21. Be Here

2.8K 43 0
                                    



JARED’s POV:

 

“Hindi nga kasalanan k—“ she cut me off with a quick kiss on the lips.

“Tumigil ka na…sige na. Kasalanan na natin yun.” Sabay sabi niya

Well, that’s a first…hindi talaga ako makapaniwala na siya ang nauna sa aming dalawa.

Hinalikan ko din siya ng mabilis. Hindi ako maka-get over eh, I’m longing for more of that…more of her.

“Ah ganun ba…ang sarap naman palang magka-kasalanan.”

Ginantihan niya naman ako ulit ng halik.

“Oo nga eh…tara na.”

Saka niya ako hinila hanggang makalabas kami sa gate ng school.

Gusto ko pa sana eh, kaso nagmamadali na siya.

Okay lang, may next time pa naman.

“San punta?” Tanong ko sa kaniya, dere-derecho siya sa pagalakad. Hindi ko na nga alam kung saan niya ako dinadala eh.

Tinitignan lang kami ng mga taong makakasalubong namin, paano ba naman kasi, oras ng klase ngayon, at sa mga mata nila…nagka-cutting kami. Naka-uniporme pa naman kami.

Mga pasaway na estudyante.

“Sa malayong-malayo basta.”

“Ha?”

Hindi na niya ako sinagot.

Konting paroon at parito pa ang naganap hanggang sa mapadapad kami sa sakayan ng bus, tapos sumakay kami sa isang bus na di ko man lang alam kung saan patungo.

Konti lang naman ang tao kaya hindi kami nahirapang humanap ng mauupuan.

Nakapuwesto na kami sa bandang gitna. Umupo siya sa gilid ng bintana, tumabi naman ako.

“Alam mo ba kung saan papunta ito?” tanong ko habang ipinoposisyon ang kaliwang kamay ko sa balikat niya.

Ngumiti siya at umiling.

“Hindi.”

“Ha?! E ba’t tayo nandito?” tatayo na sana ako at bababa sa kinasasakyan namin pero bigla itong umandar.

Ano bang masamang hangin ang nasinghot ng babaeng ito at naisip yata niya ito bigla?

Hinila niya ako pabalik sa tabi niya.

“Umupo ka nga, wag kang malikot dahil nakakahilo daw sa bus, alam mo ba iyon?”

“Eh saan nga ba tayo pupunta kasi?”

Gumagalaw na nga ang bus, mabilis na nilalagpasan nito ang mga lugar na dinaraanan.

She's My Number TwoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon