Chapter 4

1.3K 73 61
                                    

Tumayo si Axel mula sa pagkakaupo nito sa hood ng sarili nitong sasakyan nang makita nito ang kanyang sasakyan. Hindi man niya inaasahan ang pagdalaw nito dahil sa ginawa nito sa kanya ngunit alam niya na kailangan niyang kausapin si Axel para tapusin na ang lahat nang kung anuman ang natitira pa sa kanilang nasirang relasyon.

Itinabi niya ang kanyang sasakyan sa harapan ng kanilang bahay at saka siya bumaba mula sa driver seat bitbit ang kanyang bag. Sinalubong siya ni Axel at mukhang miserable ito, good, ang sabi ng kanyang isipan, nang matikman niya ang kanyang pinagdaraanan.

 "Let me guess, gusto mong makipag-usap kaya ka nandito?" ang bungad nya kay Axel na tumangu-tango naman ang ulo bilang sagot sa kanya.

"Ano? Aakuin mo rin ba ang kasalanan?" ang sarkastikong tanong niya kasabay ng paghalukipkip ng kanyang mga braso sa kanyang dibdib.

"Oo, kasalanan ko ang lahat, dahil sa naging marupok ako kay Graciel, kasalanan ko dahil sa nangulila ako sa iyo Cheyenne," ang pag-amin ni Axel na puno ng hinanakit ang boses nito ngunit hindi iyun tumalab kay Cahyenne. Bagkus ay mas lalong napuno ng galit ang kanyang dibdib.

"Oh, nangulila ka ganun ba?" ang panimulang tanong niya, "nangulila ka sa akin kaya, naghanap ka ng mapagrarausan mo, yung babaeng nangangailangan din ng kalinga o papansin lang, ganun ba?" ang mapang-insultong tanong niya kay Axel habang diretsong nakatingin siya sa mga mata nito na puno ng paghamon.

Umiling ang kanyang ulo, "maintindihan ko pa sana Axel kung isang beses lang na nangyari, at masasabi mo pang natukso ka lang ng sandali, pero hindi," ang sagot niya na may pag-iling. "Hindi, paulit-ulit mong ginawa na umabot sa punto na nagsinungaling ka na sa akin," ang dugtong pa niya.

Tumangu-tango si Axel habang nakatikom ang mga labi nito bago ito nagsalita, " patawarin mo ako," ang pagsumamo nito sa kanya at gumawa ito ng isang paghakbang papalapit pero umiling siya at humakbang naman siya para umiwas dito.

Diretso niyang tiningnan si Axel sa mga mata nito at nilunok niya ang emosyon sa kanyang lalamunan, "pintawad na kita," ang mariin niyang sagot at pinigilan niya ang luha na namuo sa kanyang mga mata, "pero hindi ko kailanman makakalimutan ang ginawa ninyo sa akin." Ang dugtong ni Cheyeene na may pag-iling ng ulo nito, ni hindi nga siya sigurado kung totoo ang sinabi niyang napatawad na nya ang mga ito.

"Please Cheyenne, ikaw ang mahal ko," ang giit ni Axel at umabot ang kamay nito sa kanya ngunit mabilis siyang umiwas, ayaw nyang mahawakan nito dahil hindi niya alam kung magiging marupok siya.

"Buntis si Graciel kaya napilitan lang ako na alukin siya ng kasal," ang giit ni Axel sa kanya. Isang hungkag na tawa ang kanyang pinakawalan saka siya umiling.

"Huwag ka ngang magpatawa," ang sagot niya kay Axel, "napilitan ka? Napilitan ka lang pero hindi mo agad inamin sa akin?"! ang sigaw niya at wala na siyang pakialam kung may nakarinig sa kanya.

"Ako na sinasabi mong mahal mo? Ako na mahal mo pero nagawa mong lokohin?" ang sumbat niya, "kailan mo pa balak na sabihin sa akin? Huh? Kapag nakapanganak na si Graciel? Hoy ga! Ikinasal na ako kasi nabuntis ko ang kaibigan mo pero ikaw ang mahal ko!" ang mapang-asar pa nyang dugtong dito.

Umiling si Axel at nakita niya ang luha mula sa mga mata nito, "please Cheyenne, take me back! Nagmamakaawa ako sa iyo, mahal na mahal kita," ang sumamo ni Axel sa kanya. At akmang lalapitan siya nito ngunit muli na namang humakbang paatras ang kanyang paa.

"Buntis na si Graciel," ang mariin niyang sabi kay Axel na umaagos na ang luha sa mga mata nito.

"Pananagutan ko ang bata, susustentuhan ko, pero ayoko maikasal," ang giit ni Axel sa kanya.

Alaric Kirkland - Kirkland Series (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon