"Ready?" ang tanong ni Cheyenne kay Alaric pagbukas niya ng pinto ng silid nito. Naabutan niya si Alaric na nakatayo sa harapan ng malaki nitong salamin. Tumingin ito sa kanya at isang isang ngiwi ang isinagot nito sa kanya. Isang mahinang tawa ang kanyang pinakawalan kasabay ng pag-iling ng kanyang ulo saka siya humakbang papasok sa loob ng silid ni Alaric na kanila nang naging kwarto sa loob ng malaking bahay. It has been three months mula nang mangyari ang pagtatapat ng kanilang mga damdamin kasunod ng kanilang relasyon na parang apoy na kumalat sa loob ng rancho gawa na rin sa pagbabalita nina Rauke, Lucas, at Carlos. Na ilang buwan na naging tampulan ng tukso ang tatlo dahil sa nalamangan daw ng mga ito ng tatahi-tahimik na si Alaric.
Humakbang siya palapit sa kanyang asawa, at tumayo siya sa likuran nito saka niya ipinulupot ang kanyang mga braso sa bewang ni Alaric at hinagkan niya ang likod nito. At saka niya inilitaw ang kanyang ulo sa gilid ng kanan nitong braso at angtama ang kanilang mga mata sa salamin. Hindi siya makapaniwala na sa loob lamang ng isang taon mula nang masaktan siya sa unang pag-ibig bumangon at muntik na namang masaktan, ay ikinasal na siya sa lalaking nagbalik ng paniniwala niya sa pag-ibig. Na ang pag-ibig ay mapagpaubaya at mapagtiis para sa kaligayahan ng taong minamahal.
"Ang pogi ng asawa ko," ang malambing niyang sabi mula sa likuran nito. At hindi pa rin nagbabago katulad ng dati ay namumula pa rin ang mga pisngi nito.
"Asawa mo ako eh," ang sagot ni Alaric sa kanya at inakbayan siya nito at hinila para lumipat siya sa harapan nito at ito naman ang yumakap sa mula sa kanyang likuran. Ang bisig nito ay pumulupot sa ilalim ng kanyang dibdib.
"Pogi ka naman talaga ah, noong una nga kitang nakita, yung nagbubuhat ka ng dayami, nanuyo kaya lalamunan ko nun," ang paglalambing niya kay Alaric.
"Huwag ka nga," ang nahihiyang sabi nito sa kanya at isang malakas na tawa ang kanyang isinagot dito.
"This is your big day," ang kanyang sabi rito. At mula sa salamin ay sandali niyang nakita ang kaba at agam-agam sa mukha nito na mabilis naman nitong naitago sa kanya ngunit kanya nang nakita iyun. Alam niya na hindi pa rin tuluyan na napapawi ang mga agam-agam sa isipan ng asawa.
Pumihit ang kanyang katawan at humarap siya rito at kanyang ipinulupot ang mga braso sa batok nito at tumikayad siya para hagkan ng mabilis ang mga labi nito.
"Magkasalubong na naman ang mga kilay mo, nag-aalala ka na naman," ang kanyang bulong at narinig niya ang buntong-hininga ni Alaric.
"This is it Cheyenne, magsisimula na ako," ang sabi nito sa kanya. Sa kabila ng pagtanggi ni Alaric na maging consultant si Dakota ay hindi inalis ni Gabriella kay Alaric ang karapatan nito na pamunuan ang Highlands. Mabilis ito na humingi ng paumanhin kay Alaric na malama nito na nahihirapan ito sa ipinapagawa o iminumungkahi nito, at ibinigay nito ang total management kay Alaric at siya bilang katuwang nito. Naalala pa niya kung gaano ito tuwang-tuwa na malaman na siya ang babaeng inililihim ni Alaric sa kanila.
Si Dakota naman ay dali-dali na ring umalis nung araw din na nagkausap sila ni Alaric, tinanggihan na nito ang serbisyo nito para sa rancho. Nabalitaan din nila nang tumawag si Gabriella kay Alaric kung paanong itinakwil na nito ang pagkakaibigan kay Dakota nang nalaman ni Gab ang ginawa nitong pagsisinungaling kay Alaric.
"Yes magsisimula ka na, ikaw si Alaric Kirkland ang tagapamahala ng Highlands, ay bubuksan na nang tuluyan ang kauna-unahan mong proyekto sa Highlands at simula ng katuparan mo sa mga taong umaasa sa rancho, don't think kung magiging sauccessful ito agad-agad Alaric, nagsisimula pa lang tayo, and we know that we might face obstacles along the way na pinagdadaanan din ng kahit anong kumapanya maliit man o malaki, ang pakatatandaan mo na importante ay ibinuhos mo ang lahat para rito, at hindi tayo susuko na dalawa, narito ako para tulungan ka tulad ng ipinangako ko sa iyo sa harap ng altar, sa hirap man o sa ginhawa magkatuwang tayo," ang kanyang pangako rito.
BINABASA MO ANG
Alaric Kirkland - Kirkland Series (completed)
RomanceFor mature readers only 18 and up. Please be guided! Second Book of Kirkland Series, featuring the story of Alaric Kirkland. Alaric only wanted to prove that he is worthy of her sister's trust that he could handle the management of their family's r...