Cheyenne turned to her right side at tiningnan niya ang kaunting liwanag sa sumusungaw mula sa likuran ng kulay puting kurtina na ang laylayan nito'y halos sumayad na sa wooden vinyl floor ng kanyang silid. Nagtagal ang kanyang mga mata sa liwanag na nasa sahig na nagmumula sa labas ng kanyang bintana na nakalusot sa nakatabing na kurtina.
Inulubog pa niya ang kanyang pisngi sa malambot niyang unan at isang malalim na hininga ang mabagal niyang pinakawalan. Isang ordinaryong araw na naman para sa kanya. Isang ordinaryong araw na naman para umpisahan at palipasin sa buhay niyang katulad ng kanyang katawan ay unti-unti niyang ibinabangon sa bawat araw.
Ang liwanag ng kanyang buhay ay tila ba maihahambing niya sa kaunting liwanag na pumapasok sa kanyang bintanga sa sandaling iyun. Ilang araw na ba ang lumipas mula nang sinubukan niyang pigilan ang kasal? Uh mali hindi niya sinubukan na pigilan ang kasal, ang paalala niya sa kanyang sarili, tila ba nagpunta lamang siya sa kasal na iyun upang makita na iyun na ang katapusan ng kanilang relasyon at handa na siyang magpaubaya para sa dalawa.
At sa pagkakataon na iyun ay itinulak na niya ang kanyang sarili para bumangon at maupo sa kama na nakagawian na rin niya sa tuwing umagang gigising siya. Hinila niya ang kanyang tuhod palapit sa kanyang dibdib at ipinatong niya ang kanyang mga siko sa ibabaw ng kanyang tuhod saka pumihit ang kanyang ulo para tingnan ang oras sa bilog at kulay silver na alarm clock na may dalawang bell at nakapatong na sa ibabaw ng kanyang side table.
It was almost five in the morning and again it was a new day for her para muling gugulin ang kanyang panahon sa pagtatrabaho. Iyun na lamang ang dahilan kung bakit siya bumabangon sa araw-araw bukod pa sa kanyang pamilya. Ang kanyang trabaho ang unti-unting tumutulong sa kanya para makalimot at maghilom ang kanyang sugat.
Isang buntong-hininga na naman ang pinakawalan niya at saka niya hinawi ang kumot mula sa kanyang bewang at saka niya inilapag ang kanyang mga paa sa sahig and again she will brave another day hoping that something will happen that will help her heal from the wounds of her heart. Isang pagkakataon o oportunidad na makatutulong sa kanyang paghilom.
Nilagyan niya ng liksi ang kanyang kilos at nagtungo na siya sa loob ng kanyang banyo para magprepara sa araw na iyun sa kanyang pagpasok at pagbaba niya sa kanilang dining ay tulad ng dati, naroon na ang kanyang mommy at daddy na nalalapit na rin ang huling pagpasok nito sa trabaho bilang manager dahil sa pagreretiro nito.
"Oh anak, bago ito, English breakfast nakita ko sa cookbook na binili mo sa akin, sinubukan ko mukhang success naman, maupo ka at tikman mo kung pasado ba," ang sabi ng kanyang mommy sa kanya bago siya humalik sa mga pisngi ng magulang at naupo sa kanyang pwesto sa harapan ng lamesa. Agad siyang ipinagsalin ng kape ng kanyang mommy sa kanyang mug at isang mahinang "thank you" ang isinagot niya sa ina. Laking pasalamat talaga ni Cheyenne dahil napakalaking tulong ng kanyang magulang bilang pader na sandalan niya sa panahon na iyun.
"Oh ano pasado ba?" ang tanong ng kanyang mommy sa kanya nang magsimula na siyang sumubo ng pagkain. Isang ngiti na may pagtango ang kanyang isinagot.
"Opo mommy, masarap po," ang kanyang sagot at iyun naman ang totoo magaling talaga na magluto ang kanyang mommy.
"Mabuti naman at nagustuhan mo siyang pala, malapit na ang retirement ng daddy mo,"-
"Oo nga anak, nagpaplano kami ng mommy mo na mag-out of the country na vacation tayong tatlo kahit isang linggo lang, celebration natin," ang sabat naman ng kanyang daddy na may malapad na ngiti sa mga labi nito.
Isang pilit na ngiti ang isinagot niya sa kanyang daddy at kahit pa masaya siya sa napipintong pagretiro nito ay wala naman ang pakiramdam niya sa pagsasaya ng pagkakataon na iyun.
BINABASA MO ANG
Alaric Kirkland - Kirkland Series (completed)
RomanceFor mature readers only 18 and up. Please be guided! Second Book of Kirkland Series, featuring the story of Alaric Kirkland. Alaric only wanted to prove that he is worthy of her sister's trust that he could handle the management of their family's r...