Chapter 14

1.1K 76 23
                                    

There something special that night, ramdam iyun ni Alaric. Marahil ay dahil na rin sa nangyari sa Manila kaya naman he could sensed the familiarity brtween him and Cheyenne. Nagtama ang kanilang mga mata alam niya na sa kabila ng ipinapakita nitong saya ay may lungkot sa likod nito at dahil iyun sa lalaking nagpakasal sa ibang babae.

Alam niya iyun, dahil na rin kay Gabriella, ilang taon bang nagpanggap ang kanyang kapatid na masaya ito? Nang dahil sa kabiguan sa pag-ibig ay nakita niya kung paanong parang payaso na nagsuot ito ng maskara nang kasiyahan sa tuwing kasama sila kahit pa alam niya na sa likod ng mga ngiti nito ay ang sakit at pighati na nadarama nito. Kaya batid niya na ang mga ngiti ni Cheyenne sa sandaling iyun ay huwad o maaring tunay ngunit pilit lang nitong pinapasaya ang sarili, nilulunod din ang sarili sa trabaho kagaya noon ng kapatid na si Gabriella.

He was about to say something, hindi niya alam kung ano pero gusto niyang may masabi ng sandali na iyun na kahit papaano ay magpapaalis ng lungkot ni Cheyenne pero ibubuka pa lang niya ang kanyang mga labi ay may malakas na boses nang namayani sa pagitan nila at kumuha sa kanilang atensiyon.

"Cheyenne!" ang malakas na hiyaw ni Rauke at siyempre kapag nariyan si Rauke, nariyan ang dalawang kaibigan nito. Sina Lucas at Carlos na naglalakad kasunod ng kapatid na abot hanggang Villacenso ang ngiti ng mga ito.

"Oh no," ang tanging sambit niya at sumulyap siya kay Cheyenne na tiningnan siya na may ngiti sa mga labi nito na tila ba gusto nito sabihin na huwag siyang mag-alala. Alam na niyang walang arte sa katawan si Cheyenne, pero hindi niya alam kung gaano kalakas ang sikmura ni Cheyenne na itolerate ang kalokohan ng tatlong parang mga pusa na nakakita ng isda na lumalapit sa kanila. He was about to warn Cheyenne pero hindi na niya nagawa dahil sa nakalapit na ang kanyang kapatid at naupo sa pagitan nila.

"Hi Cheyenne," ang magiliw na sabi nito nang maupo ito sa pagitan nila habang ang dalawa pa ay tumayo sa harapan ni Cheyenne. Kumuyom ang kanyang mga labi at nagtimpi siya ng kanyang inis sa kanyang kapatid at para hindi na siya makapagsalita pa ay sumubo na lang siya ng isa pang itlog na nababad na ng husto sa suka.

"Hindi namin akalain na nandito kayo sa fair, aakyatin ka na sana namin sa hotel room mo," ang sabi ni Rauke. At nang narinig iyun ni Alaric ay kahit na hindi pa niya masyadong nangunguya ang pagkain na nasa bibig ay agad niyang nilunok iyun para magsalita.

"Rauke!" ang mariin niyang sabi sa pangalan ng kapatid niya at kinunutan niya ito ng noo. At dahil sa alam na ni Rauke ang gusto niyang sabihin ay malakas na tawa ang pinakawalan nito.

"Ha ha ha, aakyatin gamit ang hagdan Alaric, at aalukin na mamasyal ngayong gabi, sus, kung anu-anong iniisip mo," ang sagot ng kapatid. Napasulyap siya kay Cheyenne na nakataas ang dalawang kilay nito na may napipintong ngiti sa mga labi.

"Bakit ano ba iyung iniisip ni Alaric?" ang tanong ni Cheyenne sa kapatid.

"Wala iyun Cheyenne hindi mo na dapat pa iyung malaman," ang mabilis na sabat niya at naramdaman na naman niya ang pag-iinit ng kanyang mga pisngi.

"Oh oo nga Cheyenne, huwag mo nang isipin iyun, green minded lang iyang si Alaric," ang sabat ni Lucas, "oh by the way I am Lucas Malvar, a humble rancher but a loyal lover." Ang pagpapakilala ni Lucas at inilahad nito ang kamay kay Cheyenne na malugod naman nitong kinuha para kamayan ito.

"Ugh," ang sambit ni Alaric, nagsisimula na ang mga palipad hangin ng tatlo.

"And I am Carlos San Miguel," ang sabat naman ni Carlos at itinulak pa nito si Lucas at kinuha ang kamay ni Cheyenne mula sa kamay ni Lucas, "I'll be your friend, your servant, everything you wanted me to be, I'll be your rancher in shining armour." Ang pick-up line nito at napapikit na lang ng mahigpit ang talukap ng kanyang mga mata. At siyempre papatalo ba naman ang kanyang kapatid.

Alaric Kirkland - Kirkland Series (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon