Chapter 19

1.1K 74 31
                                    

Binuksan ni Alaric ang pinto ng kanyang silid nang buong tahimik narinig niyang nakaalis na si Rauke at alam niyang kina mang Simon na nakagawian na ng mga ito o hindi naman ay nang-aaswang na naman ng mga dalaga o baka hindi na dalaga sa Villacenso o baka nga sa karatig-lugar na nila.

Napailing na lang si Alaric habang iniisip ang mga kalokohan ng kapatid na sa edad nito ay tila wala pang balak na magtino. Napabuntong-hininga siya at kagat labi siyang lumabas ng kanyang silid nang buong katahimikan. Ayaw niyang maistorbo si Cheyenne ng sandaling iyun, kailangan niya nang oras para makahinga at makapag-isip. Dahan-dahan siyang naglakad na tila ba hindi na niya inilalapat ang kanyang mga paa sa sahig para hindi mag-creak ang kahoy na sahig ng kanilang matanda nang bahay. Bumaba siya ng hagdan at bago pa siya tuluyan na lumayo ay lumingon pa siya sa itaas ng bahay habang nasa paanan siya ng hagdan at nang wala siyang nakitang mukha ni Cheyenne na nakatingin sa kanya. At nang masigurado na niyang walang ibang tao na gising ay naglakad na siya hindi palabas ng main door kundi sa likuran na pinto na nasa kanilang kusina. Lumabas siya ng pinto at bumaba siya ng batong hagdan na katulad din ng nasa harapan ng bahay ngunit hindi singlapad. At kanyang tinunton ang stables kung saan naroon ang mga kabayo. Nilapitan niya si Lace at sandaling hinimas ang ulo nito bago siya dali-dali na lumapit sa kanyang motorsiklo na matagal na rin niyang hindi nagagamit at muli ay itinulak niya iyun palabas at muli niyang isinara ang malalapad na pinto ng stables at saka siya naupo sa kanyang motor at pinaandar niya ang makina at matulin niyang pinatakbo papalayo sa kanilang bahay.

He didn't even bother putting his helmet na iniwan niya sa kanyang kwarto at hinayaan niyang humampas ang malamig at malakas na hangin s akanyang katawan. Dumidikit ang suot niyang manipis na t-shirt sa kanyang dibdib at ang dulo-gulo na niyang buhok ay nilaro pa ng husto ng hangin. Maliwanag ang kalangitan dahil sa walang masyadong ulap na tumatakip sa maliwanag na buwan, masarap ang magmaneho s agabing iyun namiss niyan ang mga gabing nagmamaneho lang siya sa buong rancho na hindi na niya masyadong nagawa mula nang dumating si Cheyenne, hindi niya pa rin kasi masabi kay Cheyenne na siya ang lalaking naghatid dito sa simbahan para pigilan ang kasal nito. Hindi naman niya alam kung anong magiging reaksiyon ni Cheyenne baka kasi mailang na ito sa kanya at siya ang nakakaalam sa nangyari rito at sa boyfriend nito.

Hinayaan nyang hampasin ang kanyang katawan ng malamig na hangin at ginabayan siya ng liwanag ng buwan sa lugar na kanyang tinutunton at nang matanaw na niya ay unti-unting bumagal ang takbo ng kanyang motorsiklo hanggang sa tuluyan na iyung huminto.

Sandali pa siyang naupo lamang sa kanyang motor habang nakatanaw sa malapad na bakanteng lupain na sa susunod na araw ay magiging site ng kanyang proyekto. Isang malalim na hininga ang kanyang ibinuga, mayroon pa rin kasi siyang agam-agam hanggang sa sandali na iyun. He was having second thoughts at that very moment, hindi siya sigurado kung tama na ba ang napili niyang lokasyon para sa itatayo niyang abattoir. Sa lawak kasi ng lupain nila ay maraming pwedeng pagtayuan ng kanyang abattoir. Ayaw niyang may masabi si Cheyenne sa napili niyang lokasyon, hindi kasi iyun ang unang lokasyon na ipinakita niya rito. Naisip niya ang lokasyon na iyun noong kagagaling lamang niya ng Maynila at pinakawalan niya si Lace para makatakbo ito at sa lugar na iyun nga sila umabot na dalawa at gusto niyang ipakita ang lugar na iyun bilang site sa kanyang abattoir, pero alam ni Alaric na siya pa rin ang may huling sabi sa lahat at hindi si Cheyenne kaya naman siya pa rin ang kailangan na magdesisyon. He wanted to call gab, pero iniiwasan niya na magtanong sa kanyang kapatid, iniwan nito ang pamamahala sa kanyang kamay kaya naman kailangan niyang pangatawanan ang kanyang naisipan na proyekto. Kung sa lugar pa lang ay nagdadalawang-isip na siya ano pa kaya ang pamamahala sa buong rancho? Ang tanong niya sa kanyang isipan. Napabuntong-hininga siyang muli at kinamot ng kanyang kanan na kamay ang kanyang batok. Maybe Cheyenne could enlighten him tomorrow kapag dinala na niya ito bukas sa lugar na iyun.

Alaric Kirkland - Kirkland Series (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon