Chapter 32

1.2K 95 121
                                    

Inayos ni Cheyenne ang kanyang mga gamit na ibinalik niya sa loob ng kanyang luggage, napabuntong-hininga siya nang mailatag na niya ang pinakahuling damit niya sa loob ng luggage at saka niya isinara ang zipper nito at itinabi na niya sa may gilid ng pinto. Gustuhin man niya na matulog na sa barracks kasama ng crew pero kinailangan niyang bigyan ng pagkakataon ang mga ito na makapaglipat ng gamit ang mga ito. Nahihiya man siya sa mga ito dahil sa ibibigay ng mga ito sa kanya ang isang container van para solo niyang gamitin ay wala naman siyang magawa. Alam niya na ang ibig sabihin niyun ay magiging crowded ang ilan sa mga container van dahil sa lilipat ang mga umookupa ng van na ibibigay para sa kanya, pero, kailangan kasi niyang makaalis sa bahay na ito.

It will be awkward kung magkakasama pa sila ni Alaric sa bahay ng mga ito lalo pa at ipinagtulakan siya nito. Baka masakit na siya sa mga mata ni Alaric? Ang malungkot na sabi niya sa kanyang sarili. Isang buntong-hininga na naman ang kanyang pinakawalan at saka siya naupo sa gilid ng kama at umikot ang kanyang mga mata sa kabuuan ng silid na sigurado siyang mamimiss niya. Nahiga na siya sa kama at humarap siya sa direksiyon ng nakabukas na mga pinto ng balkon. She was about to close her eyes nang may napansin siyang kamay na humawak sa metal railing ng Juliet balcony.

Mabilis na kumurap-kurap ang kanyang mga mata nang makita niya ang isang kamay ay naging dalawa na at nakita niya ang isang lalaki na sumasampa ng balkon. Agad siyang napaupo sa kama, she could not discern ang hitsura ng umaakyat sa balkon dahil sa hindi nakabukas ang ilaw at hindi niya maaninag ang imahe nito. Ito na ba ang sinasabi ni Presley na aswang na umaakyat ng mga bintana? Ang kinakabahan na tanong ni Cheyenne sa kanyang sarili. Pinatay niya ang lampshade para hindi siya makita nito sa loob at saka siya tumayo at dumampot siya ng isang kandelabra na nakapatong sa side table at saka siya tumayo sa sulok para hintayin ang umakyat ng kanyang kwarto. Napalunok siya sa labis na kaba at nang makita niya na pumasok na ito sa loob ng silid ay hahampasin na sana niya ito nang maaninag niya ang pamilyar na tindig nito at nang magsalita na ito ay natigilan siya.

 "Cheyenne?" ang bulong nito na tila ba hinahanap siya nito.

"Anong ginagawa mo rito?" ang tanong niya na may labis na pagtataka mula sa sulok ng silid at nang marinig nito ang kanyang boses ay lumingon ito sa kanyang direksiyon.

"Cheyenne!" ang mahina ngunit masiglang sambit nito sa kanyang pangalan nang maaninag siya nito. Dali-dali siyang naglakad palapit sa side table at binuhay niya ang ilaw ng lampshade hindi siya makapaniwala na si Alaric ang nasa loob ng kanyang silid. At nang magliwanag na ay napansin niya na wala itong suot na sapin sa paa.

"Anong ginagawa mo rito?"! ang pabulong na sigaw niyang tanong. Ayaw niyang marinig ng sinumang nasa bahay na naroon si Alaric sa loob ng silid niya. "Alam bo bang muntik ko nang ihampas sa iyo ito?" ang inis niyang sabi sabay angat niya sa candelabra na hawak ng kanyang kanan na kamay at saka niya inilapag iyun sa lamesa.

Isang ngiti ang isinagot sa kanya ni Alaric at nagsimula na itong humakbang sa kanya palapit. "Siguro nga dapat ay inihampas mo na lang iyan sa akin para makaganti ka man lang sa mga sinabi ko sa iyo," ang sagot nito sa kanya.

Umiwas siya ng tingin kay Alaric, "anong kailangan mo? at bakit sa balkon ka pa dumaan?" ang kanyang tanong.

"Gusto kasi kitang kausapin saka alam kong iniiwasan mo ako," ang mahinang tanong nito sa kanya. Umangat ang kanyang mga tingin at nagsalubong ang mga mata nila ni Alaric. Ang lamlam ng liwanang ng lampshade ay nagbigay ng magandang silhoutte sa guwapo nitong mukha.  "Iniiwasan mo ako hindi ba?"

Tumango-tango siya bilang sagot, "kaya nga inakyat ko na lang ang balkon ng iyong silid."

"Hindi mo na dapat ginawa pa," ang kanyang mahinang sagot. Umili si Alaric at doon ay humakbang na ito ng tuluyan palapit hanggang sa tuluyan na itong nakatayo sa kanyang harapan. Tumingala ang kanyang mukha para tingnan ng diretso sa mga mata si Alaric.

Alaric Kirkland - Kirkland Series (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon