Chapter 29

1.1K 83 65
                                    

Pinagmasdan ni Alaric si Cheyenne habang umiinom ito, kahit pa pinagbilinan na niya ito kanina na maghinay-hinay sa pag-inom ng beer. Gustuhin man niya na siya na naman ang uminom ng beer nito ay di niya ginawa, kahit pa di siya agad nalalasing ng beer ay ayaw naman niyang alisan ng kaunting kasiyahan si Cheyenne lalo pa at sinabi naman nito na umiinom ito ng beer. Pero nanatili na nagmamatyag siya kung nakakailang bote na ito.

Gusto niya na makatabi ito at makausap,ngunit ayaw naman niyang maging bastos kay Presley na nag-imbita sa kanila kahit pa siya ang nagpumilit na magbayad bago noon ay nagtalo pa muna sila ni Lucas sa kung sino ang magbabayad ng kanilang kinain kanina sa restaurant.

Kahit pa nag-uusap sila ni Presley ay pasimpleng sinusulyapan niya ito napansin niya na nanatili itong tahimik. Paminsan-minsan itong sumasagot sa kung may mga sasabihin sina Rauke, pero sa mas maraming pagkakataon ay nakikinig lang ito sa kanilang pagkukwentuhan. May pagkakataon na nahuhuli niya itong sumusulyap sa kanila ni Presley pero mabilis nitong binabawi ang mga mata sa kanila at titingnan na lamang nito ang hawak na beer.

Pero ang sumunod na ginawa nito ay ikinalaki ng kanyang mga mata, dinampot nito ang bote ng beer at diretso nitong tinungga na parang tubig at nang tiningnan niya ito ay sinalubong nito ng tingin ang kanyang mga mata.

'Whoah! Isang lagukan!" ang sabi ni Carlos nang makita rin nito ang kanyang ginawa. Tinakpan niya ng kanyang mga palad ang kanyang bibig nang dumighay siya at tinaasan niya ng kilay at nginitian si Carlos.

"Cheyenne, hindi ba sabi ko hinay-hinay lang sa pag-inom?" ang patanong na pagpapaalala ni Alaric.

"Hindi bale, wala namang nagmamahal," ang sagot nito at isang malakas na hagalpakan ang namayani sa kanilang lamesa na nagmula kina Rauke, mukhang inakala ng apat na ito na nagbibiro si Cheyenne pero alam ni Alaric na may katotohanan ang hinanakit nito lalo pa at alam niya ang nangyari rito sa Manila.

"Ha ha ha! Yan ang napapala mo kakadikit diyan kay Lucas na puro mema!" ang banat naman ni Rauke bago tumungga ng beer.

"Rauke!" ang kanyang saway sa kapatid. At tiningnan niya si Cheyenne na mukhang ikinukubli lang sa mga ngiti nito ang tunay nitong nararamdaman.

"Nakakamema naman talaga ah! Harap-harapang bastusan," ang pag-iinarte ni Lucas at muling nagtawanan ang magkakaibigan.

"Tumigil na nga kayo," ang saway niya sa mga ito at kinunutan niya ng noo ang kapatid at si Lucas na umismid lang sa kanyang sinabi. Para siyang may kasamang mga maliliit na bata kung mag-isip.

"Mukhang kaya naman ni Cheyenne, Alaric i don't think you have to worry," ang sabi ni Presley sa kanya at tiningnan niya si Cheyenne na nagpapabukas pa ng isa pang bote kay Canaan.

"I'Im just worried about her at may trabaho rin si Cheyenne bukas," ang sagot ni Alaric kay Presley.

"Huh kaya naman pala, nag-aalala na hindi ko matapos ang katayan niya," ang bulong ni Cheyenne bago nito tinungga ang beer sa bote. At naramdaman na nito ang pag-init ng mga pisngi.

Isinampay ni Canaan ang braso nito sa balikat ni Cheyenne at marahan na inalog-alog pa iyun kaya naman bahagyang bumuka ang kanyang bibig. At nanlaki ang kanyang mga mata.

"Hayaan mo Cheyenne, narito lang ako para magbigay ng pagmamahal sa iy-aw!" ang hiyaw nito saka nito sinapo ng kanan nitong kamay ang sarili nitong noo. Binato kasi ito ni Alaric ng tansan ng bote ng beer. "Makabato naman itong si Alaric," ang angal nito.

"Tanga ka ba yang kamay mo!" ang gigil na sagot niya. "Binalaan na kita Canaan saka anong pinagsasabi mo na bibigyan mo siya ng pagmamahal hindi ikaw ang magbibigay sa kanya nun!" ang dugtong pa niya at natigilan siya nang lahat ng mata sa kanilang lamesa ay nakatuon sa kanya. Hindi niya napansin na umabante na rin pala ang kanyang katawan at lumapit na ang kanyang dibdib sa gilid ng lamesa na tila ba gusto na niyang kainin ng buo si Canaan ng sandaling iyun. At nang napagtanto niya ang kanyang ginawa ay mabagal na umatras ang kanyang likod pabalik sa pagkakasandal niya kanina sa sandalan ng upuan. "Uhm, pinoprotektahan ko lang si Cheyenne dahil nangako ako sa daddy niya."

Alaric Kirkland - Kirkland Series (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon