Chapter 46

1.2K 82 33
                                    

"Sige po salamat po," ang kanyang magalang na pamamaalam sa lalaking may-ari ng isang bed spacer sa Pedrosa. Iyun na ang huling paupahan na kanyang pinuntahan at inabot na siya ng alas-dos ng madaling araw at nangangatok siya ng mga bahay ng mga pwedeng tinuluyan ni Cheyenne. Hindi katawan niya ang napapagod kundi ang kanyang isipan sa labis na pag-aalala kung saan na nagpunta si Cheyenee. Sinubukan na niyang tawagan ang telepono nito ngunit nakapatay iyun. Hindi na niya alam kung saan ang kanyang susunod na patutunguhan.

Naglakad siya palapit sa kanyang motorsiklo at inihilamos niya ang kanyang mga palad sa kanyang mukha. Hindi na niya alam kung anong susunod niyang gagawin. Kailangan na ba niyang umuwi at ipagpabukas ang paghahanap? Baka naman hindi niya talaga makikita ito dahil sa ayaw nitong magpahanap sa sandaling iyun? Marahil ay kailangan niyang ibigay kay Cheyenne ang hinihingi nitong espasyo sa sandaling iyun at bukas? Bukas ay kukunin na niya ang pagkakataon na makausap ito kapag pinuntahan niya ito sa trabaho. Batid niya na hindi iiwan ni Cheyenne ang trabaho nito, ang kanyang giit sa sarili.

Mabigat man ang loob ay wala na siyang magagawa pa. Batid niyang pinagtaguan talaga siya ni Cheyenne, hindi naman siya sumusuko. Hahayaan niyang makapag-isip din muna ito, at umaasa siya na sa kanilang paglalayo ay mapagtanto ni Cheyenne ang kahalagahan niya sa buhay nito.

Sumakay siya ng kanyang motorsiklo na mabigat ang kalooban at saka niya pinaandar ang kanyang motorsiklo at nang binagtas niya ang daan ay napansin niya sa kalayuan ay ang bahay ng mga Sevilla. Wala na ring mababakas na ilaw sa malaking bahay kundi ang ilaw na lamang nang driveway nito. sinulyapan niya ito habang siya ay napadaan, at sa ganun na oras ay hindi niya iistorbuhin si Presley. Saka sa palagay niya ay hindi alam ni Presley kung nasaan si Cheyenne, hindi kay Presley lalapit si Cheyenne lalo pa at alam niyang pingaselosan ito noon ni Cheyenne. Dinaanan at nilagpasan niya ang malaking bahay ng mga Sevilla at kanyang binagtas ang daan pabalik ng Villacenso. Nag-aalala at naghihinakit ang kanyang dibdib na narating ang kanilang rancho ngunit hindi sa bahay nila siya dumiretso kundi sa lugar na malapit sa sapa. Sa lugar na iyun siya dinala ni Cheyenne nang malaman nito na siya ang lalaking nakamotorsiklong tumulong dito sa Manila, doon din niya nalaman ang sakit na dinanas nito.

Inihinto niya ang kanyang motor at pinatay niya ang makina at saka siya bumaba mula roon. Naupo siya sa mahamog na damo at pinagmasdan niya ang kumikinang na tubig ng sapa gawa ng repleksiyon ng liwanag ng buwan. Ganun din ang mga mata ni Cheyenne noong napuno iyun ng mga luha, katulad ng batis.

Nanikip ang kanyang lalamunan at unti-unting nanlabo an kanyang paningin. At kung noon ay si Cheyenne ang naglabas ng hinanakit na nadama nito noon? sa sandaling iyun ay siya ang naglabas ng kanyang nadarama at kung noon ay kinikimkim niya ang sama ng loob? sa sandaling iyun? ay ginawa niya ang isang bagay na hindi raw dapat ginagawa ng isang lalaki. At iyun ay ang lumuha.

***

"Good morning," ang bati ni Alaric kay Dakota pagpasok nito sa loob ng dining area kinaumagahan. Hindi niya alam kung ilang oras o minuto lang ang kanyang naitulog o kung nagawa man niyang matulog. Ang natandaan na lamang niya ay nang sumingaw ang malamlam na liwanag mula sa kanyang bintana ay bumangon na siya at naghanda ng kanyang sarili. Ang una niyang gagawin ay ang puntahan sa site si Cheyenne, kakausapin niya lang muna si Rauke na ito na muna ang mamahala sa mga gawain para sa umaga na iyun bago pa siya mabaliw ng tuluyan sa kaiisip.

"Good morning!" ang magiliw na bati sa kanya n Dakota. Napansin niya ang sigla sa boses nito at laking pasalamat niya na hindi nakasira sa kanilang dalawa ang kanyang mga sinabi rito kagabi. Maganda na rin na magkaroon ng boundary ang relasyon nilang dalawa at iyun ay bilang isang katrabaho lamang.

"Coffee?" ang alok niya rito at isang 'yes please' ang isinagot nito sa kanya. Ipinagsalin niya ito ng kape at tahimik nitong hinigop ang laman ng tasa nito, at ilang sandali pa ay dumating na si Rauke na kanyang hinihintay.

Alaric Kirkland - Kirkland Series (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon