Bumaba si Alaric sa open type jeep ng rancho, at kasunod naman niya si Cheyenne na bumaba ng sasakyan nito na may hawak na briefcase at hindi itinago ng mukha nito ang pagkamangha habang pinagmamasdan nito ang kanilang bahay. It was made of stones na itinatag ng mga naunang Kirkland na nagmigrate sa Pilipinas mula sa Scotland at dito nga itinayo ng kanilang mga ninuno ang Kirkland o mas kilala sa Highlands Ranch na kinuha sa pinanggalingan ng mga Kirkland sa rocky mountains ng Scotland.
"Wow, I'm sorry I didn't mean to stare pero…the architectural structure of your house is hah…breathtaking," ang sabi ni Cheyenne sa kanya at mahahalata nga talagang breathtaking ang kanilang bahay dahil sa Cheyenne really sounded breathless.
"Thank you, pero hindi ko lang ito bahay, sa aming tatlong magkakapatid ito, itinayo pa ito ng aming mga lolo," ang sagot niya at magkatabi silang nakatyo habang pinagmamasdan nila ang kanilang bahay. Noong una ay hindi big deal sa kanya ang bahay nila o ang hitsura nito, pero ng sandali na iyun, tila ba nakita niyang muli ang kanilang bahay sa unang pagkakataon sa mga mata ni Cheyenne na labis na humahanga.
"The age of the house adds up to its beauty," ang sagot ni Cheyenne sa kanya at tiningnan niya ito sa mga mata at nagtama ang kanilang mga tingin. Tumangu-tango siya at mas na-appreciate niya ang ganda ng kanilang tahanan ng mga sandaling iyun.
"Salamat, halika doon tayo sa loob," ang sagot niya rito at at isinenyas niya ang kanyang kanan na kamay na maglakad na sila paakyat ng batong hagdan patungo sa landing kung saan naroon ang malapad na pinto ng bahay. Tumango naman ito at sabay silang umakyat ng hagdan na gawa sa bato hanggang sa maabot nila ang main door at pinagbuksan niya ng isa sa mga double door si Cheyenne at pinauna niya itong humakbang papasok sa loob ng kanilang bahay.
"Uhm will you please excuse me for a bit? i really need to wash up first," ang nahihiya niyang sabi rito. Ayaw man niyang sabihin dito na kailangan pa niyang maligo muna bago niya harapin ito pero sa palagay naman niya na tama lamang na maglinis muna siya ng kanyang sarili bago siya makipag-usap.
"Oh of course sir Alaric, hihintayin ko na lang po kayo rito," ang magalang na sagot nito sa kanya. Pero mas gusto niya na maghintay si Cheyenne sa dining area para makapag-kape ito habang naghihintay at habang nag-uusap na rin sila.
"Uhm mas mabuti siguro na sa dining area na lang tayo mag-usap? para makapag-kape na rin tayo," ang sagot niya at tumango lang na may ngiti si Cheyenne sa kanya.
Tinawag niya si ate Josephine at pinasamahan niya muna si Cheyenne sa kanilang dining area at nagbilin din siya na maghain ng kape at ng sandwiches para sa kanilang bisita at saka naman siya magalang na nagpaalam kay Cheyenne bago niya mabilis na binagtas ang kanilang hagdan paakyat sa itaas ng bahay patungo sa kanyang silid.
Mabilis na lumingon muna si Cheyenne para sulyapan ang kanyang magiging unang kliyente. Nakita niya na mabilis itong umakyat ng hagdanan kung saan naroon ang mga silid. Kumunot ang kanyang noo, habang hinahabol niya ito ng tingin at pinagmasdan nya ang likuran na profile ni Alaric Kirkland.
There was something oddly familiar with Mr. Alaric Kirkland, ang sabi ng kanyang isipan, hindi lamang niya mapin-point kung ano iyun. Nramadaman niya ang kakaibang pakiramdam ng pamilyaridad nang magtabi sila kanina habang nakatayo silang dalawa sa harapan ng bahay nito. The feeling he was giving her was familiar and peaceful.
"Ma'am dito po tayo," ang sabi ng katiwala sa bahay na pumutol ng kanyang pag-iisip. Isang matipid na ngiti ang iginawad niya rito at tumango siya saka siya naglakad kasunod sa likuran nito at nagtungo nga sila sa malaking dining area ng Kirkland. Gustong malula ng mga mata ni Cheyenne sa laki ng bahay, ang dining area ng mga ito ay pinagsamang laki na ng kanilang dining at living area sa bahay nila sa Maynila. Naupo siya sa isa sa mga silyang gawa sa mamahalin na kahoy at magalang na nagpaalam sa kanya sandali ang katiwala ng bahay upang gawin ang ipinagbilin ni Alaric dito. Tumango siya rito at hinayaan niya ang sarili na matiyaga na maghintay at para may gawin siya ay kinuha niya ang kanyang bag at isa-isa na niyang inilabas ang mga printed na papel na may 3D models ng kanyang proposal para sa slaughter house at para na rin sa meat shop, kinuha niya rin ang blueprint na kanyang inihanda at maayos nyang inilatag ang mga iyun sa ibabaw ng lamesa.
BINABASA MO ANG
Alaric Kirkland - Kirkland Series (completed)
RomanceFor mature readers only 18 and up. Please be guided! Second Book of Kirkland Series, featuring the story of Alaric Kirkland. Alaric only wanted to prove that he is worthy of her sister's trust that he could handle the management of their family's r...