabilis siyang lumabas ng kanyang silid at dali-dali siyang bumaba para lumabas sa parking pero wala na si Alaric. Kaya naman umakyat na lang siya muli at kinuha niya ang kanyang telepono para tawagan si Alaric at naalala niya ang kanilang conversation.
"Hi Alaric," ang kanyang bati at narinig niya ang malakas na hampas na hangin sa background nito at alam niya na nasa biyahe na ito.
"Cheyenne, bakit may problema ba?" ang narinig niyang sinabi nito at halata na nag-aalala ito. Isang ngiti ang gumuhit noon sa kanyang labi bago siya sumagot.
"Uhm nakakahiya Alaric, kasi hindi ko naibalik ang jacket mo," ang sagot niya rito.
"Uh yun ba, huwag mong alalahanin iyun, keep it, kung makakatulong sa iyo na mainitan ang katawan mo, I mean sa lamig ng panahon!" ang sagot nito sa kanya at napangiti siya ng malapad.
''I will keep it, thank you," ang nakangiti niyang sambit at doon na naputol ang kanilang usapan.
And keep it she did at hindi lang niya itinabi kundi literal niyang itinabi ang jacket sa kanyang tabi sa kama. She didn't know why pero ang jacket na iyun ay tila ba si Alaric sa kanyang tabi. Na nagbibigay ng kapayapaan sa kanya.
"Ugh," ang sambit niya, hindi siya makapaniwala na pinagpapantasyahan niya ang jacket ni Alaric. Katatapos lang niya sa isang break up. Masakit na break-up kaya naman wala sa bokabularyo niya ang isang relasyon lalo na sa kanyang magiging boss maybe namis-interpret lang niya ang sense of familiarity na naramdaman niya para kay Alaric at alam niya na hindi iyun pag-ibig. Hindi niya pwedeng ikaila na hindi ka-attract-attract si Alaric, napakagwapo nito may pagka-rugged na good boy ang looks nito at nang maalala niya kung paano siya nito inasikaso at prinotektahan sa kakulitan ng kapatid at kaibigan nito ay alam mong kapag si Alaric ang kasama mo ay safe ka. Maybe that's why she's getting into him, not in a roamntic way but sort of like an older brother or friend.
At iyun lang iyun, wala nang iba pa, no feelings involve dahil alam niya na hindi pa handa ang kanyang puso na magmahal na muli. Magaan lang talaga ng pakiramdam niya kay Alaric dahil siguro sa mabuti itong tao.
BINABASA MO ANG
Alaric Kirkland - Kirkland Series (completed)
RomansaFor mature readers only 18 and up. Please be guided! Second Book of Kirkland Series, featuring the story of Alaric Kirkland. Alaric only wanted to prove that he is worthy of her sister's trust that he could handle the management of their family's r...