Bumuka ang mga labi ni Alaric nang marinig niya ang sinabi ng kapatid, tila ba banyagang linggwahe ang ginamit nito at hindi niya ito naintindihan. Nanatiling nakabuka ang kanyang bibig at namilog ang kanyang mga mata habang nakatingin sa kanyang kapatid, kaya naman hindi napigilan ni Gabrielle na hindi tumawa sa kanyang naging reaksiyon.
"Anoh?"! ang natatawang tanong ni Gabriella sa kanya nang ilang segundo na siyang nakatulala sa harapan nito, "Huy Alaric baka pasukan ng bubuyog iyang bibig mo."
"Gab, hindi nga?"! ang di makapaniwala niyang tanong sa kapatid. Ni sa hinagap kasi dahil sa pangalawang anak siya ay hindi niya naisip na sa kanya ipagkakatiwala ng mas nakatatanda niyang kapatid ang pamamahala ng rancho.
"Bakit ayaw mo ba?" ang tanong din nito sa kanya na may malapad na ngiti sa labi nito habang nakapatong ang mga siko at braso nito sa ibabaw ng mesa at hinihintay ang kanyang sagot.
"Hindi naman sa ayaw Gab, I mean, nagulat lang talaga ako, saka, hindi ko na itatanggi na noon pa man ay gusto ko rin na pamahalaan ang rancho," ang matapat niyang sagot dito. Oo iyun ang totoo, kahit pa pantay-pantay silang magkakapatid sa mata ng kanilang lolo Alano ay alam ni Alaric na bilang panganay ay si Gabriella ang mas bibigyan ng pamamahala sa rancho at hindi naman siya tumututol dito. Napakalaki ng itinulong ni Gabriella sa kanila at dugo, pawis at luha ang ipinuhunan nito sa Highland Ranch.
"That's good to hear," ang nakangiting sagot sa kanya ni Gabrielle at hinawakan nito ang kanyang brasong nakalatag din sa ibabaw ng mesa. Tiningnan niya ang kamay nito na nakahawak sa kanyang pulsuhan at umangat ang kanyang mata sa magandang mukha ng kanyang kapatid na mula nang mapangasawa nito si Seth ay mas lalong namukadkad ang ganda nito dahil sa napuno ng saya ang buhay nito na lumilitaw sa mukha nitong laging may ngiti.
"Pero bakit? Ayaw mo na bang mamahala ng rancho? Kahit pa may anak ka na Gab alam kong kaya mo pa ring pamahalaan ang rancho, nandito naman kami para tulungan ka," ang tanong at saad niya sa kanyang kapatid.
Isang buntong-hininga na may ngiti ang isinagot ni Gab sa kanya, "hindi sa ganun Alaric alam ko naman na tutulungan ninyo ako ni Rauke, pero, kailangan kasi ni Seth na bumalik sa Manila, nandoon ang trabaho niya kahit pa siya ang may-ari at kayang magtrabaho sa kahit saan na lugar, ang main office niya ay nasa Manila at hindi naman pwedeng ilang beses lang kami kada linggo na magkikita lalo pa at may anak na kami, I want to live with him, asawa na niya ako kung nasaan ang asawa ko ay naroon ako, dahil kailangan ko ng gampanan ang papel ko bilang asawa at nanay sa anak ko, kaya naman sa iyo ko iiwan ang pamamahala ng rancho at umaasa ako at naniniwala ako na mas mapapaunlad mo pa ang Highlands Ranch," ang saagd nito sa kanya.
Binalot niya ng kanyang kamay ang kamay ni Gabriella na nakahawak sa kanyang pulsuhan at pinisil niya ang kamay ng kapatid at isang ngiti ang sinagot niya rito kasabay ng mabagal na pagtango ng kanyang ulo.
"Pangako Gab, gagawin ko ang lahat para sa ikauunlad ng rancho, asahan mo na uunahin ko ang kapakanan ng rancho bago ang sarili ko," ang sagot niyang pangako sa kanyang kapatid.
Isang buntong hininga ang narinig niyang pinakawalan ni Gab at kumunot ang noo nito sa kanya, "Alaric, baka naman isubsob mo ng husto yang mukha sa rancho at makalimutan mo na ang mag-enjoy?" ang tanong sa kanya ni Gabirelle.
Kumunot ang kanyang noo sa sinabi ng kanyang kapatid, "alin? Mag-enjoy na katulad ni Rauke at nung dalawang mokong na akala mo ba ay mauubusan ng babae sa Villacenso? Ugh, mas gugustuhin ko pang uminom na lang na mag-isa rito sa bahay," ang kunot noo niyang sagot sa kapatid at isang malakas na tawa naman ang narinig niyang isinagot nito sa kanya.
"Torpe ka ba o bakla?" ang diretsong tanong ni Gab sa kanya na kanyang ikinabigla. Naramdaman niya ang pag-iinit ng kanyang pisngi nang dahil sa sinabi ni Gab sa kanya.
BINABASA MO ANG
Alaric Kirkland - Kirkland Series (completed)
RomanceFor mature readers only 18 and up. Please be guided! Second Book of Kirkland Series, featuring the story of Alaric Kirkland. Alaric only wanted to prove that he is worthy of her sister's trust that he could handle the management of their family's r...