Chapter 10

1.3K 93 36
                                    

Engineer Cheyenne A. Victorino, Junior Engineer at Burke Construction Firm, contact number zero nine-

"Alaric!" ang sigaw ni Rauke sa kanyang pangalan at nagitla siya at napaiktad sa kanyang kinatatayuan.

"Shit," bulong niya at dali-dali niyang ibinalik sa bulsa ng kanyang pantalon ang isang malit na card kung saan nakatala ang contact info ni Cheyenne. Iniabot nito sa kanya ang calling card bago ito nagpaalalm na umalis. Inihatid niya pa ito sa bukana ng gates ng rancho pagkatapos niyang ituro ang site kung saan niya balak na itayo ang slaughterhouse at pagkatapos nga ay nagpaalam na ito sa kanya at nangakong ibibigay sa kanya ang adjusted model at costs ng ipinagagawa niyang structure model dito.

"Alaric," ang muling pagbanggit ni Rauke sa kanyang pangalan at isang buntong-hininga ang kanyang pinakawalan at saka niya nilingon ang kanyang kapatid na nasa kanya nang likuran. Tapos na ang kanilang trabaho sa maghapon at isinara na nila ang mga barn at kasalukuayn na lang silang nakatayo sa labas ng wooden fencing kung saan siya nakasandal.

"Ano yun?" ang tanong niya sa kapatid at muli niyang kinunutan ito ng noo. At napangiwi ang labi ni Rauke nang makita na naman ang kanyang seryosong expression.

"Simang na naman ito, hindi na ba talaga ngingiti yang mga labi mo?" ang kunot noo na tanong ng kanyang kapatid sa kanya.

"Anoh ba kasi?" ang inis pa rin niyang tanong sa kapatid at hindi iyun dahil sa naiinis siya rito kundi para maitago niya na muntik siyang mahuli nito na tinititigan niya ang calling ni Cheyenne. Gusto lang naman niya na mabasa ang numero nito, for a hundred times, at yun lang wala ng iba.

"Si Cheyenne?" ang tanong ni Rauke sa kanya na may malapad na ngiti sa mga labi nito at halos umabot sa magkabilang tenga ng kanyang mga kapatid ang magkabilang sulok ng labi nito.

"Kanina pa nakaalis," ang kunot noo na sagot niya sa kapatid. Alam niyang umiral na naman ang pagiging babaero nito at si Cheyenne naman ang puntirya ng kapatid. At malamang naibalita na nito sa dalawang alipores nitong makakita lang ng nakapalda ay natataranta na.

Nakita niyang kumunot ang mukha ni Rauke, mukha iyun nang nanghihinayang, "pa-Maynila?" ang nanlulumong tanong nito sa kanya.

"Ugh hindi nasa Pedrosa na siya, bukas pa siya magpapa-Maynila at may ibibigay pa siya sa akin na adjustments, bakit ba tanong ka nang tanong?" ang inis niyangtanong dito. Pinagmasdan niyang bumagsak ang mga balikat ni Rauke hindi sa panghihinayang kundi dahil sa kaluwagan ng dibdib nito nang malaman na nasa Pedrosa lang si Cheyenne. Mukhang nagkamali yata siya, sinabi na lang sana niya na nakabalik na ng Maynila si Cheyenne mahirap nang maakyat hotel ang kanyang magiging engineer.

"Eh hindi ko pa siya asyadong nakakausap,"-

"Hoy Rauke, pwede ba huwag mong isama sa mga akyat-bahay o inaaswang niyong tatlo si Cheyenne, malalagot kayong tatlo sa akin baka kayo ang unang makatay sa slaughterhouse na ipapatayo ko," ang seryoso na banta niya sa bunsong kapatid.

"Grabe ka naman sa akin, I am not that incorrigible! Iagagalang ko si Cheyenne, gusto ko lang magkaroon ng ibang mukha sa bahay natin sawang-sawa na ako sa mukha mo!" ang sagot ni Rauke sa kanya.

''Ganun din ako sa iyo," ang sagot niya sa kapatid at tinalikuran na niya ito para maglakad palapit sa kanyang motorsiklo. Ramdam niya na nakasunod pa rin ang kapatid niya sa kanya at hindi na niya ito nilingon pa, hinihintay na lang niya ang sasabihin pa nito.

"Bukas pa naman siya uuwi," ang simula nito at nagpatuloy siya sa paglalakad, "Alaric mag-isa lang siya sa Pedrosa, wala siyang kakilala rito,"  ang mariin na sabi sa kanya ni Rauke na tila ba kinokonsensiya siya nito.

Alaric Kirkland - Kirkland Series (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon