Chapter 44

1.1K 85 32
                                    

"Pwedeng uminom na muna tayo?" ang tanong ni Dakota kay Alaric. Kapapasok pa lamang niya sa loob at kauupo sa driver seat. Kalalabas lamang nila sa isang restaurant sa Pedrosa. Kahit pa katatapos lamang nila na magdinner ay nagyaya pa rin si Dakota na kumain sa labas at namimiis na raw nito ang pagkain sa Manila. Kaya naman sa isa o nag-iisang fancy na reastaurant sila nagpunta sa siyudad ng Pedrosa.

"Uhm iisa lang kasi ang gusto kong inuman at hindi dito sa Pedrosa nasa Villacenso rin at saka baka hindi mo magustuhan doon," ang kanyang sagot kay Dakota. Umaasa siyang magyaya na rin ito na bumalik ng kanilang bahay. Gusto na niyang makabalik at makakuha ng pagkakataon na makausap muli si Cheyenne. Gusto niyang magpaliwanag dito na purong business lang ang dahilan kung bakit naroon at kasama niya si Dakota. Sinabi na niya kay Gab na may iba na siyang babaeng nagugustuhan at kahit pa nagpumilit ito na malaman kung sino ang kanyang tinutukoy ay inilihim niya ito sa kapatid. He wanted to honor his promise to Cheyenne na ililihim niya ang kanilang relasyon kahit pa gusto niya iyun na ipagsigawan. Kaya niya lamang kasama si Dakota para lamang sa kahilingan ni Gab na ipasyal si Dakota sa kanilang lugar habang tumutuloy ito rito at habang kinakausap niya ito tungkol sa mga suhestiyon nito sa itatayo niyang karagdagan na negosyo. At iyun ay gusto niyang malaman ni Cheyenne  at gusto rin niyang makausap si Cheyenne para sabihin dito na mas mabuti para sa kanila ang sabihin na ang tunay nilang relasyon para sa ikapapanatag ng puso at isipan nilang dalawa.

"Okey lang, hindi naman ako maarte," ang sagot nito, "I just wanted to spend time with you, ang tagal na taon na hindi kita nakita bumabawi lang ako," ang dugtong pa nito. Hindi siya sumagot at isang tikom na ngiti ang isinagot niya kay Dakota at isang buntong-hininga ang pasimple niyang pinakawalan. Mukhang matatagalan pa bago niya makausap si Cheyenne, ang sabi niya sa sarili.

Pinaandar na niya ang kanyang sasakyan at binagtas ang daan pabalik sa Villacenso at sa kalagitnaan nito ay ang maliit na inuman ni Mang Simon ngunit dinarayo pa rin ito ng mga parokyano at sa oras ng kanilang dating ay nakasabayan na nila ang iba pang mga taga-karatig rancho na dumarayo doon para uminom. At dahil sa naabutan na sila ng bulto ng pagdating ng mga parokyano ay nahirapan na silang makahanap ng mapaparadahan na sasakyan. Kaya naman sa isang medyo may kalayuan na sa mismong inuman ni Mang Simon sila nakahanap ng pwedeng pagparadahan. At tulad ng nakagawian ay hinihintay na muna ni Dakota na pagbuksan niya ito ng pinto. Ibang-iba talaga ito kay Cheyenne na nagbibikas ng sariling pinto nito at hindi niya iyun ikinagagalit kay Cheyenne, ipinapakita lamang nito ang pagiging independent nito.

"Ang daming tao," ang sabi ni Dakota pagkalabas nito ng sasakyan at nakita na rin nila ang mga taong nakatambay sa labas ng parking.

"Oo ito kasi ang pinakamalapit na inuman dito sa Villacenso at pinakamatanda," ang sagot niya at sumabay na sila sa ibang tao na pumasok sa loob ng establisyemento. Agad siyang nakakita ng mapupwestuhan na pandalawahan lamang na lamesa kaya naman madali niyang nilapitan iyun habang nakahawak si Dakota sa kanyang braso. Hinila niya ang upuan para rito at nakangiti itong naupo at siya naman ay kinuha ang upuan sa kanan nito.

"Cozy naman pala rito, kaso mukhang wala rito ang mga nakagawian ko ng inumin," ang sabi ni Dakota. Nagtaas lang ng kanyang dalawang kilay si Alaric at nagkibit ng kanyang mga balikat at sinenyasan niya ang serbidor na lumapit sa kanila. Ibinigay niya ang kanilang order na isang maliit na ice bucket ng beer.

"Mukhang may katandaan na nga ang lugar na ito," ang sabi ni Dakota pagkaalis ng serbidor.

Tumango siya bilang sagot, "uh oo at literal na matanda lalo na ang may-ari," ang sagot niya na nagpatawa kay Dakota. Ilang sandali pa ang lumipas habang hinihintay nila ang kanilang inorde na beer. At napansin niyang niyakap ni Dakota ang sarili at kiniskis nito ng mga palad ang sarili nitong braso na tila ba giniginaw ito.

Alaric Kirkland - Kirkland Series (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon