Chapter 8

1.2K 80 27
                                    

Ang kulay asul na kalangitan ay biglang nagdilim at ang malawak na kaparangan ay tila ba sumikip at sinasakal siya ng maliit na espasyo nang malaman niyang ang engineer na kanyang hinihintay ay ang babaeng tinulungan niya na makarating sa simbahan para pigilan ang kasal.

"I-ikaw?" ang kanyang naisagot at nakita niyang kumunot ang noo nito pero hindi nawala ang ngiti nito sa labi habang ang kanyang kapatid na nanatiling nakatayo sa tabi nito ay napaatras ang ulo at kumunot din ang noo nito nang marinig ang kanyang sinabi.

Bakit ba siya kinakabahan? Wala namang masama kung ang babaeng iniwan niyang malungkot sa ilalim ng puno sa harapan ng simbahan ay siya ring engineer na gagawa ng binabalak niyang proyekto sa rancho, ano bang nangyayari sa kanya? Tanong niya pero alam niya ang dahilan, dahil ang babaeng nasa kanyang harapan ay naging laman ng kanyang isipan.

"Nyare sa'yo?" ang kunot noo na tanong ni Rauke sa kanya at naghalukipkip ang mga braso nito sa sariling dibdib.

"Uh opo ako po si Engineer Victorino, hindi po ba kayo nasabihan ni sir Seth Buenavidez na papunta po ako?" ang tanong nito sa kanya at nahalata niya ang pag-aalangan sa boses nito na tila ba nahiya ito na malaman na ang presensiya nito sa rancho ay hindi niya inaasahan. Pero hindi iyun ang katotohanan ng sitwasyon, dahil sa alam niyang parating si Engineer Victorino pero hindi sa kanya nasabi ni Seth na babae ang engineer at hindi rin niya inaasahan na ang babaeng naging laman ng isipan niya ang engineer na ini-reffer kay Seth.

Don’t get nervous for pete's sake! Inis na sabi niya sa kanyang sarili at pinakalma niya ang kanyang sarili, don't act stupid! This is your first project and you are acting like a freaking teenager! Ang sabi niya sa kanyang sarili.

Nilinaw niya ang kanyang lalamunan at napansin niyang bumaba ang mga mata ni Engineer sa kanyang hubad na dibdib at nag-init ang kanyang mga pisngi, kala mo ba ay isa siyang babaeng nasilipan ng sandaling iyun.

"Uhm, hindi, I mean alam ko na darating ka," ang kanyang sagot at nakita niyang nagliwanag ang mukha ng babaeng engineer sa kanyang sinabi at nakita niya ang relief sa mukha nito nang malaman na hindi ito nagpunta sa rancho nang hindi niya alam.

"Oh that's wonderful!" ang masayang sambit nito, "let me introduce myself again sir, I am Engineer Cheyenne Victorino," ang sabi nito sa kanya at inilahad nito sa kanya ang kamay nito para makipag-kamay sa kanya. Bumaba ang kanyang mga mata para tingnan ang kamay nito at kung bakit nakaramdam na naman ng mabilis na tibok ang kanyang puso at naalala niya nang iangkas niya ito sa kanyang motorsiklo at naramdaman niya ang dibdib nito sa kanyang likod at naramdaman na naman niya ang pag-init ng kanyang mga pisngi.

"Uhm madumi ang mga kamay ko," ang sagot niya rito at para sa kanya ay iyun naman ang totoo o kalahati sa katotohanan ng kanyang dahilan.

Pero sa halip na mangimi ito at bawiin ang kamay ay humakbang pa ito palapit sa kanya at kinuha nito ang kanyang kamay na nasa kanyang tagiliran at ikinulong ng dalawang kamay nito ang kanyang kanan na kamay at magiliw itong nakipagkamay sa kanya.

"Hindi po marumi ang kamay ninyo sir Alaric, isang marangal at mahirap na trabaho ang pagrarancho, at sanay po ako sa ganito kung ang iniisip po ninyo ay ang paghawak ninyo ng mga lupa at dayami, hindi po iba ito sa trabaho ko, believe me, naghahakot din ako ng grava at semento kung kinakailangan," ang sagot nito sa kanya at kitang-kita sa mga mata nito ang labis na pagmamalaki sa trabaho nito. Pero mas napansin niya na nanatili pa rin nitong hawak ang kanyang kamay at muli ay nag-init ang kanyang mga pisngi, kaya naman malakas niyang nilinaw ang kanyang lalamunan at tumangu-tango siya.

"It’s really nice to meet you and I am really looking forward for this day," ang sagot niya at pinakalma niya ang kanyang loob kahit pa parang daga ang kanyang puso sa kanyang dibdib. Nang i-acknowledge na niya ito ay saka lang nito binitiwan ang kanyang kamay na tila ba hindi ito naapektuhan ng pagkakahawak ng kanilang kamay. At bakit nga naman ito maaapektuhan? Ang tanong niya sa sarili, hindi niya dapat malimutan na may nilalaman pa ang puso nito at iyun ang lalaking ikinasal ilang araw lang ang lumipas, lumipas na kaya ang sakit na nadarama nito?

Alaric Kirkland - Kirkland Series (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon