Chapter 28

1K 80 41
                                    

Natunaw ang inis na nadarama ni Alaric nang malaman niya na si Cheyenne pala ang nakaisip ng tarp at ng malalking kamay na sombrero na nasa ulo ng tatlong lalaki na kasama nito. Umusok man ang kanyang ulo at ilong nang makita niya si Cheyenne na nakaupo sa mga balikat ni Canaan ay napalipas na niya iyun, ang importante ay nag-effort si Cheyenne at kung hindi rito ay hindi siya mananalo na kahit pa hindi naman siya mahilig sa ganun na bagay ay tila isang malaking achievement sa kanya ang mapansin ng mga tao lalo pa at kung noon ay napapansin lamang siya, kung gagawin siyang sentro ng tukso at katatawanan. Pero natuwa siya nang husto ng malaman niya ang ginawa ni Cheyenne para sa kanya.

Naglakad na siya patungo sa kanyang nakaparadang sasakyan habang isa-isa niyang binubuksan ang butones ng kanyang suot na barong tagalog. Lumingon siya sa kanyang likuran at wala pa rin si Rauke, gusto na talaga niyang makawala sa kanyang suot, hindi talaga siya sanay sa ganun na damit at tila ba gusto na niyang kamutin ang kanyang balat. Mabuti pa na mauna na siya sa loob ng kanyang sasakyan para makapagbihis na, mabuti na lang at tinted ang salamin ng kanilang covers na jeep, isa sa dalawang bago na jeep, kung matatawag na bago ang dalawang taon na edad ng kanilang jeep.

Isinuot niya ang susi at binuksan niya ang pinto ng driver side at naupo na siya sa loob at kanyang ipinatong sa dashboard ang kanyang tropeo at hinila niya ang laylayan ng suot niyang barong pataas sa kanyang ulo para lumusot iyun pati na rin ang sleeves sa kanyang mga braso at nakaupo na lamang siya sa loob nang nakacamisa de chino. Kumunot ang kanyang noo dahil wala pa rin si Rauke, mukhang naipit pa sa huntahan ang kapatid niyang pwede nang tumakbong gobernador ng lalawigan ng Pilar dahil sa sikat na sikat ito kasama ang dalawa o mukhang tatatlo pang alipores nito.

Napabuntong siya mukhang matatagalan pa ang kapatid pero gusto na niyang makapagpalit ng damit at naiinitan na ang kanyang mga paa, kahit pa sanay siyang nakaboots iba pa rin ang laced na balat na sapatos dahil sa hindi siya sanay sa ganun na sapatos. Isa-isa niyang hinubad ang suot niyang balat na sapatos na nagulat din siya na may naiwan pa pala ang kanyang daddy na sapatos na ibinigay sa kanya ni ate Josephine nang umagang nagtanong siya kay Rauke ng sapatos at narinig siya nito. Mukhang may mga naitabi pa si ate Josephine na mga gamit ng kanyang mga magulang.

Napabuntong-hininga siya ng kaginhawaan nang maramdaman niya ang kapreskuhan sa kanyang mga paa. Itinabi niya ang sapatos sa backseat at nagpasya na rin siyang buksan ang hook ng suot niyang slacks at balak na rin niyang hubarin ang suot niyang itim na pantalon para pagdating ni Rauke ay isusuot na lamang niya ang maong niyang pantalon at ang baon niyang boots. Hinila na niya ang zipper ng pantalon at inilagay niya ang kanyang mga daliri sa waistband ng kanyang pantalon at hinila niya ang suot na pantalon pababa sa kanyang balakang at iniangat pa niya ang kanyang pwetan para mailusot at mahila niya ang pantalon sa kanyang mga hita at binti. At dahil sa masikip sa loob ng driver seat ay hindi niya sinasadya na mabangga ang ipinatong niyang tropeo niya na hugis cylinder na patusok ang dulo at gawa ito sa salamin. Nahulog ito mula sa dashborad at nahulog sa sahig ng passenger seat nang hilahin niya ang suot na pantalon sa kanyang kanan na paa.

"Ugh," ang sambi niya. Mabilis niyang itinupi ang suot na pantalon at inikagay niya iyun sa backseat at nakaupo na lang siya sa driver seat nang nakaboxer brief na kulay itim at camisa de chino. Yumukod siya sa kanan para abutin ang nahulog niyang tropeo at nang maabot na ng kanyang kamay ito ay muli siyang naupo habang hawak ang tropeo niyang gawa sa salamin. Tiningnan niya kung nabasag ito, at nang ibabalik na sana niya iyun sa dashboard ay biglang bumukas ang pinto ng driver side at nanlaki ang kanyang mga mata nang makita niya ang mukha ng nagbukas ng pinto.

Nang hindi makita ni Cheyenne si Alaric sa harapan ng sasakyan nito ay huminto siya sa paglalakad, siguro naman kung sinabi nit okay Rauke na dalhin dito ang bag nito ay dapat naghihintay ito sa labas ng sasakyan. Pero mukhang walang tao sa loob ng jeep at walang Alaric na naghihintay.

Alaric Kirkland - Kirkland Series (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon