Chapter 38

1.1K 92 49
                                    

Nang magtama ang kanilang mga mata ni Cheyenne paghakbang niya papasok sa loob ng silid na dating tinutuluyan nito ay nakita niya ang lungkot sa mga mata nito. May kumirot sa kanyang puso na noon lamang niya naramdaman, sakit iyun nang makita niya ang sakit sa mga mata ni Cheyenne na nito lamang ay punong-puno ng saya habang magkasama silang dalawa. Ang huling pagkakataon na nakita niya ang mata nito na may sakit ay noong una niya itong nakita para pahintuin ang kasal ng nobyo nitong nagawa itong lokohin.

At kung bakit sa pagkakataon na iyun ay pakiramdam niya na ganun din ang kanyang ginawa kay Cheyenne. Hawak nito ang backpack habang nakayuko itong naglakad papalapit sa pintuan kaya naman hinintay niya si Cheyenne na dumaan ito bago siya nagsalita.

"Cheyenne mag-usap tayo," ang mahina ngunit puno ng pagsusumamo niyang pakiusap kay Cheyenne. Alam niya kung anong iniisip ni Cheyenne, alam niya na iniisip nito na may ibang babae na mamamagitan sa kanilang dalawa katulad ng nakaraan nitong relasyon at hindi niya masisisi si Cheyenne kung isipin man iyun ni Cheyenne dahil sa mga narinig nito kanina ay ganun nga ang lumalabas na eksena.

Nanatili lang na tahimik si Cheyenne habang nakatayo ito isang hakbang lamang ang layo sa kanyang tabi habang nakaharap sila sa magkabilang direksiyon. Naghintay siya ng isasagot nito, ngunit dumating na si ate Josephine na sinabihan ni Gab para linisin ang silid na naging saksi ng gabing kaganapan ng kanilang pagiging isang lalaki at babae. At iyun ang saksi ng pagmamahalan nila ni Cheyenne. Na sa pagkakataon na iyun ay ookupahan ng babaeng naging maliit na parte ng kanyang batang puso.

Narinig niya ang pag-uusap nina Cheyenne at ate Josephine at ang tuluyan na paghakbang ni Cheyenne ay parang suntok sa kanyang sikmura. At napapikit ng mahigpit ang talukap ng kanyang mga mata nag-uumpisa pa lamang sila ni Cheyenne mukhang sinusubok na silang dalawa. Pero hindi niya susukuan si Cheyenne, iintindihin niya ang nadadama nito dahil sa nakaraan nito. He will be patient at aasa siya na mabibigyan din siya ng pagkakataon na maipapaliwanag niya kay Cheyenne na wala ng iba pa sa kanyang puso.

"Wow! Ang ganda pala ng silid na ito," ang narinig niyang sabi ni Dakota mula sa kanyang likuran. At nang marinig niya ang boses nito ay nanumbalik ang kanyang isipan at humakbang pa siya papasok sa loob habang hila niya ang luggage nito na kanyang inilagay sa tabi ng buil-in cabinet at saka siya tumayo sa tabi nito at napansin niya sa kanyang harapan ang kama at doon ay nakita niya ang kanyang sarili at si Cheyenne at kung paanong pinagsaluhan nila ang magdamag.

"Uh oo, kasunod na malaki ito sa masters at isa rin ito sa dalawang may Juliet balcony," ang sagot ni gabriella na nakasunod kay Dakota na pumasok sa loob. Natuon ang kanyang mga mata sa nakabukas na pinto ng balkon, at sumagi na muli sa isipan niya ang gabing inakyat niya ang balkon mula sa labas at sa unang pagkakataon ay nadama ang sarap ng labi ni Cheyenne.

"Alaric?" ang narinig niyang patanong na sambit ni Gab sa kanyang pangalan at nang tingnan niya ito ay parehong nakataas ang dalawang kilay nito sa kanya. Mukhang may sinasabi ito na hindi niya narinig dahil sa, sa iba nakatuon ang kanyang isipan.

"Ano iyun?" ang tanong niya, "pasensiya na may iniisip lang ako." Ang paghingi niya ng paumanhin sa kapatid na ngumiti sa kanya ng malapad.

"Ang sabi si Dakota salamat daw sa pagdala mo ng luggage niya, kailangan ko bang maging tulay sa inyong dalawa? Siguro magandang magkaroon kayo ng pagkakataon na makapag-usap na kayong dalawa lang ano?" ang sabi ni Gabriella sa kanya at muli ay hindi niya gusto ang sinabi ng kapatid dahil sa pwedeng maging sanhi nito sa kanila ni Cheyenne na nagsisimula pa lang ay nagkaroon na agad ng lamat.

"Uh Gab," ang tanging sambit niya at isang nag-aalangan na ngiti ang kanyang isinagot.

"That would be lovely," ang narinig niyang sambit ni Dakota. Tiningnan niya si Dakota at isang ngiti na matipid ngunit matamis ang iginawad nito sa kanya at isang tikom naman na ngiti ang kanyang sagot dito.

Alaric Kirkland - Kirkland Series (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon