Chapter 47

1.3K 85 23
                                    

Napapagod na si Alaric at sa sandaling iyun ay gusto na lamang niyang lamunin siya ng lupa o di akaya naman ay hipan na lamang siya ng hangin na parang usok at tuluyan na siyang mawala. Wala na siya halos naintindihan sa meeting na sinimulan muna ng kamustahan ng mga ito. Mukhang puro kakilala ni Dakota ang mga nagpuntang future clients daw niya. Halos kalahati ng araw ay nauwi na lamang sa kamustahan, at nang magsimula naman na ang meeting ay tila ba hindi lang siya ang walang naintindihan sa mga sinasabi ni Dakota.

Hindi sa walang saysay ang mga sinasabi nito, pero kaiba kasi ang pagsasalita nito noon sa convention nang maging isa ito sa mga naging speaker. Sa pagkakataon na iyun kasi ay napakalayo ng sinasabi nito sa mga gusto niyang mangyari sa rancho. She was going to expand the cattling business particularly sa meat production na hindi naman sana masama pero sa nagsisimula pa lamang na katulad niya? Ay sa tingin niya ay hindi pa niya kaya na magsupply sa karatig probinsiya. At hindi lang iyun, ang mga kliyente na kausap nila ay wala rin namang kinalaman sa food or even sa hotel and restaurant business mas lalo na sa pagbebenta ng mga meat produce. Kaya naman hindi lang siya ang hindi maintindihan ang gusto ni Dakota kundi ang mga ito rin dahil sa hindi naman nasa larangan ng pagrarancho o pagkain ang career ng mga taong kaniyang kasama.

Ayaw niyang insultuhin si Dakota, she's definitely more intelligent and knowledgeable than him. Sino ba siya na walang mataas na pinag-aralan ang kukwestiyon sa katulad ni Dakota na nag-aral sa ibang bansa? Pero sa sandaling iyun ay napakalayo ng vision nito sa gusto niyang mangyari sa rancho.

Tiningnan niya ang oras at lumipas na ito na wala man lamang naisara na deal at mukhang lumipad lang sa hangin at utak ng mga nakinig ang pinagsasasabi ni Dakota. At siya naman ay nauubusan na rin ng oras para makausap na niya si Cheyenne.

"Gusto niyo ba ng tour sa property?" ang narinig niyang tanong ni Dakota. At nanlumo na naman siya sa kanyang narinig. Oras na kasi ng pagtatapos ng gawain sa site at hindi niya alam kung nagpunta si Cheyenne sa itinatayo niyang abattoir, and the last thing he needed was another activity that will waste his time. Oo nasasayang na ang kanyang oras, kahit pa maganda ang hangarin ni Dakota para sa kanyang proyekto ay gusto na niyang matapos ang meeting na iyun nang makaalis na siya. Napansin din niya na mukhang gusto na rin ng mga kasama nila na matapos na ang pag-uusap nilang iyun at halata sa mga mukha nito ang mga pilit na ngiti.

"Uhm Dakota, may kailangan pa ako na gawin," ang mahinang sabi niya kay Dakota. Nagtaas lamang ito ng kilay sa kanya at ngumiti.

"Huli na ito Alaric, pagkatapos ng tour sa abattoir pwedeng mo ng gawin ang gusto mong gawin," ang sabi nito sa kanya. Muli na namang pumasok sa kanyang isipan ang sinabi nito sa kanya kanina na alam ni Gab ang mga nangyayari sa sandali na iyun. Naguguluhan na siya kung ano ba talaga ang kanyang dapat na gawin, nahahati ang kanyang puso sa dalwa at sa pareho pang babae na mahal niya. Kahit pa alam na ni Gab na may babaeng nagmamay-ari ng puso niya ang patungkol naman sa rancho ang kanyang isinasaalang-alang . Kaya naman nahahaati pa rin ang kanyang puso at isipan sa kung ano ba ang uunahin niya.

"Alaric the sooner we get there, the sooner we can end this and you can go to your business, hmm?" ang nakangiting sabi ni Dakota sa kanya, "nakakahiya sa mga bisita mo."

Napabuntong-hininga na lang si Alaric at tumango siya, mabuti na nga na matapos na ito at nang makaalis na siya, ang sabi niya sa kanyang sarili. At mukhang hindi lang siya ang napipilitan ng mga sandaling iyun at sa pakiramdam ni Alaric ay naging pamilyar na ang ugaling ipinapakita sa kanya ni Dakota. Pamilyar na sa kanya iyun dahil sa iyun din ang ugali ng kanyang mommy.

Sumakay na sila sa kanilang mga sasakyan at si Dakota ay muli niyang kasama sa kanyang jeep. Nanatili na lamang siyang tahimik hanggang sa maabot nila ng site at tama nga ang kanyang hinala na sa oras na iyun ay patapos na ang gawain sa construction at mangilan-ngilan na lamang ang mga naroon. Hindi pa niya napansin si Cheyenne, pero hahanapin niya ito sa sandaling makalapit na sila, hindi man niya ito makita ay gusto naman niyang malaman na nasa mabuti itong kalagayan.

Alaric Kirkland - Kirkland Series (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon