Chapter 31

1.2K 77 38
                                    

Inilapag na ni Cheyenne ang kanyang mga paa sa sahig ng silid at nanatili siyang nakaupo sa gilid ng kama. Ramdam niya ang pamumugto ng kanyang mga mata. Mukhang umulit na naman ang pagluha niya noong nasa Manila siya. Talaga bang ang pagmamahal ay mailap sa kanya? ang tanong niya sa kanyang sarili. Bakit si Graciel? Nakuha ang lalaking gusto nito? Bakit siya sa unang pagkakataon ay siya ang gumawa ng unang hakbang ay itinulak at literal na itinulak siya nito? Napabuntong-hininga siya, mukhang hindi nga para sa kanyang pag-ibig, kung bakit kasi kakagaling lang niya sa isang mapait na break-up ay muling tumibok ang kanyang puso sa lalaking simula pa lamang ay di kayang tanggapin ang kanyang nararamdaman para rito.

"Sadista ka ba Cheyenne? O dahil sa break up ay sabik lang ang puso mo sa pagmamahal?" ang tanong niya sa kanyang sarili. Nagmukha tuloy siyang desperadang babae na nanlilimos ng atensiyon at pagmamahal, tama lang na itaboy siya ni Alaric lalo pa at alam naman niya na wala itong gusto sa kanya. Naging mapangahas siya na hindi man lang naisip ang nararamdaman nito. Muling pumasok sa kanyang isipan ang nangyari kagabi sa silid ni Alaric. Kung paanong ipinagtabuyan siya nito, naisip niya tuloy, kung kailangan pa niyang magstay sa bahay ng mga ito dahil sa baka naman maalibadbaran na ito sa kanyang mukha? Siguro kailangan na niyang lumipat ng matutuluyan, ang sabi niya sa kanyang sarili. Pwede siyang tumuloy sa barracks katulad ng ginagawa niya noon, binibigyan naman siya ng privacy ng mga kasamang crew at mayroon siyang sariling container van na inilalaan ng mga ito sa kanya kahit pa tinatanggihan niya ito. Siguro nga kailangan na niyang umalis, kakausapin niya si Engineer Kit mamaya, baka sakali na mabigyan siya ng espasyo sa barracks, ang sabi niya sa sarili. Tiningnan niya ang oras wala pa kasing liwanag na nagmumula sa labas hindi naman siya halos nakatulog at hinintay lang niya na umabot sa alaskwatro ng umaga ang oras kaya siya bumangon at sa sandaling iyun ay bente minuto na ang lumipas nang pumatak ang mga kamay ng malaking orasan sa ika-apat ng umaga.

Tumayo na siya at inayos niya ang kama at doon ay nakita niya ang jacket na kagabi ay katabi niya sa kanyang pagluha. Dinampot niya iyun at kanyang tiningnan, subconscioulsy ay minamahal na niya ito noon pa man at patunay nito ang jacket na kanyang itinabi. Isang buntong hininga ang muli niyang pinakawalan at saka niya isinuksok iyun sa ilalim ng unan. Nang maayos na niya ang kanyang hinigaan ay sinimulan na niyang ihanda ang sarili para sa araw na iyun.

Bumaba na siya ng bahay at naabutan niya si ate Josephine na naghahanda ng almusal magiliw niyang binati ito at sumagot din naman ito ng pagbati sa kanya at napansin niyang tiningnan nito ang kanyang mga mata. Iniwas niya ang mga iyun at alam niya na napansin na nito ang pamumugto ng mga ito ngunit napakadiscreet lamang ni ate Josephine at hindi na nito pinansin pa ang kanyang mga mata.

"May nilagang kape na, ipagsasalin"-

"Hindi na po ate salamat po," ang kanyang sabi, "uhm si Rauke po ba gising na?"

"Yes I am alive and kicking why? Oh wait good morning nga pala," ang tanong nito sa kanya mula sa kanyang likuran at mabilis na pumihit ang kanyang katawan para lumingon sa likuran niya at naroon nga at nakatayo si Rauke. Tayu-tayo na naman ang basa nitong buhok at wala itong suot na pang-itaas na damit kaya naman kitang-kita ang mga pekas sa dibdib at balikat nito.

"Oh good morning din, uhm pwede ba akong makisuyo sa iyo?" ang kanyang pakiusap kay Rauke.

Sinapo ni Alaric ang kanyang ulo, nang bumangon siya sa kama. Umangat ang kanyang ulo mula sa unan at kunot ang noo na tiningnan niya ang liwanag mula sa araw. At napabalikwas siya nang napansin niya ang liwanag na nagmumula sa bintana ay matingkad na. Mataas na ang araw, tiningnan niya ang oras at las sais na ang umaga, maaga man sa iba ang oras na iyun ngunit sa rancho ay tanghali na ang ganun na oras.

Nakatulog siya agad pag-akyat niya sa kanyang silid mula sa kusina kagabi, marahil natulungan siya na makatulog ng alak na kanyang ininom. Dali-dali siyang bumangon at naupo siya sa gilid ng kama, iniisip niya tuloy kung paano niya haharapin si Cheyenne, sigurado na may tampo ito sa kanya.

Alaric Kirkland - Kirkland Series (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon