He could feel himself being dragged or carried somewhere, hindi niya alam kung anong nangyayari sa kanya ang tanging alam lang niya ay mabigat ang talukap ng kanyang mga mata at nahihilo siya at ramdam niya ang lamig na nanunuot sa kanyang kalamnan sa kabila ng init ng kanyang katawan. He could hear voices at ang pinakatumimo sa kanyang tenga ay ang boses ni Cheyenne. He doesn't know what in the world was happening ang naramdaman na lamang niya ay lumapat na ang kanyang katawan at nakita niya ang kanyang sarili na nakahiga sa malambot na kama ng dayami at nagliwanag ang lahat sa kanya nang dumilat ang kanyang mga mata. Bumungad sa kanya ang malawak at kulay asul na kalangitan, tirik ang araw ngunit hindi siya nasisilaw sa liwanag nito. Bumangon siya at nakita niya ang sarili sa gitna ng rancho kung saan niya balak na itayo ang kanyang abattoir.
"Ha ha ha! Lugar pa lang hindi mo na alam kung saan ilalagay ang huh, proyekto mo?" ang narinig niyang boses. Tumikom ang kanyang labi nang makilala niya kung kanino ang boses na iyun na nasa kanyang likuran.
"Do you think you're capable? Eh kung ang pagdadamit pa nga lang ay hindi ka na marunong? You're still that scrawny, awkward, ugly boy and you are not capable of doing anything great for yourself nor for this ranch, ugh you can't even find yourself a decent girl na magkakagusto sa iyo, ha ha ha!" ang pangungutya sa kanya ng kanyang mommy mula sa kanyang likuran. Kumuyom ang kanyang mga palad at ang kanyang mga labi, he was trying so hard not to yell at his mother pero umaalingawngaw pa rin sa kanyang tenga ang matinis at malakas tawa nito. At nang hindi na niya makayanan pa ay mabilis na pumihit ang kanyang katawan para harapin ang kanyang mommy pero nagulat at natigilan siya sa kanyang nakita. Hindi iyun ang mukha ng kanyang mommy kahit pa boses nito ang kanyang narinig. It was Cheyenne.
Labis ang sakit na kanyang nadama at para bang sinaksak ang kanyang puso habang pnagmamasdan si Cheyenne na humahalakhak. "Cheyenne." Ang pagsambit nya sa pangalan nito nang ilang beses at tumigil ito sa pagtawa at diretso siya nitong tiningnan sa kanyang mga mata, ang mga mata niyang nangilid ang mga luha na hindi niya napigilang mangyari.
"Please don't laugh at me." Ang sambit niya na may masidhing damdamin nang pakiusap kay Cheyenne yumuko ang kanyang ulo dahil ayaw niyang makita ang tumatawa na mukha ni Cheyenne. At naramdaman na lamang niya ang palad nito na humaplos sa kanyang noo and she brushed off the strands of his hair, he tilted his jaw up para magtama ang kanilang mga mata at doon niya nakita ang nakalulunod na damdamin sa mga mata ni Cheyenne.
" No Alaric, I will never laugh at you, never." Ang mariin na sabi nito at pinagmsdan niya kung paanong inilapit nito ang labi sa kanyang pisngi para hagkan iyun at sa sandaling iyun ay nabura ang mga salitang binitiwan ng kanyang mommy at pumikit muli ang kanyang mga mata na may ngiti sa kanyang mga labi.
***
"Uggh." Ang sambit ni Alaric pagpihit ng kanyang katawan. Mabigat ang kanyang ulo para bang may dumagan na truck sa kanyang ulo sa bigat at pumipintig ang kanyang sentido. "Ugghh," ang muling sambit niya at nagpabaling-baling ang kanyang ulo sa kaliwa at kanan. At nang maaninagan na niya ang liwanag na tumatama sa nakasarang talukap ng kanyang mga mata ay dahan-dahan na niyang iminulat ang mga iyun at tumambad sa kanya ang nakabukas na bintana ng kanyang silid at ang sumasayaw na kurtina ng dahil sa malakas na hangin.
"Ah shit," ang sambit niya sabay sapo sa kanyang sumasakit na ulo. Masakit man ang ulo niya ay alam niyang hindi siya pwedeng hindi bumangon para magtrabaho sa rancho, tumitigil lang talaga siya sa pagtatrabaho kung hindi na talaga siya makabangon na bihirang mangyari at kung may importante siyang lakad. At sa pagkakataon na iyun ay wala sa kanyang mga dahilan ang dahilan kung bakit hindi siya dapat bumangon at magtrabaho.
Itinulak niya ang kanyang sarili mula sa kanyang pagkakadapa sa kama, at lumuhod siya kaharap ang headboard. Kinamot ng kanyang mga daliri sa kamay ang gulo-gulo niyang buhok. Ano bang nangyari kagabi? Ang tanong ng kanyang isipan. At kunot ang noo na inisip niya ang mga nangyari kina Mang Simon at napangiwi ang kanyang mga labi. Nalasing ba siya? Ang nahihiyang sabi niya sa kanyang sarili. He was trying to be the gentleman nang saluhin niya ang lahat ng shot ni Cheyenne, without even realising na hindi mataas ang alcohol capacity nya.
BINABASA MO ANG
Alaric Kirkland - Kirkland Series (completed)
RomanceFor mature readers only 18 and up. Please be guided! Second Book of Kirkland Series, featuring the story of Alaric Kirkland. Alaric only wanted to prove that he is worthy of her sister's trust that he could handle the management of their family's r...