2. Kung Ako Na Lang Sana

3.9K 52 1
                                    

“Good Morning Class.”

“Good Morning---“ bati ng klase sa isang ginang na hindi katangkaran, nakapusod ang buhok niya at nakatayo sa maliit na stage kung nasaan ang teacher’s table. Natigilan kami kasi hindi pa namin alam ang pangalan niya.

“By the way, I am Mrs. Lorena Valdez, your adviser for this school year. Call me Teacher V please. Gusto ka yan, para unique.” Nakangiti niyang sabi.

“Good Morning Teacher V.”

“You may now take your seat.”

Ang cool lang ng tawag namin sa kanya. Sana mabait, pero bali-balita na mabait nga raw itong teacher na ito.

“Bilang unang araw ng klase, gusto ko sanang makilala kayo lahat, let’s start with you miss…” Tinuro niya ako.

Powtek! Ako agad? Oh well. Tumayo na ako, at nagsimula.

“Good Morning. Ako nga pala si Katy Constantino, 16 years old.” Umupo na ako.

Sunod-sunod na nagsitayuan ang mga kaklase ko na isa-isang tinawag ni Teacher V. Hanggang sa maarating kay Jared na katabi ko lang.

“Good Morning. I’m Jared Matthew D. Almonte. 17.” Nagtitilian ang mga kaklase kong babae dahil sa presensya ng hotness ng bestfriend ko. Uupo na sana siya nang biglang…

“You seem to attract attention Mr. Almonte, may girlfriend ka na ba? Let me guess, yang katabi mo ba? Ms. Constantino, right?”

Wow. Grabe naman pala itong si Teacher V. Ma-issue, hindi ko keri!! Pero…sana nga, sana nga kami. Kaso hindi eh.

“Uh, Hindi po kami.” Just as I expected, sinabi na ni Jared ang katotohanan. “She’s just my best friend.” Pagtutuloy nito.

“Opo. Best friends LANG po talaga kami.” Pagdidiin ko. Inumpisahan niya eh.

“Oh I see. Pero sayang ha, bagay kayo.” Pilit ni Teacher V.

Napangiti na lang ako, samantalang si Jared, straightfaced lang…problema nito? Wag niyang sabihing nandidiri siya sa’kin? Batukan ko siya eh.

“Anyway, let’s move on…Ikaw naman Mister?” tinuro niya si Ron, na nasa kabilang side ko naman.

“I’m Ronin Chiba, 17.” He said. Gaya ng nangyari kay Jared, pinagtilian din ng mga babae itong si Ron. Grabe lang ang hatak nila sa girls. Nakakainggit.

“Half what?” tanong ni Teacher, hindi talaga siya nauubusan niyan.

Natawa naman ng bahagya si Ron bago sumagot…

“Half human, half…vampire.” Tumawa ang lahat sa nakakalokong sagot niya.

“Hahaha. G-go ‘to!” may sumigaw sa likod.

“Lul…” pabulong na sinabi ni Jared.

Ang cute :)

“I meant your half race? Sa tingin ko naman ay hindi ka purong Pilipino.”

“I’m half Japanese, Sensei. Can I sit now?”

“Sure.” She nodded.

*

Nandito kami ngayon sa Tambayan namin. Sandali kasing nagkaroon ng urgent meeting ang faculty kaya, dinismiss muna kami for half an hour.

Isa itong maliit na shed na matatagpuan sa likod na bahagi ng school. Tanging kami lang ang nakakapunta dito, kasi nga, tambayan namin. Ok, ang lame ko -___-

“Pre! Grabe! Ang terror ng teacher namin p-cha!!!” reklamo ni Gab habang sinisipa-sipa ang lata ng softdrinks sa may paanan niya.

“Ha! Buti pa kami! Ang swerte namin, si Teacher V ang napunta sa’min!” pagmamayabang ni Ron.

“Tae. Palipat kaya ako!!”

“Hoy! Hindi nga pwede ‘diba, bawal! Decision is final.”sabat ko.

“Utut. ARGGGHHH. Naiingit ako, powtek.” Panggigigil ni Gab.

“Nakakatawa nga lang kanina eh, doon sa ‘introduce yourself portion’ ang daming tanong ni Teacher V!! Nakakastress.” Pagmamayabang ko rin. Hehe

“Like what?” tanong ni Emac na kagagaling lang sa Canteen, marami siyang dalang Pagkain at inabot niya ito sa akin.

“Hay naku, kung anu-ano tinanong, kesho, mag shota daw ba si Katy at Jared. Tapos, tinanong naman ako kung ano kalahati ko.” Si Ron ang sumagot.

“Eh ano sagot mo?” matamang nakikinig si Emac.

“Vampire.”

POK! POK! POK!

At pinagbabato siya ng popcorn ng dalawa habang tumatawa. Ang kulit lang talaga nila, siyempre, mga pasimuno ‘yan ng kalokohan dito eh.

Pero teka, pansin ko lang, where’s my bestfriend?

“Guys, asan si Ja?” short for Jared.

“Ha? Ewan namin eh...uy tama na! Aray! Aray! P-ta!”  binabato pa rin kasi si Ron.

“Baka kasama ni Charry!” Humahagalpak pa rin sa katatawa si Emac, pero sinagot niya ang tanong ko.

Si Gab naman, mukhang tuwang-tuwa sa ginagawa niya at hindi na ako pinansin.

Siguro nga…siguro nga kasama niya si Charry. Haayyyyyyyyyy…

“Guys, nakita niyo ba si Charry?” biglang tumambad sa’kin ang mukha ni Jared na hingal na hingal, marahil ay dahil sa pagtakbo.

“Oh Best?! Hindi ba dapat ikaw ang nakakaalam niyan?” tanong ko.

 “Hinahanap ko nga siya eh, nagpunta na ako kung saan-saan, hindi ko siya Makita.”

“Uso tumawag.”

“Hindi nga kasi sumasagot, eh kayo Gab? Nakita niyo? Diba kaklase nyo?” baling niya kila Gab na kasalukuyan busyng-busy pa rin sa paghaharutan.

“Ha, umalis siya agad kanina eh, may kasama.”

“P-cha! Diba sabi ko bantayan? T-ngina, sino kasama?” alalang-alala na si best, kawawa naman.

“Chill best! Chill!” sabat ko.

 “Langhiya, di man lang nagpaalam sa akin kung saan pupunta.” Suminghap siya ng maraming oxygen at saka nag-dial sa cellphone niya.

“Hoy Best. Wag ka namang masyadong OA, hindi mo lang siya mahanap natataranta ka na agad diyan, may sariling buhay din naman yung tao, hindi lang umiikot sa’yo. Baka mamaya nasasakal na pala si Charry sa’yo, hindi lang nagpapahalata…” Natigilan ako, napansin ko kasing naging matalim ang tingin niya sa akin.

Pati sila Ron, napatigil at napatingin sa’min.

Masyado yata akong naging prangka sa sinabi ko.

“Ah…Best, sorry.”

Hindi siya nagsalita, sa halip ay tumayo siya sa kinauupuan niya at umalis sa kinaroroonan namin.

“May masama ba akong nasabi?” tanong ko sa mga natitira kong kasama.

Nagsasabi lang naman ako ng katotohanan. Isa pa, nagmamalasakit lang din naman ako, bilang kaibigan.

“Kate, wala kang nagawang mali, in fact, tama ka nga sa sinabi mo.” Tugon ni Ron.

“Pabayaan lang muna natin si Jared, siguro hindi lang siya sanay na wala si Charry sa tabi niya.” Gab.

Tumango na lang ako at pinilit na intindihin ang nangyari.

Naku Jared! Pinapakulot mo ang buhok ko!! Pasalamat ka, Mahal Kita!!!!

She's My Number TwoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon