If it was one ordinary night maeenjoy ni Cheyenne ang pagkain nang gabing iyun. Sa tagal na rin kasi niya na tumuloy doon ay alam na rin ni ate Josephine ang mga paborito niyang pagkain, na mukhang unang inihanda nito. At muli itong nagluto ng ilan pang mga ulam na paborito naman ni Gabriella dahil na rin sa pagdating nito. Tila isang maliit na selebrasyon ang nangyari nang gabi na iyun. Pero para kay Cheyenne, mas maigi pa yata na ngumuya siya ng damo sa kwadra ng kabayo o ng mga baka.
Tila ba kasi ang nasa kanyang harapan ay isang masayang pamilya at siya ay isang sabit lang na kung tutuusin ay totoo naman. Magkakapatid sina Alaric, Rauke at Gabriella habang matagal nang kakilala at kaibigan ng pamilya nito si Dakota at siya? Kung tutuusin ay isang trabahador din lang siya sa rancho isang paswelduhan na nakikitira sa loob ng bahay at sumasalo sa hapunan dahil sa kabaitan ng mga ito. But she felt like an outsider lalo pa nang magsimula na ang palitan ng kwentuhan sa mga nakaran ng mga ito.
Habang ang mga ito ay nagpapalitan ng kanilang mga anecdotes at ng mga tawanan ay siya ay nanatiling nagkunwaring kumakain habang tahimik na nakikinig at nanunuod sa mga ito. At tila ba may kirot sa kanyang dibdib sa tuwing maririnig niyang tumatawa si Alaric sa mga kwento ni Dakota patungkol sa mga nangyari noon.
Bakit ba ang ganda nilang tingnan? ang tanong ni Cheyenne sa kanyang sarili habang pinagmamasdan niya sina Alaric at Dakota na magkatabing nakaupo sa kabilang side ng lamesa sa kanyang harapan. Kahit pa binigyan siya ni Alaric ng assurance na wala itong gusto kay Dakota ay hindi niya maiwasan ang hindi makaramdam ng pangamba. Kung iisipin naman kasi ang tagal ng relasyon nila ni Axel and he gave her the assurance na walang ibang babae sa buhay nito, ngunit nakuha siya nitong ipagpalit sa kanyang bestfriend. Paano pa kaya ang isang babae na nauna sa kanya sa puso ni Alaric?
"So ibig mong sabihin sa abroad ka na nagtagal? Kailan ka lang nakabalik ng Pilipinas?" ang interisado na tanong ni Alaric kay Dakota. He was talking to her na tila ba sanay na sanay na makipag-usap si Alaric dito, malayo sa inilalarawan nina Rauke at Gabriella na nahihiya si Alaric dito. Alaric was definitely at ease with Dakota, ang sabi ng isipan ni Cheyenne habang kunwari siyang kumakain pero mas nakatuon ang kanyang atensiyon sa dalawang nasa kanyang harapan.
"Oo that night nang mag-usap tayo sa kusina was my last party here dahil one week aftre that ay nagpunta na ako sa states para mag-aral, then bumalik lang ako two years ago, I was given the opportunity to meet your parents sa last convention that they attended," ang sagot ni Dakota kay Alaric.
"Eh bakit nga hindi mo alam ang pangaln niya?" ang tanong ni Gab kay Alaric bago nito isinubo ang pagkaian sa loob ng bibig nito.
"Uhm," ang tanging naisagot ni Alaric at isang mahina na tawa ang lumabas sa bibig ni Gabriella.
"Sus, para namang hindi mo kilala si Alaric, maninigas na lang iyan sa kinatatayuan niya pero hindi yan magtatanong," ang pambubuska ni Rauke.
"Oy pero may improvement si Alaric ha?" ang sabat ni Gabriella, "hindi nautal o namula ang mga pisngi, hindi na nahihiya," ang panloloko ni Gabriella.
Napasulyap si Alaric sa kanya at iniwas niya ang kanyang mga mata, bakit ba nasasaktan siya? Bakit ba iba ang nararamdaman niya? Bakit ayaw niyang magtiwala? ang sigaw ng isipan niya. Nanatili siyang nakayuko at nagkunwari na lamang siyang abala sa pagkain sa kanyang plato na panay lang naman ang paghalo niya ng pagkain niya at hindi siya sumusubo.
"Nagbinata na si Alaric," ang natatawang biro ni Rauke at isang malakas na tawanan ang namayani sa lamesa at ang tanging hindi tumawa ay siya.
"Kayo talaga bakit ba niloloko si Alaric?" ang tanong ni Dakota kina Rauke at Gabriella.
"Pinagtatanggol na," ang biro ni Gabriella, "pero, mukhang nakatadhana talaga na magkita kayo hindi ba? I mean nagkita kayo sa Manila, mabuti na lang at naisipan ko na si Alaric ang umattend," ang dugtong pa ni Gabriella.
BINABASA MO ANG
Alaric Kirkland - Kirkland Series (completed)
RomanceFor mature readers only 18 and up. Please be guided! Second Book of Kirkland Series, featuring the story of Alaric Kirkland. Alaric only wanted to prove that he is worthy of her sister's trust that he could handle the management of their family's r...